KABANATA 18 "Lihim na Alaala" Kinabukasan, maagang nagising si Chase. Gaya ng nakasanayan, dumiretso siya sa banyo upang maligo bago pumasok sa opisina. Ngunit habang nag-aayos, bigla niyang naalala ang nangyari kagabi—ang pagsilip niya sa kwarto ni Emma. Pagkauwi niya mula sa opisina, hindi niya ito nakita kahit saan. Naisip niyang baka natutulog na kaya kumatok siya sa kwarto nito. Walang sumagot. Dahil sa pag-aalalang baka masama ang pakiramdam ng dalaga, binuksan niya ang pinto. At doon niya nakita si Emma—mahimbing na natutulog, nakahilata sa kama, walang kumot, at tila hindi na gumalaw mula pa kaninang gabi. Napailing si Chase. "Lakas ng loob uminom pero di kayang dalhin," bulong niya sa sarili habang lumalapit sa kama. Napansin niyang bahagyang namumula ang pisngi ng dalaga. A

