Chapter 19 Bumaba na kami ng karwahe pagdating namin sa harap ng academy. Pumasok kami sa loob at nagtago sa likod ng puno bago mag teleport papunta sa harapan ng dorm ng Alpha. Sinigurado ko munang walang tao bago ako mag cast ng spell para bumalik kami sa dati naming anyo. Mabuti nalang at gabi na, lahat ng students ay nasa dorm na nila. "Buti walang tao sa harap ng gate," bulong ko kay Kier. "Yeah, nakalampas ulit tayo." Nagtawanan kami ng mahina bago buksan ang pinto. Sinalubong agad kami ng mga seryosong tingin mula sa apat na lalaki. "Where have you been?" Tanong agad ni Azure. "Mag hapon kayong wala," seryosong sabi ni Dustin samantalang yung dalawa ay mataman lang na nakatingin saming dalawa ni Kier. I hi behind me the paper bags I was carrying, Kier is already holding m

