LOVIE'S POV "ANG mabuti pa ay kumain na tayo nitong dala kong mga pagkain." Nakangiting inakay ako ni Eula sa may waiting area kung saan naroon ang couch, center table, at may isang flat screen TV kung saan pwedeng magtambay. "May dala rin akong ilang mineral bottle of water. Kumusta na nga pala si Marie?" "She's fine. Kailangan lang niyang magpahinga sabi ng doctor." "Mabuti naman kung gano'n, grabe ang lakas ng ulan. May bagyo ba?" Napasulyap ako sa bintana. Mas lalong lumakas ang ulan sa labas. "May number ka ba ng asawa ko?" "Oo naman, here gamitin mo muna itong cellphone ko." Inabot sa akin ni Eula ang cellphone nito. Tinanggap ko naman iyon. Hinanap ko ang pangalan ng aking asawa saka ito tinawagan. Halos tumalon ang tuwa ang puso ko nang sa wakas ay sagutin nito ang tawag.

