Chanel Morissette's POV Magkatabi ngayon si Charlie at Rinniel. Sinabihan ko na agad sila na huwag magpahalatang may gusto kami sa isa't isa. Pinili kong lumayo sa kanya para tantanan na ako ng mga panlilisik na tingin ni Mila. Pagkatapos ng mga sinabi ng mom ni Rinniel ay lalo ata siyang nainis sa akin. Hindi ko naman kasalanan kung botong-boto sila sa akin. Nakatulog na ako sa byahe. Pagmulat ko ng aking mga mata ay napansin kong nakatingin pala sa akin si Rinniel mula sa salamin. Sumimangot lang ako sabay tingin sa malayo. Hindi pa rin kami nakadarating sa gagalaan namin. Makalipas ang ilang minuto ay sa wakas ay nakarating na rin kami. Para itong pataas na lugar. Sa gilid pa lang ay tanaw ko na ang isang malaking flower farm. Sa malayo pa lang ay alam kong napakaganda na nito. Mag

