Rogue Point Of View Sa tinagal tagal ko rito sa Isla. Ngayon lang ako kinabahan ng sobra. Hindi ko maipaliwanag kung anong klaseng kaba ang nararamdaman ko. Lalo na nang mga oras na nilapitan ako ng babaeng iyon. Ang kaniyang mga matang nangungusap. Ang maamo nitong muka at ang kaniyang posturang tila pamilyar sa akin. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganoon? Bumibilis rin ang t***k ng puso ni Rogue sa tuwing lumalapit sa kaniya noon ang babaeng hindi niya kilala at napagkamalan siyang asawa nito. Nakaramdam si Rogue ng awa para sa babae at kakaibang t***k ng puso. "Mahal, ang lalim ng iniisip mo ah? Ayos ka lang ba?" Takang tanong ni Lorelei. Nilingon ni Rogue ang dalaga at sumagot. "Wala lang. Napapaisip lang ako kung may parating na bagyo. Hindi ba't delikado masiyado pumalaot at ma

