Chapter 25 Sinukbit ko ang backpack ko sa likod ko bago lumabas ng kwarto ko. Pupunta kami ngayon sa Village kung saan kami lumaki ni Zep. Ilang araw narin ang nakalipas simula ng simulan namin ang susuotin namin for the upoming ball. Marami na kaming nagagawa at mukang maaga naming matatapos ang susuotin namin. "Tara na," sabi ko pagbaba ko. Naka-ayos na silang lahat at nandito narin sila Arcadia at Azalea. Sinama ko rin silang dalawa dahil kaibigan ko rin sila. "Portalis." May lumabas na portal sa harapan namin pagkatapos kong banggitin ang spell. "Mauna na kayo," sabi ko. "Safe ba yan?" Tanong ni Azalea habang nakatingin sa portal. "Safe yan. Mahihilo nga lang kayo sa loob," I said. "Hindi ba pwedeng mag teleport nalang?" Tanong ni Dustin. "Hindi. Masyadong malayo." Si Z

