Chanel Morissette's POV Maagang natapos ang bakasyon namin. Biglaang nagkaroon ng trabaho si Rinniel sa huling araw ng stay namin. Hindi na niya kami naihatid sa airport. Wala namang nagtaka sa dami naming biniling bulaklak. Hinayaan kong isipin nila na may dala rin akong budget para makabili ng gusto ko. Sinunod ko ang sinabi ni Rinniel na i-book press ang mga ito para ma-preserve. Ihahatid muna namin si Zenaia sa kanila bago kami umuwi ni Charlie. Matagal nang bakasyon siya sa amin at baka nami-miss na siya ng kanyang mga magulang. Pagpasok namin sa village nila ay napansin ko na panay malalaking bahay lang ang nakatayo rito. At nang tumigil kami sa sinasabing bahay nila Zenaia ay hindi ko maiwasang hindi mamangha sa laki nito. "Sobrang yaman ninyo pala e," saad ko. "Huy hindi nam

