Chapter 20 SELENE'S POV Nagising ako dahil sa mahihinang hampas sa akin, sino pa bang gagawa nito diba? "Bakit ba?" Inis na tanong ko kay Flint. "May training ka pa." I looked at my bed side table to check the time. It's only six in the morning! Don't tell me uulitin na naman namin yung ginawa namin kahapon? Sinamaan ko siya ng tingin "Hindi ka talaga marunong kumatok no? Hobby mo na ba ngayon ang pumasok sa kwarto ko tuwing umaga para gisingin ako? Alarm clock ba kita?" "Tatayo ka o ako na ang magdadala sayo sa cr?" He ignored what I said. Grr! Nakakainis talaga ang lalaking 'to, bakit naman kasi tuwing umaga niya ako iniinis? Hindi na ba ako magkakaroon ng good morning?! Wala na akong nagawa kundi tumayo at dumiretso sa banyo. Mahirap na baka seryosohin niya ang sinabi niya.

