Chanel Morissette's POV Napangiwi ako nang nagsigawan ang mga nanonood sa kilig. Hindi ko na nga naiintindihan ang flow ng story dahil sa sobrang bothered ko sa dalawang ito. Hindi ko maiwasan na may maramdamang selos o ano man, dahil sa movie na ito. Pag-angat ko ng aking tingin ay saktong naghalikan si Rinniel at Alarah sa scene sa movie. Hindi ko kayang tapusin ang movie kaya hindi ko sinasadyang maalis ang tingin sa dalawa. Napansin ko na nakatingin sa cellphone si Rinniel pero nakapatay naman ito. Ano kaya ang tinitignan niya roon kahit na alam naman niyang nakapatay iyon? Napairap na lang ako sa sobrang inis ko kay Rinniel. Umupo ako ng medyo pahiga at tinakpan ang mata ko para hindi mahalatang ipinikit ko ang aking mata. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata hanggang sa matapos

