HBS 24 Pagkadismaya GABI pa lamang ay sinabihan ko na si Manong Olim na maaga kaming pupunta ng farm. Kaya naman, hindi pa sumisikat ang araw, naka-alis na ako sa bahay. Ayaw kong makita si Fonseca. Hanggat maaari, iiwasan ko s'ya. Ayokong magkaroon na naman ulit ng kaugnayan sa kan'ya. Hindi ko s'ya kayang tingnan ng diretso. Naninikip ang dibdib ko at umaapaw ang galit mula dito. Kung anu man ang magiging plano nila ni Bryner sa farm ay labas na ako doon. Taga-manage lang ako at susunod sa napag-usapan nila. "Magandang umaga, Barbara! Ang aga natin ngayon ah," bati ni Mang Lito isa sa mga tauhan dito sa farm. "Magandang umaga din ho. Madami ho akong gagawin ngayon sa opisina. Kaylangan ho talaga," "O s'ya. Ikaw ba'y nag-almusal na? Tamang-tama nagsai

