Inutusan ni Charice sila Trevor at Arvin na tulungan si Rogue. Dinala nila ito sa pinaka malapit na hospital. Hindi maiwasan ni Charice na mag alala dahil sa nangyayari kay Rogue. Panay ang kaniyang pagdadasal na sana umayos ang pakiramdam ni Rogue at maalala na siya nito. "Sa tingin mo, ayos lang kaya si Boss Rogue?" Tanong ni Arvin kay Trevor. Tumango naman si Trevor. "Kayang kaya niya 'yan. Nagawa niya ngang makasurvive noong lumubog ang yate e. Iyon pa kayang nangyayari ngayon." Buo ang tiwalang saad ni Trevor. Tumango naman si Arvin. Samantala... Nanaginip si Rogue. Lahat ng alaala nila ni Charice simula nang iligtas niya ito ay unti unting nanumbalik. Naramdaman niya ang kakaibang excitement at takot para sa babaeng pinakamamahal. Simula sa pagiging ampon niya hanggang sa malama

