Chapter 26 Naglalakad na kami papunta sa gitna ng village namin. Ang mga bata ay iniwan muna namin sa kalapit bahay dahil hindi sila pwedeng pumunta doon habang hindi pa tapos ang paghahanda at pagluluto. Makukulit kasi sila, baka makagulo lang sila "Hindi nawala sa isip ko ang dessert na sinabi niyo." Naka-pout na sabi ni Azalea. "Malalaman mo rin mamaya," sabi ni Zep. "Bakit nga pala may salo salo kayo ngayon?" Tanong ni Arcadia. "Parang pista siya dito sa'min," sagot ko. Hindi ko na sinabi ang kinuwento ko kay Flint dahil bawal naman talaga ipagsabi yun sa iba. Malayo palang kitang kita na namin kung gaano ka-busy ang mga tao. May palakad lakad kung saan-saan. May nagkakabit ng dekorasyon "Kahit pala maliit ang village niyo maraming tao dito," sabi ni Azure habang nakatingin

