bc

The Secret of the Fierce Ex-Wife

book_age18+
635
FOLLOW
6.1K
READ
revenge
HE
fated
heir/heiress
drama
bxg
assistant
like
intro-logo
Blurb

Ano nga ba ang lihim ng bawat pamilya? Sino si Naneth at ano ang papel niya sa bawat charcter?

Nagsimula ang masalimuot na buhay ni Naneth nang halayin siya ng kanyang tiyuhin na kapatid ng kanyang ama at pagkatapos ay ibenenta siya sa isang mayaman na pamilya sa lugar nila ang pamilyang Tan, para matustusan ang pangangailangan ng kanyang tiyuhin sa ipinagbabwal na gamot. Naging kasambahay siya ng pamilyang Tan sa loob ng limang taon at nang nasa tamang edad na siya ay inalok siya ng anak ng kanyang amo ng kasal kapalit ng kalayaan niya at para makuha niya ang mana na ibibigay ng kanyang ama sa kondisyong magkaroon siya ng asawa at anak.

Pero makilala niya ang isang lalaki sa pinagtatrabahoan niya sa isang kompanya na kalaban ng kompanya ng father-in-law niya. Sa di inaasahang pagkakataon ay mahuhulog ang puso niya sa isang lalaki. Ngunit inilihim niya sa kompanyang pinagtatrabahoan niya na siya ay may asawa na. Hindi naman niya inaasahan na magkakaroon naman ng lihim na pagtingin ang kaibigan ng anak ng may-ari ng kompanya.

Sa kalaunan ay malalaman niyang ampon lang ang lalaking anak ng may-ari ng kompanyang pinagtatrabahoan niya. At natuklasan din niyang siya ang tunay na anak nang father-in-law niya.

Makalipas ang mga taon ay unti-unti na nang nabubunyag ang mga lihim ng bawat pamilya. Isang puzzle at palaisipan din sa kanya nang matuklasan niyang ang pumatay sa auntie ng best friend niyang si Kyla ay ang tunay na ama ng lalaking nagugustuhan niya at ang kasabwat ay ang tunay niyang ama na matagal na din niyang hinahanap sa loob ng ilang taon na siya palang step father ng lalaking nagugustuhan niya.

Marami pang mga lihim ang mabubunyag at anong mga connection ng bawat character na siyang magpapagulo sa inyong isipan.

Ano ang maisasakripisyo ni Naneth para sa pagmamahal at pamilya?

Ano ang mga sikreto sa likod ng bawat karakter?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 Fighting For Love
Flashback… Bumuhos ang malakas na ulan, biglang sumakit ang tiyan ni Jean. Mag isa lamang siya sa bahay kaya nahihirapan siya sa kanyang sitwasyon. Malayo din siya sa kanyang pamilya dahil pinatira lamang siya ng kanyang kasintahan sa bahay na iyon. Patago silang nagsasama. Gusto sana niyang tawagan ang isang lalaki na ama nang dinadala niya. Papunta na siya sa kuwarto para kunin ang telepono ngunit hindi na niya ito naabot dahil nakahandusay na siya sa sahig at sumisigaw na sa sakit nang tiyan.  “Tulong…parang awa niyo na tulungan ninyo ako,” sumisigaw na may kasamang iyak ang sabi ni Jean. Nakarinig siya na may pumasok sa bahay niya. Nabuhayan siya nang loob dahil sa pag aakala niyang maligtas na siya at ang anak niya. “Kuya, parang awa niyo na manganganak na ako. Pakisuyo dalhin niyo naman ako sa hospital para mailigtas kami ng anak ko.” “Boss, nandito lang po ang babae. Manganganak na po ata siya.” Sambit ng isang lalaki. Hindi niya kilala ang lalaki ngunit nagsusumikap siyang humingi ng tulog.  Iyon lang ang narinig ni Jean, dahil unti-unti na siyang nanghihina. Pumutok na ang panubigan niya, at nararamdaman niyang lumabas na ang ulo ng bata. “Kunin mo ang bata dahil lumabas na ang ulo niya.” “Sige po boss,” hindi na nagdadalawang isip na kinuha ng lalaki ang bata.  Lumabas ito at malakas ang iyan. Isang napaka gwapong bata, kinarga ng tauhan ang bata kahit napuno ito sa dugo. “Ano po ang gagwin natin sa kanyang ina at ang bata?” “Akin na iyang baril mo.” Itinutok ng kanyang boss ang baril doon sa babae. Umiyak nang umiyak ang babae. Nagmamakaawa ito na huwag siyang barilin at huwag niyang galawin ang bata. “Parang awa muna, bakit gusto mo akong barilin? Wala ba tayong pinagsamahan? Ano ba ako sa iyo?” iyon na lamang ang nasambit ni Jean. “Walang tayo Jean, ginamit lang kita. Hindi ko naman akalain na mabubuntis ka. Di ba sabi ko sa iyo na magpills ka, alam mong may asawa ako.” Sagot ng lalaki. “Ano?! Hindi mo sinabi sa akin na may asawa ka na. Ginagago mo pala ako, wala kang kwenta.” “Manahimik ka Jean, madali ka lang kasing masilaw sa pera dahil kumapit ka na sa patalim dahil sa kahirapan mo. Napaka bobo mo, akala ko ba matalino ka ikaw pa naman ang tinuringan na top student sa campus natin noon tapos pumayag ka lang na maging kabit ka,” insultong sabi ng lalaki. “Baliw ka na, napakawalang kwenta mo at irresponsableng lalaki.” Sagot ni Jean habang naiiyak. “Pareho lang naman tayong walang kwenta kaya huwag mong sabihin na ako lang mabuti pa ay manahimik ka na nang tuluyan.” “Anong gagawin mo sa akin? Huwag mong sabihin na itutuloy mong barilin ako.” “Kung iyan ang ikakatahimik nating dalawa Jean. Sana maging masaya ka sa ibang mundo.” Paalam ng lalaki. “Tandaan mo ang araw na ito, hindi kita patatahimikin at ng konsensya mo. Babalik din sa iyo ang gagawin mo sa akin. Ibigay mo iyang anak ako.” Pagmamakaawa ni Jean. “Manahimik ka… Bongsss! Bongsss!”  Nakarinig ng dalawang putok sina Lora at Martha habang sumasakit ang tiyan niya. Namimilipit siya sa sakit sapagkat kabuwanan na rin niya. Hindi na naidala si Martha sa hospital dahil lumabas na ang ulo nang bata galing sa tiyan ng kanyang ina. “Sige, e ere mo pa! Malapit na lalabas ang bata, kunti nalang,” sabi ni Lora ang kapatid ni Martha. “Ate, hindi ko na kaya nanghihina na ako. Nasaan ba ang asawa ko?” “Kaya mo iyan, hindi ko alam kung nasaan ang asawa mo kanina pa siya wala at subrang lakas ng ulan.” “Ate, baka napaano na ang asawa ko,” nag alalang sabi ni Martha. “Ano ka ba! Hanggang ngayon ba asawa mo pa rin ang iniisip mo? Mag concentrate ka na sa panganganak mo. Sige na ilabas muna lahat ng lakas mo para tuluyan nang lumabas ang bata.” “Ahhhhhhhh…” lumabas ang isang malusog na batang babae, umiyak ito nang malakas habang nawalan ng malay si Martha. Nilinis naman ni Lora ang kanyang pamangkin. Wala ang anak niyang si Lira at ang asawa nitong si Deme dahil nagbakasyon sila sa probinsiya kaya sila lamang ang natira sa bahay. Mabuti na lamang at nakaraos si Martha sa kanyang panganganak. Binaril ng lalaki ang kanyang kabit, nasaksihan naman ng kanyang tauhan ang mga nangyayari. Kaya inutusan niya itong manahimik at sa kanilang dalawa lamang ang sekreto. “Boss, ano po bang gagawin natin sa bangkay at ang bata?” “Itapon mo sa ilog o di kaya ilibing mo sa may gubat. Iyang bata isama mo na rin sa ina niya na itapon o ibaon sa lupa.” Ang utos ng kanyang amo. Habang pinagmamasdan ng lalaki ang bata nakadama siya ng pagkaawa nito. Pati na rin sa ina nang bata. Napakasama pala nang amo niya, gagawin ang lahat mapagtakpan lang ang pagkakamali niya sa kanyang asawa. Inilibing na lamang ng lalaki ang babae na si Jean ngunit binuhay niya ang bata. Hindi kaya nang konsensya niya na patayin ang bata. Nauna nang umalis ang kanyang amo at hindi niya ito alam na hindi pinatay nang tauhan niya ang bata. Dinala niya ang bata, sa isang tahimik na lugar, hindi niya sinabi sa kanyang amo ang ginawa niya.  Kinabukasan, nagising na si Martha ngunit hinahanap pa rin niya ang kanyang asawa. Tulala ito na nakatingin sa labas.  “Martha, kainin muna ang agahan mo para madaming gatas ang dibdib mo dahil umiiyak na iyang anak mo.” Sabi ni Lora. “Ate, ayaw ko hanggang di ko pa nakikita ang asawa ko.” “Ano bang nangyayari sa iyo, huwag ka nang masyadong mag alala. Walang nangyari sa asawa mo, baka hindi siya pinauwi ng amo niya dahil subrang lakas nang ulan kagabi. Kaya sige na kumain ka na.” Wala pa ring kibo si Martha. Dumating naman ang asawa at anak ni Lora galing sa probinsiya. Maliit pa ang anak niya nasa dalawang taon pa lamang ito. “Oh! Deme, mabuti nandito na kayo. Kumusta ang bakasyon ninyo? Nag enjoy ba si Lira? “Oo, okay lang naman. Masaya ang bata. Oh siyanga pala nanaganak na ba ang kapatid mo? May nakita kasi akong nakahigang bata sa may sala.” Tanong ni Deme. “Ah! Oo kagabi, nahihirapan nga siya eh. Mabuti na lamang nakaraos siya, ang ganda nga nang anak niya.” “Oh! Mabuti naman kung ganoon. Asan nga pala ang asawa niya?” “Iyon nga ang problema kasi hindi pa umuuwi ang asawa niya. Baka hindi pinauwi ng amo niya dahil sa subrang lakas ng ulan kagabi. Ayon, namukmok subrang nag alala sa asawa niya.” Sabi ni Lora. “Baka uuwi lang iyong asawa niya. Magpapaalam naman siguro siya kung aalis sila kasama ng amo niya.” Sagot ni Deme. “Kaya nga eh! Hali na kayo kumain na tayo nang tanghalian, mabuti nakapagluto na ako.” “Mama, sino ang batang ito?” tanong ni Lira. “Ah! Pinsan mo siya anak. Kaso hindi ko pa alam ano name niya. Tatanungin ko ang tita mo kung ano ipangalan sa kanyang.” “Ok po Ma, puwede ko ba siyang maging kalaro pag nakalakad na siya?” sabi ni Lira. “Siyempre naman anak, dapat hindi mo aawayin ang pinsan mo ha! Makalipas ang anim na buwan. Hindi pa rin umuwi ang asawa ni Martha, napansin ni Lora na may kakaiba na sa kinikilos ni Martha. Nagsasalita na itong mag isa, palaging nakakulong sa loob nang kuwarto. Isang araw, tinawag ni Lora si Martha para kumain. “Martha, lumabas ka na diyan sa kwarto mo kakain na tayo. Nag aantay na rin ang anak mo. Martha..martha..” Walang sumagot kay Lora, kinakabahan na siya. Ano kayang nangyari kay Martha. Hinanap niya ang susi sa kwarto nito, nang buksan niya ito. Wala siyang makita ni kahit anino ni Martha. Mas lalo pa siyang kinabahan, nasabi niya sa kanyang isip. Nasaan kaya si Martha, anong nangyari sa kanya. Sana mahanap nila si Martha. Hindi na kumuntak ang lalaki sa kanyang asawa. Patuloy niyang inalagaan ang bata na mag isa. Saka lamang niya naalala na nanganak na din pala ang kanyang asawa, nawala sa isip niya dahil sa pinapagawa ng amo niya sa kanya. Nalungkot siya bigla, habang pinagmasdan niya ang bata. Naglakas loob siyang kontakin ang dati niyang amo para humingi ng tulong. “Hello boss, naalala niyo pa po ba ako?” “Kilala ko ang boses, bakit hindi ka na nagpakita sa akin pagkatapos ng nangyari? May hindi ba ako alam sa ginawa mo? Siguraduhin mo lang na hindi ka magsasalita dahil kung malaman ko iyon, ikaw ang isusunod ko sa babaeng iyon.” Sagot ng kanyang amo. “Wala po akong tinatago, lumayo na lamang po ako. Kasi hindi ko po kayang harapin ang pamilya ko, sa tuwing naalala ko ang ginawa ninyo sa babae.” “So, ganoon naman pala! Anong kailangan mo sa akin?” “Gusto ko po sanang bigyan ninyo ako nang perang panggasto para sa katahimikan ko, dahil po pag hindi ninyo ako bibigyan. Hindi po ako magdadalawang isip na isumbong kayo.” “Tinatakot mo ba ako? Pasalamat ka wala ako sa harap mo kundi binaril na kita.” Galit na sagot ng amo niya. “Sige, madali naman ako kausap kung ayaw mong magbigay.” “Sige na, magpapadala ako nang pera para sa katahimikan mo. Siguraduhin mo lang na lalayo ka at hindi mo na ako guguluhin.” “Okay po boss, madali naman akong kausap. Aantayin ko po ang pera.” Hinanap nila Lora at Deme si Martha, ngunit hindi nila alam kung saan hanapin ang kapatid niya. Ipina blotter na nila sa pulis station para kung may makakita kay Martha ay may makapagbigay ng impormasyon. Nagpalaboy-laboy sa daan si Martha, nakarating na siya kung saan-saan. Ilang araw na siyang walang ligo, tinataboy na rin siya nang mga tao na nilalapitan niya. “Nasaan na ang asawa ko? Anak ko mag antay ka lang hahanapin ko lang ang Papa mo.” Nagsalita mag isa si Martha habang naglalakad siya sa kalye. “Ale, saan po ang bahay ninyo? May kamag anak po ba kayo dito?” “Huwag mo akong hawakan dahil kita kiala.” “Ale, huwag kang matakot nagmamalasakit lang ako “ “Huwag nga sabi eh!” Tumakbo nang malakas si Martha para tumawid sa kabilang kalye ngunit sumalpok siya sa isang nagmamaneho na mabilis na kotse. Malakas ang impak ng pagkabangga kaya tumilapon siya.” Ano ang mangyayari kay Martha? Makikita pa kaya siya ng kapatid niya?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.1K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
32.4K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.3K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.4M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook