KABANATA 2 : Their Encounter!

1338 Words
Nagising na lamang ako sa langitngit ng basket na kinaroroonan ko. Malamig ang hanging humahampas sa aking katawan kasabay ang pagkabasa sa malalaking patak ng ulan na tumatama sa akin. Bahagya pa akong nag-isip. Ang sarap pang matulog! Niyakap ko ang aking sarili at tila ba napakalamig ng paligid. Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata at kinusot kusot pa ito. Ang sarap ng tulog ko! Ang ganda kasi nang panaginip ko! Kasayaw ako ng isang prinsipe sa aking panaginip! Napangiti pa ako at bahagyang kinilig bago ko naalala kung nasaan na nga ba ako. Napatalon ako sa gulat. Hala!!!! Nasaan na ako??? Tumayo ako sa isang gilid ng basket at agad inukupa ng kaba ang buo kong sistema. "My God!" bulalas ko nang tuluyang magtimo sa utak ko ang aking kinaroroonan. ---- Sa dulo ng rancho ay may isang malaking puno na nasa tutok ng talampas. Ito ang paboritong tambayan ni Sky kapag gusto niyang mapag-isa at makapag-isip isip. Ngunit tila ang araw na ito ay kakaiba! Makulimlim ang paligid at malakas ang hangin na humahampas sa kapaligiran. Tila malakas ang ulan mamayang gabi. Nagpasya siyang magpahinga muna saglit sa ilalim ng punong ito. Humiga siya sa damuhan at hindi naramdamang nakaidlip pala siya. Nakasuot siya ng maong na pantalon at ang paborito niyang brown na boots na ginagamit niya kapag nangangabayo. Katatapos lamang niyang mag-ikot sa rancho upang makibalita sa mga tauhan niya sa mga produktong maaani nila ngayong buwan at ang mga orders na dapat nilang punan. Malamig ang hangin na umiihip sa paligid at may panaka nakang patak ng ulan sa paligid. Ngunit sa kapal ng dahon ng punong ito ay hindi agad agad na nababasa ng ulan ang ilalim nito. ----- Nakatabingi ang basket at ang balloon nito ay unti na unti ng nawawalan ng hangin. Agad kumilos si Erin at agad na nag- isip nang maari niyang gawin. Kailangan niyang makaalis kaagad sa basket bago pa siya madag-anan ng higanteng tela ng balloon. "Aahhh!" sigaw ko habang pilit na inaabot ang likod ng zipper ng gown na suot ko! Halos baluktutin ko na ang kamay ko maabot lamang ang dulo ng zipper nito nasa gitnang bahagi ng likod. "Shocksss!!!" Ba't ayaw mo kasi!" gigil kong sabi habang namamaluktot sa gigil sa zipper na ito. "Ayaw! " malakas kong sigaw sa sobrang inis dahil sa gown na ito. Bakit ba kasi hindi ako nagpalit ng damit kanina 'nung paalis ako. Eh 'di sana ay wala akong problema ngayon. Sa totoo lang ay sa sobrang desperado kong makaalis sa bahay ay hindi ko na nagawang magpalit ng damit. Kailangan kasi ay makita ni Papa na nakagown na ako bago siya umalis papuntang simbahan. Sinigurado niyang bihis na ako at wala nang magagawa pa sa desisyon n'ya! Well, sorry Papa! Ayoko pa talagang magpasakal .. SAKAL TALAGA! Malaking S-A-K-A-L! Talaga ang tawag ko sa gagawin kong ito. Marrying Mr. --- Mr??? Mr? Ano nga iyon? Hindi ko na mahigilap sa utak ko ang pangalan ng lalaking dapat ay pakakasalan ko! Natahimik ako pati ang utak ko nang biglang maramdaman ko ang malakas na hangin na humampas sa basket ng balloon. Nanlaki ang aking mga mata nang unti unti kong maramdaman ko ang pagdausos ko pababa. "My God! Lord! Please help me!" "Aaahhhh!" At tuluyan na ngang dumausos ang hot air ballon at unti unti nang tumaob ang basket nito na kinaroroonan ko. Ano na ba 'yan! Wala na akong nagawa ng tuluyan nang tumao ang basket ng hot air balloon na sinasakyan ko. "Aaahhhh!" ito na lamang ang aking nasambit sa aking pagkahulog mula sa basket. Halos maputol ang lalaugan ko sa tindi ng tili na ginawa ko, dahil sa dire-diretso ang aking pagkahulog mula sa basket pababa sa mga sanga ng puno. Halos mahilo ako sa tindi ng hangin na humahampas sa akin at sa puwersa pababa na humihigit sa akin paibaba ng puno. "Oohhh No!" sigaw ng utak ko, habang mula sa itaas ay natatanaw ko ang aking bulto ng lalaki na nasa baba ng puno. Nakahubad ito ng pantaas na damit at nakapantalon. Nasa tabi nito ang boots na pansapin nito sa paa. Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakatakip ang sumbrero nito na sa kanyang mukha. Waring natutulog yata. "Hala!'' Sigaw ng utak ko at napapikit na lamang ako habang nagdadasal na lamang na h'wag ko sanang madag-anan ang lalaking ito. Tugs! Ito ang tunog mula sa isang sanga na pumigil sa aking mabilis na pagbagsak sa ere. Nang unti unti kong imulat ang aking mga mata ay isang malaking pagkagulat ang hindi kaagad tumimo sa aking isipan. At tumigil ako sa pagbagsak sa ere pero para naman akong nakabitin patiwarik sa ayos ko. Ang mahaba kong gown ang nagsalba sa akin.Sumabit kasi ito sa itaas ng puno. Halos hindi ako gumalaw sa pagkakaayos ko at parang isang libong daga ang para bang una unahang nagtatambol sa puso ko. Ang kaninang sumbrerong nakapatong sa mukha nito ay tuluyan nang nilipad ng malalakas na hangin na humahampas. Ang ilang segundong sandali ay tila ba tumigil nang tuluyan kong masilayan ang napakaguwapong mukha ng lalaking ito. Parang tumigil na halos makita ko ang bawat detalye ng maamong mukha nito. Mula sa ma-brown na buhok nito,ang malalantik na pilikmata nito, ang matangos na ilong at ang labi nitong para bang napakasarap halikan. Halikan talaga! Napangiti ako at napapikit nang malanghap ko ang mabangong hininga nito at natural masculine scent ng katawan nito. My Gosh!!! Halos isang hibla na lamang ang pagitan ng mukha naming dalawa. Hindi pa man nagsasawa ang aking mata sa aking nakikita ay para bang narinig at nabasa ng hangin ang aking iniisip kaya dahan dahan ako nitong ibinaba sa mapupula at natural na mapang-akit nitong mga labi. At... Ayiiihhh! Tuluyan na ngang dumampi ang malambot kong labi sa labi niya. Smack lang naman... Na aking ikinagulat nang bigla na lamang niyang imulat ang kanyang mata. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang matalim niyang tinging ipinukol sa akin. "Enjoying the view, huh?" " Or should I say ,do my lips taste so good?" Halos magulantang ang aking sistema at napatuon ko ang aking kamay sa kanyang mga dibdib. Lagot na! Isang sarcastic na ngiti ang nabasa ko sa kanyang mga labi at nang matuon ang aking mata ay kanyang mata ay tila ba nakita kong nakatingin ito sa aking dibdib. Dahil kasi sa pagkahulog ko ay halos mapunit ang harapan ng gown ko at tumambad sa kanya ang kalahati ng dibdib ko!. "Uumm, bastos!" isang sampal ang mabilis na naibigay ng aking palad sa kanyang mukha na kanyang ikinagulat. "Damn you, woman!" ito na lamang ang kanyang nasambit dahil na rin siguro sa gulat sa ginawa ko sa kanya. Bahagya siyang nanahimik bago dahan dahang umalis sa pagkakahiga at sumandal sa puno. Nakatingin lamang siya sa akin na tila ba ini-examine ang itsura ko. "Mister, can?" Hindi ko maituloy ang sasabihin ko , English ba o Tagalog ang gagamitin ko? Napaisip pa ako, bago tuluyang magsalita! "Mister, c-can you please help me! Put me down!" pakiusap ko rito. "And why should I help you, I don't know you?" sagot nito na tila ba wala talagang balak na tulungan ako. "Sir! Please!" pagsusumamo ko rito. "It's your problem not mine!" Sagot nito sabay tayo mula sa pagkakaupo sa puno. Nataranta ako pero sa ayos ko ngayon ay hindi ko talaga kayang bumaba o ibaba ang sarili ko sa pagkakasabit ko. Ilang minuto na rin ako sa ganitong pwesto kaya hindi na maganda ang pakiramdam ko. "S-sir please! Sorry but please help me this once!" pagsusumamo ko sa taong ito. Ramdam ko na ang pagbigat ng ulo ko dahil sa pressure nang pagkabitin ko sa ere. Hindi na maganda ito, mukhang... Kita ko ang mabilis na pagdidilim ng aking paligid. Hindi ko na kaya, pakiramdam ko ay lahat ng dugo ko ay bumaba na lahat sa utak ko. "S-sir please!" huling samo ko sa lalaking ito bago tuluyang nawala ang ulirat sa sarili. Tutulungan kaya niya ako o hindi?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD