NOW HE KNOWS ROSE Naging mabilis ang pag- aayos ko ng aking bagong schedule noong magbalik ako sa university araw ng sabado. Akala ko ay matatagalan pa iyon dahil kakasabi ko lang noon pero nang magpunta ako sa assessment office ay mabilis kong nakuha ang bagong schedule ko. I figured na si Shin ang dahilan noon and lihim na lang akong nagpasalamat. Kumpara sa original schedule ko, di hamak na mas maganda itong ngayon. Puro nasa umaga ang schedule ko, although walang mahabang vacant katulad noon mas gusto ko naman iyon kesa yung tatambay pa kung saan para lang maghintay ng kasunod na klase. Hanggang 2pm lang din ang pinakamatagal kong klase kaya hindi ako ganoong male- late sa pagpasok sa trabaho. Yung mga council meetings naman namin, pwede kong puntahan after ng trabaho. 7:30 naman

