One year later ABALA si Laura sa pag-eedit ng mga picture sa computer nang biglang pumasok sa kanyang home office si Tamara. “I’m getting married!” masayang-masayang anunsyo nito. Natawa si Laura. Itinigil niya ang ginagawa at hinarap ang kaibigan. “I know, friend. I know.” Mula sa London ay patagong dumating sa Pilipinas kagabi si Tamara para dumalo sa high school reunion at sorpresahin ang nobyong si Ethan. Pero si Tamara pala ang masosorpresa dahil nag-proposed ng kasal si Ethan sa mismong reunion na kaagad namang tinanggap ng kaibigan niya. Bago matapos ang reunion ay tinawagan siya ni Tamara at masayang ibinalita ang ginawang proposal ni Ethan. Ang totoo ay ilang linggo na ring alam ni Laura ang tungkol sa proposal dahil pasikreto siyang kinausap ni Ethan nang huli nitong bisitah

