HBS 25 Hindi na bago Natuto na nga siguro talaga akong 'wag basta magpaka-apekto sa paligid ko. Noon, madalas akong magpadala sa emosyon ko, at iyon ang nagiging dahilan kung bakit ako nasasaktan. Pero ngayon, kahit kitang kita ng dalawang mata ko ang pagkadismaya sa mukha ni Fonseca, hindi ko na inintindi iyon. Mas lalo lamang umiigting ang galit ko dahil talagang mas gugustuhin n'ya pang may mabuo sa katangahan ko nang gabing 'yon. Para ano? Para magpaka-alipin ulit ako sa kan'ya? Huh! 'wag s'yang umasa dahil matapos ng mga ginawa n'ya sa 'kin, natuto na akong labanan ang sarili kong nararamdaman. I'm tired being stupid. Nakakasawa maging pa-ulit-ulit na tanga. "What? At sa tingin mo talaga may nabuo sa ating dalawa nang gabing 'yon? Pasensya na Mister Fo

