Chapter 3 - Kiss

1420 Words
BIGLANG naglaho iyong pakiramdam ni Bettina na naiihi siya. Agad siyang tumalikod at nagmamadaling lumayo sa lugar na iyon. Tinaluntoon niya ang daaan patungo sa lobby ng building. Pagkaupo niya roon ay inilabas niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Yaya Teresa. “Hello, Bettina,” bungad ng Yaya niya. “Yaya, nakaalis na po ba diyan si Manong Dario?” usisa ni Bettina. “Oo, iha. Kanina pa siya umalis. Hintayin mo na lang siya diyan.” “Sige, po, Yaya.” Pinatay agad ni Bettina ang tawag saka siya napaupo sa sofa. Abala siya sa kanyang cellphone nang may marinig siyang nag-uusap malapit sa kanya. Pag-angat niya ng tingin ay nakita niya ang babae at lalaking nagmi-make out kanina malapit sa CR.  Agad siyang umiwas ng tingin at muling ibinaling ang atensyon sa kanyang cellphone. Maya-maya’y narinig niyang nag-uusap ang dalawa. “Aalis na po ba kayo, Sir?” “Puntahan ko muna si Railey tapos uuwi na ako mamaya.” Railey! Hindi ba’t iyon ang pangalan nang nag-interview sa iyo, Bettina? Ipinilig ni Bettina ang kanyang ulo. Tama ba ang kanyang narinig? Kilala nito ang nag-interview sa kanya? Ibig sabihin ang lalaking iyon at ito ay maaaring magkapatid kung hindi man magkambal. Napailing ang dalaga. Ang liit talaga ng mundo! “Kailan po uli kayo mamamasyal dito, Sir?” “Hindi ko pa alam. Ibigay mo sa akin ang number mo at tatawagan kita kapag pupunta uli ako dito.” “Sige, Sir.” Mula sa kanyang peripheral vision ay napansin niyang hinalikan pa ng lalaki ang receptionist bago ito umalis. Napaismid na lang si Bettina sa nasaksihan. Pagkaraan ng ilang minuto ay muling naramdaman ni Bettina naiihi siya. Napilitan siyang tumayo at tumungo sa CR. Naghuhugas na siya ng kanyang kamay nang tumunog ang message alert tone ng cellphone niya. Nagmamadaling pinunasan niya ang kamay saka binasa ang message para sa kanya. Galing sa yaya niya ang mensahe. Tinatanong nito kung dumating na raw ba ang sumundo sa kanya. Sinagot naman niya ito na hindi pa. “Oops!” Agad na nag-angat ng tingin si Bettina nang makarinig ng boses sa harapan niya. Muntik na niyang malaglag ang hawak na cellphone nang mapansin kung sino ang nasa harapan niya. “Hindi ka na naman tumitingin sa dinadaanan mo kaya lagi kang nakakabangga. Ganyan ka ba talaga, Miss?” Napaawang ang bibig ni Bettina sa sinabi ng lalaki. Muntik na siyang mapaatras dahil sobrang lapit nito sa kanya. Nasa harapan niya ito mismo at wala pang isang dipa ang layo nila sa isa’t isa. Kung hindi pa siguro ito nagsalita kanina, baka nagkabungguan na naman sila. “Miss, pakisara iyang bibig mo, baka may pumasok na insekto,” nakangising sabi ng lalaki. Pakiwari ni Bettina ay namula ang pisngi niya sa sinabi nito. Buwisit ang lalaking ito, ah. Agad niyang isinara ang bibig at lumihis ng daan. Nakailang hakbang na siya nang muli itong magsalita. “Miss, dito ka ba nagtatrbaho?” Nilingon ito ni Bettina. Pagkatapos ay tinaasan niya ito ng kilay saka muling tinalikuran. “Miss, ang supalda mo naman. Nagtatanong lang ako, ayaw mo pang sumagot.”  Narinig niyang sabi nito. Napahinto sa paglalakad si Bettina at muli itong nilingon. Nakapamulsa ang dalwang kamay nito at naglalakad patungo sa kanya. Kinabahan si Bettina. Binilisan niya ang paglalakad. Kung puwede lang sana siyang tumakbo, ginawa na niya. Pero three inches ang heels na suot niya. Kaya kung susubukin niyang tumakbo ay siguradong matatapilok siya kung hindi man siya madapa. Lalo siyang magiging kahiya-hiya. Binilisan na lang niya ang paglalakad hanggang makarating siya sa lobby. Huminto siya sandali para habulin ang kanyang hininga. Paglingon niya’y sumusunod pa rin sa kanya ang lalaki. Dali-daling lumabas na siya ng building. Pagdating niya sa labas ay dumiretso siya sa parking area. Nilinga niya ang paligid, wala pa rin ang sundo niya. Nang sulyapan niya ang pinanggalingan ay napansin niyang inililibot ng lalaki sumusunod sa kanya ang mga mata nito sa paligid na para bang may hinahanap. Nang mapatingin ito sa gawi niya ay bigla siyang nagtago sa gilid ng kotseng nasa tabi niya. Umupo siya sa tabi ng pintuan sa driver seat. Naramdaman niya ang panginginig ng buong katawan niya. Bigla na lang niyang niyakap ang sarili. Pagkatapos ay pumikit siya at ipinatong ang ulo niya sa kanyang mga tuhod. Hindi niya alam kung ilang minuto siya sa ganoong posisyon. “Miss, may problema ba?” Biglang nagmulat si Bettinanang marinig ang tinig na iyon. Pag-angat niya ng tingin ay napansin niyang nakayuko sa harapan niya ang lalaking kanina pa sumusunod sa kanya. Gumapang ang takot sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay huminto ang pagtibok ng kanyang puso. Kanina pa siya sinusundan ng lalaking ito. Anong balak nitong gawin sa kanya? “Miss, tinatanong kita, bakit hindi ka sumasagot? Anong ginagawa mo dito sa tabi ng sasakyan ko? May pinagtataguan ka ba?” Napanganga si Bettina. Akala niya ay sinusundan siya ng lalaki. Iyon pala’y pupuntahan nito ang sasakyan. Tumayo na siya. Akmang lalagpasan niya ito nang bigla na lang hawakan nito ang kanyang magkabilang braso. Gulat na napatingin siya rito. “Miss, namumutla ka. Ano bang problema mo? Kanina pa ako nagsasalita pero hindi ka naman sumasagot. Naintindihan mo ba ako?” Nakatitig lang si Bettina sa lalaki. Hindi niya magawang sumagot. Binitiwan siya ng lalaki at sumenyas ito. Hindi niya maunawaan kung ano ang ibig nitong sabihin. Ang alam lang niya ay nagsa-sign language ito katulad ng mga nakikita niya noon sa eskuwelahang pinasukan niya nang nasa high school siya. May special education class doon kung saan may mga estudyanteng pipi, bingi, at bulag ang nag-aaral at sign language ang paraan ng pagtuturo. Kumurap siya saka umiling sa lalaki. “Sorry, Sir. Hindi kita naintindihan,” lakas loob niyang sabi. “Huh? Marunong ka naman palang magsalita. Akala ko naman pipi ka,” nagkakamot ang ulong sabi nito. Tumalim ang mga mata ni Bettina. “Oops!” Itinaas ng lalaki ang dalawang kamay nito. “Hindi ka naman kasi sumasagot kahit anong sabihin ko kanina pa. Kaya akala ko ay hindi ka marunong magsalita. Naisip ko tuloy na sayang ka kasi ang ganda mo pa naman. Babaeng maganda pero pipi.” Inambahan ng suntok ni Bettina ang lalaki. Muling itonaas ng lalaki ang dalawang kamay nito. “Miss, hindi ako lalaban. Kung lalaki ka sana ay makikipagsuntukan ako sa iyo. Pero babae ka naman. Nagpa-opera ka ba?” Umigkas ang kamao ni Bettina. Tumama ito sa mukha ng lalaki. Nang lumingon ito sa kanya ay napansin niyang may dugo sa gilid ng labi nito. Bigla siyang kinabahan nang dumilim ang mukha nito kasabay nang pagkuyom ng dalawang palad nito. Napaatras siya at eksakto namang tumama ang likod niya sa pintuan ng kotse. Bago pa siya makakilos ay hinawakan ng lalaki ang magkabilang gilid ng ulo niya. Pagkatapos ay bigla na lang dumapo ang labi nito sa labi niya. Nagpupumiglas siya ngunit hindi siya makawala sa higpit ng pagkakahawak nito sa mukha niya. Ilang segundo ang lumipas bago siya nito pinakawalan. Pagkababa ng lalaki sa kamay nito ay sinampal niya ito nang malakas. Balak sana niya itong itulak ngunit nahawakan ng lalaki ang kamay niya. Muli na naman siya nitong hinalikan. Dahil nakaawang ang bibig niya kanina ay madaling naipasok ng lalaki ang dila nito sa loob ng bibig niya. Pakiramdam niya ay malulunod siya sa paraan ng paghalik nito. Halos hindi na siya makahinga nang pakawalan siya ng lalaki. “Sige, sampalin mo uli ako para may rason ako na halikan kang muli. Hindi ako magsasawa dahil masarap ang labi mo,” nakangising sabi nito . Pinandilatan ni Bettina ang lalaki. Halos bumaon ang mga kuko niya sa kanyang palad sa pagpipigil na sampalin ito. Ngumiti nang nakakaloko ang lalaki. “Kung sakaling mag-break kayo ng boyfriend, hanapin mo lang ako. Masarap akong humalik at magaling pa sa kama. Kaya ko ring ibigay ang lahat ng gusto mo.” Pagkasabi nito ang bagay na iyon ay umikot ang lalaki at pumasok sa loob ng sasakyan. Nang marinig ni Bettina ang na umandar ang makina nito ay agad siyang lumayo sa sasakyan. Napansin niyang bumukas ang bintana sa passenger seat. Sumungaw ang mukha ng lalaki. “Ako nga pala si Calvin Raiden Antigua. Kapatid ko ang may-ari ng building na ito. Kung may kailangan ka, hanapin mo lang ako sa kapatid ko. Darating ako anumang oras. Paalam na muna, magandang binibini. Hanggang sa muli nating pagkikita.” Kumurap si Bettina nang ilang beses. Hindi siya makapaniwala sa narinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD