bc

The Marble-Hearted Cowboy

book_age18+
227
FOLLOW
4.5K
READ
billionaire
HE
opposites attract
arrogant
badboy
bxg
serious
small town
musclebear
like
intro-logo
Blurb

" Kung gusto mong tulungan kita, pumayag ka sa gusto ko! Give a child and you will be free!"

Ito ang kondisyong hinihingi ni Sky Raphael, may-ari ng Hacienda Montenegro sa isang estraherang napapadpad sa kanyang lupain.

-----

Sakay ng isang hot air balloon ay wala sa sariling naglakbay si Erin paalis sa araw mismo ng kanyang kasal.

Araw ng kasal niya ngayon sa anak ng isang mayamang negosyanteng pinagkakautangan ng kanyang ama.

Hindi man niya alam kung paano at saan s'ya dadalhin ng malalakas na hangin ay sinubukan niya pa rin makatakas, h'wag lamang makasal sa lalaking ito na gusto siyang maging asawa.

Napadpad siya sa isang napakalaking rancho na pagmamay-ari ng isang napakayamang bilyonaryo.

Isang bilyonaryo, matigas pa sa bato ang puso. Arogante at walang kasing sungit.

Kinailangan n'ya na magtrabaho sa rancho bilang kabayaran sa pananatili niya rito.

At ang pinakamalaking kondisyon na dapat niyang pagdesisyunan ay ang araw na nahanap siya ng kanyang mapapangasawa.

Dahil sa sobrang takot at desperasyon ay nakipagkasundo siya sa may-ari ng rancho na gagawin niya lahat , h'wag lamang s'yang ibigay sa lalaking iyon.

She desperately wanted to escape to that man kahit pa ang maging kapalit ay ang kanyang buong pagkatao.

" Kung gusto mong tulungan kita, pumayag ka sa gusto ko! Give a child and I will help you to be free from that asshole!"

Isa lang naman ang gusto ng may-ari ng rancho, ang bigyan siya ni Erin ng anak na s'yang magiging tagapagmana niya.

Pero paano ? Paano gagawin ni Erin na maging posible ito kung alam naman niya sa sarili niyang wala s'yang kakayahang bigyan ito ng anak.

Paano niya matatakasan ang sitwasyon ito?

Ano ang magiging kabayaran kapag nalaman nito na hindi niya kayang tuparin ang ipinangako niya!

chap-preview
Free preview
Prologue
Malakas ang kabog ng aking dibdib habang nagtatago sa kuwadra ng kabayo. Isang gabing ay nagising na lamang ako at laking gulat nang makita ko ang lalaking dapat na ipapakasal sa akin ng aking ama. Ito na ang araw na aking kinatatakutan. Ang matagpuan ako ng taong pilit kong tinataguan. Maraming tauhan itong kasama, mukhang hindi talaga aalis nang hindi ako naisasama. "Erin! Lumabas ka na d'yan!" H'wag mo na akong taguan!" sigaw ng lalaki habang minamanduhan ang mga tauhan nitong hanapin ako. Halos mapuno ng kaba at takot ang aking puso. Walang magawa ang mga tauhan sa farm nang sapilitan ito pasukin ni Alex Saavebra, ang lalaking dapat na pakakasalan ko. Nasa dalawampu ang mga armadong lalaking kasama niya. Kanya kanyang matataas na kalibre ng baril ang bitbit ng mga ito. Sapat na para manginig ang tuhod ng mga tauhan sa farm. Anong gagawin ko? Makakatakas pa ba ako sa taong ito! Nang biglang sa isang bahagi nang madilim na kuwadra ay isang bulto ang bigla na lamang lumitaw at tumambad sa aking harapan. Nasa loob pala si Sky ng kuwarda at kanina pa nakikiramdam sa nangyayari sa labas. "Ano bang kailangan nila sa iyo at talagang sinundan ka pa nila dito sa farm? Sino ka ba talaga?" Halos magulantang ako. Pumikit ako at hinarap ang lalaking ito. "Tulungan mo ako, please! Ayokong sumama sa lalaking iyan!"nanginginig na pabulong kong sagot habang dahan dahang sumisilip sa labas. "Siguro ay may atraso ka kay Alex kaya ka sinusundan?" "Ssshhh! Hinaan mo naman ang boses mo at baka marinig nila tayo." Sinenyasan ko pa si Sky na h'wag maingay! "Tulungan mo ako , please! Please!!!" pagsusumamo ko kay Sky habang dahan dahan lumapit sa kanya. "Ano naman ang makukuha ko kung tutulungan kita?' saad ni Sky. Hindi na ako nagdalawang isip pa.Sa ganitong sitwasyon, hindi ko na inisip ang gagawin ko, ang mahalaga matakasan ko ang lalaking ito. "K-kahit ano! " taas noo kong sabi at diretsong tiningnan siya sa mata. "Kahit ano? Sigurado ka?" pang-aasar pa nito. "K-kahit ano!!!" matapang na sagot ko,bahala na kung mapasubo ako! Lumapit si Sky sa akin. Malapit na malapit! Malapit na halos malapit nang dumikit ang mga labi niya sa akin. Bumuntong hininga siya at amoy na amoy ko ang mabangong hininga niya. Nawala ang takot na nararamdaman ko at napalitan ng dumadagundong na kaba... parang may mga dagang una unahang nagtatakbuhan sa puso ko! "I will save your life, in one condition!" Ano? Sigaw ng utak ko! Nilapit niya ang kanyang mga labi sa aking punong tainga at dahan dahang bumulong sa akin. " Give me a child and your life will be free!" Halos maitulak ko sa Sky sa sinabi nito. Nanlaki ang mga mata ko sa mga katagang sinabi nito. Halos hindi ko alam ang aking sasabihin. Papayag ba ako o hindi sa kondisyon nito? Paano nga ba? Paano ako magkakaanak? KABANATA ISA : Claire Erin Tan Humugot ng malalim na buntong hininga si Erin bago tuluyang isampa ang kanyang mga paa paakyat sa hot air balloon na nasa gitna ng kapatagan ng kanilang lupain. Ito ang nakikita niyang pag-asa para matakasan ang kanyang ama sa pagpapakasal sa kanya sa isang lalaking hindi naman niya mahal. Humugot siya ng malalim na buntong hininga bago mariing pumikit at umakyat sa hot air balloon. ----++ "Handa ka na ba ,iha?'' tanong ni Tiyo Reming sa akin, s'ya ang katiwala sa aming bukiran. Ito rin ay kapatid ng aking ina sa ama at napakalapit ng loob ko rito. Ito ang tumutulong sa akin para matakasan ang ama ko sa gagawin nito. "Ama" nga bang maituturing ang ganitong klaseng tao. Ipapambayad sa utang ang sariling anak. "My God! Sa dinami dami ng magiging tatay ay bakit s'ya pa ang naging Tatay ko!" "Kailangan ko pa tuloy gawin ang bagay na ito!" "Tandaan mo iha, tatagal lamang ang Hot Air Balloon ng isa hanggang dalawang oras kaya dapat nakalayo ka na rito. Dapat makababa ka na! Sigurado ka bang kaya mo na?" tanong ni Tiyo. "Opo! H'wag po kayong mag-alala sa akin, kaya ko po ito!" Lumapit si Tiyo Reming sa helium ng Hot Air Balloon at binuksan ito. "Tandaan mo, hindi ka pwedeng matulog habang nasa himpapawid ka,at baka kung saan ka dalahin ng Hot Air Balloon na ito." "Kapag nakakita ka na ng Pier ,doon ka na magla-landing pababa ah!" Patuloy pa ito sa pagpapaliwanag sa akin pero sa totoo lang ay hindi ko na naintindihan.Mas nananaig kasi sa utak kong makaalis sa lugar na ito at makalayo nang sa gayon ay matakasan ko na silang lahat. Sa loob ng basket ng Hot Air Balloon ay nakalagay na ang ilang pirasong damit at ilang mahahalagang gamit ko lalo na ang cash na talaga namang kailangang kailangan ko. Hindi ko alam kung saan man ako dadalhin ng gagawin kong ito basta ang importante makalayo ako. "Salamat po Tiyo Reming! Ako na po ang bahala!" Nasa full blast na ang temperature ng balloon kaya naman ready for take off na ang Lola mo. "Huh!!! Yes!'' sigaw ng utak ko habang nakikita ko ang unti unting pag-angat nito sa ere. Maaliwalas ang hangin sa itaas. Senyales na walang masamang panahon na nagbabadya. "Mag-ingat ka Erin! Tandaan mo h'wag ka matulog habang nasa balloon ka! " sigaw ni Tiyo Reming habang nakatingala sa akin. "Opo!" sagot ko habang paangat sa ere! Walang pagsidlan ang excitement na nararamdaman ko para sa pagtakas ko sa ama ko. 1000 feet 2000 feet Mataas taas na rin ang lipad ko. "Wow!" Mapapa-wow ka talaga sa ganda ng kalikasan. Maraming puno. Iba't ibang halaman. May ilang ibon din akong nakikita. Tumayo ako sa basket at itinaas ang aking mga kamay. Dinama ko ang malamig na hangin na dahan dahang humahampas sa aking katawan. Lumipad na ang belo na nakakabit sa ulo ko. Dagli kong nakalimutan na nakawedding gown nga pala ako! Hayaan mo na nga! Mariin akong pumikit at muling dinama ang malalamig na hangin. "Haaahhhh!' Ang saya! Ang sarap maging malaya!" isang malapad na ngiti ang rumihistro sa aking mukha. Sayang nga lang at wala akong dalang cellphone , masaya sanang makapag-selfie man lang habang nasa ere. Nakasakay sa hot air balloon! Wala akong cellphone dahil iniwan ko lahat ng gamit ko na pwedeng magbigay ng hint kay Papa kung nasaan ako! Nasa tamang edad na ako at alam ko na ang tama at gusto kong gawin sa buhay ko! "Bente otso na ako! Alam ko na ang dapat kong gawin! Hindi ko kayo kailangan sa buhay ko!" malakas kong sigaw sa ere. Nang biglang... "Eh eh eh!" sunod sunod kong ubo nang masamid ako sa hangin na humampas sa aking mukha. Kontra ba ang universe sa desisyon ko! Hinawakan ko ang aking lalamunan habang minasa-masahe ito. Isang malakas na ubo ang muling lumabas sa lalamunan ko at... Diyos ko! Nasobrahan pa 'ata ako sa hangin at mukhang aatakihin pa ako ng asthma ko. Muling humampas ang hangin sa mukha ko at ito na nga.... Umupo ako sa loob ng basket at agad na kinuha ang backpack ko. Kinuha ko agad ang zipper nito at agad na binuksan. "Nasaan na!" natataranta kong hanap ng aking spray para sa asthma! At sa malas malas 'ata ay naiwan ko pa! Mariin akong pumikit at huminga ng malalim. "Lord, please!" pumikit ako ng mariin at muling kinuha ang bag ko. Laking pasasalamat ko ng makapa ko ito sa gilid ng bulsa ng bag. Agad kong kinuha ang spray at ini-spray ito sa aking bibig. "Hu!" "Inhale! Huh!!!" "Exhale! Huh!'' Napasandal ako sa basket ng balloon at napasalampak ng upo. I hate this kind of life!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.2K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.2K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.5M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook