NAPAKUNOT-NOO si Laura nang tumunog ang kanyang cell phone at makitang si tumatawag si Ethan.
“Hey, Ethan what’s up?” sabi ni Laura nang sagutin ang tawag.
As expected, kaagad na nagkaayos sina Tamara at Ethan matapos na pormal na nakipaghiwalay si Ethan kay Celine. Nakabalik na sa London si Tamara pero babalik din kaagad ito sa Pilipinas sa oras na matapos ang mga proyekto nito. Naging matagumpay naman ang operasyon ng mga mata ni ‘Tay Nato. Maayos na itong nakakakita at nakakapagtrabaho. Minabuti ni Laura na manatili muna sa Pilipinas ng ilang linggo pa matapos makatanggap ng panibagong trabaho.
“Hi, Laura. Sabi ni Tamara nandito ka pa sa Manila. Busy ka ba? Can I ask you a favor?”
“Hmm.. anong favor?”
“Kailangan kasi ng professional photographer ng kaibigan kong si Kate para sa kasal na in-organize n’ya. She’s an event planner and owner of K Projects event management firm. Naaksidente kasi ‘yung kinuhang photographer ng ikakasal at wala silang makuhang replacement kaya si Kate ang pinaghahagilap nila. Ang problema, nasa bakasyon ang regular photographer ng firm kaya humingi si Kate ng tulong sa barkada. Marami akong kilalang photographer pero puro naman mga busy. So, I just wanna ask if you can help her?”
“Kailan ba ‘yung wedding?”
“This afternoon na. Sa isang resort sa Antipolo gaganapin ang ceremony at reception. I heard from Tam that you’re not yet busy?”
“Okay. I will be the replacement,” mabilis na desisyon ni Laura. Hindi naman kalayuan ang venue at wala naman siyang gagawin sa araw na iyon kundi mag-ikot sa mall kaya pumayag siya. Sa susunod na linggo pa ang trabaho niya.
“Thank you!” relieved na sabi ni Ethan. “I owe you.”
“Nah. Just be faithful and love my best friend for life. Wala tayong magiging problema.”
“No sweat. I’ll inform Kate na pumayag ka na. Just wait for her call. I’ll give to her your number. Thanks again, Laura.”
“You’re welcome. I’ll wait for her call,” sabi ni Laura at tinapos na ang tawag.
Makalipas nga ng ilang minuto ay nakatanggap ng phone call si Laura mula kay Kate. Matapos nilang magkasundo sa fee at malaman ni Laura ang mga detalye ng kasal ay naghanda na si Laura sa pag-alis.
A few hours later, nasa isang private resort sa Antipolo si Laura kasama si Jio. On-call assistant niya si Jio kapag may trabaho siya sa Pilipinas.
“I know you’re good, Laura. And I impressed with your works. I’m also very thankful na pumayag ka na pumunta dito at magtrabaho kahit na biglaan. But can you assure me that you will give your best in this event? Masisira kasi ang reputasyon ng firm kapag pumalpak tayo,” sabi sa kanya ni Kate nang magkita sila.
Kate was looked stress but still beautiful. Nasabi na nito sa kanya kanina over the phone na nagmula sa mga maimpluwensiyang pamilya ang mga kliyente nito kaya nag-aalala itong pumalpak. Idagdag pa na nagkaroon ng aberya sa kinuhang caterer at photographer na kinontrata ng mga ikakasal na kung tutuusin na hindi naman nito kasalanan pero ito ang sumalo.
“Don’t worry, Kate. Hindi kita ipapahiya. Mas marami ka pang magiging client after this event,” confident niyang sabi.
Alam ni Laura na magaling siyang photographer. Mananalo ba naman siya sa mga photography contest sa Europe at Amerika kung hindi? She was known as advertising and fashion photographer pero marami rin siyang experience sa pagkuha ng larawan sa mga event. She was also good with crowds and large gatherings.
“I love your confidence, Laura. Pero sana nga ay magkatotoo ang sinabi mo,”
nakangiting sabi ni Kate. Pero halata pa ring kabado.
Kate was around her age. Mukha itong mataray at maldita kung hindi nakangiti pero sa palagay niya ay magkakasundo sila ng babae at magiging magkaibigan kung magkakaroon ng pagkakataon.
Kaagad na naghanda na sina Laura sa magiging trabaho. Hindi na kailangan ni Jio ng maraming instructions dahil professional photographer din ito katulad ni Laura.
Matapos magpalit ni Laura ng button-up shirt at suit pants ay naging abala na sila ni Jio sa pagkuha ng larawan at video sa paligid. Nagkasundo sila ni Kate na gagawan din nila ni Jio ng short video ang kasal. Nang matapos at ready na ang bride at bridemaids ay nagtungo naman si Laura sa cottage nang mga ito. Habang si Jio naman ay nagtungo sa cottage ng groom at groomsmen.
Nagulat si Laura nang makita ang isa sa mga bridemaids na naging dahilan ng pag-aaway nina Ethan at Lance – si Celine. The woman was stunningly beautiful. Mas maganda pa sa bride. Hindi tuloy maiwasang ma-insecure ni Laura.
“I think I’ve seen you before. Ikaw ‘yung guest performer ni Tamara sa concert n’ya, ‘di ba?” natitigilang sabi ni Celine matapos isa-isang kuhanan ni Laura ng litrato ang mga bridesmaids.
“Yes,” tipid na sagot ni Laura. Hindi niya akalain na matatandaan siya ni Celine dahil sa concert.
“And you’re also Lance’s friend?” tanong pa nito.
“Not anymore,” kaswal pa niya. Tinalikuran na niya ito at ang bride naman ang kinuhanan niya ng litrato.
Kaagad ding sumunod si Jio sa cottage makalipas ang ilang minuto. Nang makunteto sa mga shots niya ay lumabas na ng cottage si Laura. Hinayaan niya na si Jio ang magpatuloy sa pagkuha ng litrato at video sa mga bridesmaids na hindi matapos-tapos sa pagpapa-picture. Hinanap naman ni Laura ang iba pang kasali sa entourage para ang mga ito naman ang kuhanan ng litrato.
Mag-uumpisa na ang kasal nang lapitan si Laura ni Kate at binulungan.
“Have you seen the bridesmaid?” tanong ni Kate.
“Si Celine?” hula ni Laura.
“Kilala mo na pala s’ya. Huwag mo s’yang gaanong kukuhanan ng picture o kaya naman papangitin mo. I hate her. Siya ang dahilan kaya nag-away ang mga kaibigan ko,” walang kangiti-ngiting utos ni Kate.
“Sure!” game na tugon ni Laura. Sabi na nga ba niya, may pagkamaldita si Kate. Magkakasundo talaga sila nito.
“Thanks. I like you already,” sabi ni Kate at iniwan na si Laura.
Mabilis na lumipas ang mga oras. Tapos na ang trabaho ni Laura at nagpapahinga siya sa isang table habang tinitignan ang mga kuha niya nang lapitan siya ng isang matangkad na lalaki.
“Is this seat taken, Miss?”
Nagtaas ng tingin si Laura. She quickly scanned him from head to foot before she answered.
“Yes.” The guy must be one of the guests. He was tall and handsome pero halatang nakainom na ito at ayaw makipag-usap ni Laura sa taong lasing.
“C’mon, kanina pa kita pinagmamasdan. Wala ka namang kasama dito. At busy sa iba ang photographer na kasama mo.” Totoo ang sinasabi ng lalaki. Nakakita ng isang kakilala si Jio at kasalukuyang kausap nito.
Napabuntong-hininga na lang si Laura nang maupo ang lalaki sa katapat niyang silya.
“So, you’re the photographer. I’m Ram,” sabi nito at naglahad ng kamay. “And you’re?”
“Laura,” tipid sagot niya at kaswal na nakipaghandsake dito.
Nakita ni Laura na papalapit sa table nila si Kate kaya sinamantala niya ang pagkakataon para magpaalam. “I have to go. I need to talk to someone,” mabilis na paalam niya tumayo na. Sinalubong niya si Kate.
“I’m sorry, Laura ngayon lang ulit kita nalapitan,” apologetic na sabi ni Kate.
“It’s okay we’re both busy.”
“Right. Anyway, maraming bisita ang gustong mag-avail ng service mo. Ako pala ang itinuturo mo sa mga nag-iinquire s’yo?”
“Hindi kasi ako nakapagdala ng business card. At nakabase din ako sa London. Kung may client ka na gustong i-hire ako, sa ‘yo na lang sila makipag-coordinate. If kaya ng schedule ko, I’ll accept it. Uuwi ako dito sa Pilipinas. And I will also give you a percentage.”
“All right.” Inilabas ni Kate ang isang sobre na may lamang tseke at iniabot kay Laura.
“Thanks,” nakangiting sabi ni Laura nang makita ang halagang nakasulat sa tseke. Higit pa roon ang napagkasunduan nila ni Kate.
“Half payment pa lang ‘yan, Laura. Aware ang groom na sikat at international photographer ka kaya hindi ka niya binarat. They are also impressed with your works. Trending sila ngayon sa internet dahil magandang shots n’yo ni Jio.”
“I told you, hindi kita ipapahiya.”
“Right. Kailangan mo bang sumabay kay Jio sa pag-uwi? Can I bring you home? Nagpasundo ako sa asawa ko. Let’s talk about business and I wanted to know you more.”
Hindi tumanggi si Laura dahil nagpasundo lang siya kay Jio sa bahay kanina at sasakyan nito ang ginamit nila. Gusto din niyang makilala pa si Kate at iba pang mga kaibigan ni Ethan. Bagay na noon pa dapat nangyari kung hindi niya tinanggihan si Lance na ipakilala sa mga kaibigan nito.
--------------------
Still You is also available on g********l. Up to chapter 52 na po ang posted at malapit ng matapos. Sana po ay sundan at i-follow n'yo rin ako doon. Thank you in advance :) https://tinyurl.com/stillyourieanngn