LOVIE'S POV PAGKATAPOS naming kumain nang lunch ay naisipan naming manood muna nang movie. Kahit na sabihing kailangan kong i-relax ang aking isipan at katawan ay hindi ko magawa. Ayoko rin namang mag-alala sa akin ang asawa. Pumukaw sa amin ang ingay nang cellphone. "May tawag ka yata, tingnan mo na agad kung sinong caller at baka importante." Mula sa couch ay tumayo ito. Tinungo nito ang bedside table kung saan naroon ang sarili nitong cellphone. Inihatid ko na lamang ito nang tingin at ibinaling muli ang mga mata sa flat screen TV. Kasalukuyang pinanood kasi namin ang movie na pinamagatang Damsel. "Mom?" Awtomatikong napalingon ako sa aking asawa. Nagtagpo ang aming mga mata. Pansin ko ang kakaibang titig nito. "May problema ba?" tanong ko rito na puno nang kuryusidad ang sarilin

