Chapter 18 Ang Mystic town at Mystic Academy ay sakop ng Light Mystic Kingdom pero hindi sila naging forgotten place dahil ang academy at Mystic town ay malalaking lugar na sakop ng Liht Mystic Kingdom. Yung mga maliliit na villages lang ang naging forgotten place nung mawala ang Light Mystic Kingdom. Sa ngayon ang council ang nagha-handle ng school at other towns na under ng Light Mystic Kingdom. "Mga ilang minuto nandun na tayo." I looked at the person in front of me and nodded. Tumingin ako sa bintana ng karwaheng sinasakyan namin para makita ang dinadaanan namin. Puro puno lang ang nakikita ko pero pagkatapos ng ilang minuto nagkaroon na ng mga bahay ang paligid. Marami ring tao ang naglalakad sa gilid ng daan. Habang tumatagal mas nagiging excited ako dahil ramdam kong malapit na

