Third Person's POV Nakatingin silang tatlo sa akin. Si Rinniel ay magaling talagang umarte. Ano kaya ang ginawa niyang palusot kung bakit kami narito? "Kamusta naman ang pakiramdam mo?" pag-aalalang tanong ni Zenaia. "Buti na lang nakatulog ka kanina. Uminom ka na ba ng gamot?" Feeling ko ay LBM ng sinabi ni Rinniel, kaso hindi ako pwedeng manghula na lang. Mahirap na kung iisipan nila kami na may ginagawang kakaiba rito. Lalo lang madadagdagan ang inis sa akin ni Mila. "Umaayos-ayos naman kahit papaano. Huwag ka masyadong mag-alala. Lumabas lang din ako para sana hindi kayo magising kung sakaling pabalik-balik ako sa comfort room," sagot ko sa kanya kahit nakakakonsensya ang pagsisinungaling. "Mabuti naman kung ganoon. Sa susunod ay magsabi ka sa akin kapag may hindi ka magandang na

