KANINA pa nakatitig si Bettina sa milk tea na nasa harapan niya. Ikaapat na araw na nila sa Cebu. Pero sobrang busy pa rin ni Raiden. Araw-araw pa rin itong lumalabas at nakikipagkita sa prospective investor ng Shipyard. Kaya tuloy hindi sila makapasyal. Noong unang dalawang araw nila ay nasa loob lang siya ng nirentahan nilang bahay. Hindi siya makalabas dahil nahihirapan siyang kumilos. Kasalanan iyon ng asawa niyang mahilig. May plano yata itong makipagpaligsahan sa mga napanood niya sa p**n movies. Tuwing paggising niya sa umaga ay masakit ang buong katawan niya. Mabuti na lang at kahapon ay medyo maayos na ang pakiramdam niya. Wala na siyang maramdamang masakit sa katawan. Iyon nga lang nakabalot ang buong katawan niya dahil sa kalokohan ng asawa niya. Pinayagan nga siya nitong lu

