LOVIE'S POV BINATI agad kami ng ilang nurses at doctor nang makapasok kami nang tuluyan sa loob. Ngunit nang tanungin na namin ang mga pangalan ng aming mga pasyente ay nagulat kami sa aming narinig. "I'm sorry, Ma'am pero kakaalis lang din ni Mr. Wong with his parents and sister sakay nang isang ambulance." "Ano?!" Bulalas ko. Nagkatinginan kami ng aking asawa. "Baka nais niyang dalhin ang kanyang mga magulang sa mas magandang hospital," ani Kervy sa akin. "Siguro nga, sa tingin mo alam na kaya niya?" tanong ko. "Ang alin?" takang-tanong ni Kervy sa akin. "Na anak ako ni Mommy," sagot ko. "Hindi ko alam, malalaman natin 'yan kapag nagkausap na kayo." Nagpakawala na lamang ako ng isang marahas na hininga. "Pwede ba nating hanapin ang doktor na naka-assign kanina kina Mommy?" "

