LOVIE "UMALIS ka ngayon din sa aking harapan!" Nanggagalaiting asik ko. "I'm so sorry, hon." "Get lost!" Sigaw ko. Hindi ko na napigilan ang labis na sakit na aking nadarama. Hindi ko akalaing mas masakit pala ito kaysa ginawa ni Elsie. Saka ako humagulgol na mag-isa sa waiting area. Ayoko ring makita ako ng mga anak ko na umiiyak ni mugto man ang aking mga mata. Kaya minabuti kong tumayo at pumasok sa ladies room para maghilamos. Pinakatitigan ang sariling repleksyon sa salamin. Mabuti na lamang at walang gaanong tao. Inayos ko ang aking mukha, iyong tipong walang bakas ng sakit at pagluha. Kailangan kong maging matatag sa pagsubok na kinakaharap. Ngunit nang lumabas na ako ng banyo ay gano'n na lamang ang gulat ko nang makita sina Knox at Marie na kapwa lumuluha. Nasa likuran n

