Abala si Bettina sa harapan ng computer nang mapapitlag siya sa biglang pagtunog ng telepono sa kanyang mesa. Ilang segundo pa siyang nakatulala bago niya dinampot ang receiver. "Hello, Miss Bettina! Sa reception ito, may bisita si Sir Railey, si Attorney Aragon. May appointment daw siya ng alas-diyes kay, Sir. Paaakyatin ko na ba?" Napatingin si Bettina sa suot na relo. Nine forty-five na pala ng umaga. Sinilip niya ang organizer ng mga appointment at meeting ng kanyang boss. Naroon nga ang pangalan ni Attorney Aragon sa oras na sinabi ng receptionist. "Sige, paakyatin mo na siya." Limang minuto pa ang lumipas ay nasa harapan na niya ang kaibigang abogado ng kanyang boss. "Good morning, Miss Bettina!" malapad ang ngiting bati ng abogado. Napangiti rin ang dalaga. "Good morning po

