ELSIE'S POV "HOW DARE you, Peter!" Asik ko at inis na pinagsasampal ito. Ngunit pagdakay, nahuli nito ang dalawa kong braso "Wala ka ng magagawa, Elsie," galit nitong sagot habang mahigpit nitong hinawakan ang magkabila kong braso. "Dàmn you!" Sigaw ko sa pagmumukha nito. Sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi nito. "At least, ako ang naka-una. Sa akin pa rin ang bagsak mo." Galit na galit ako. Pagdakay lumapit sa akin ang dalawang pulis at pinosasan ang dalawa kong kamay. Napansin ko ang dalawang taga-CSWD. "Dàmn, hindi ako baliw. Dadalhin niyo na naman ba ako sa rehabilitation?!" Galit kong tanong. Saka ako nagwala. Nanadyak. "Tumigil ka, Ms. Cruz!" Nagulat ako sa pamilyar na boses na iyon. Napalingon ako sa may likuran, saka ko nakasalubong ang nang-uuyam na mukha ni Mrs. Del

