Kabanata 20 : Hangover at Hinala Habang nakahiga pa si Chase sa kanyang kama, napabuntong-hininga siya at napailing. Hindi niya maintindihan ang sarili niya. Bakit hindi niya matanggal sa isip ang halik na ibinigay niya kay Emma kagabi? Napatingin siya sa alarm clock sa tabi ng kama. Tanghali na. Minsan lang siyang mahuli ng gising, pero kagabi ay napagod siya—hindi lang dahil sa pag-aalaga kay Emma kundi dahil sa paulit-ulit na pag-iisip sa babaeng iyon. "Ano ba ‘tong ginagawa mo sa akin, Emma?" bulong niya sa sarili bago siya bumangon. ni Sa kabilang banda, si Emma ay nagising na may matinding sakit ng ulo. Napangiwi siya at napahawak sa sentido. "Ugh… Ayoko na talagang mag-inom," reklamo niya sa sarili habang dahan-dahang bumangon. Napansin niyang suot niya ang isang maluwag na pa

