Let the war begin?

1814 Words
Vanessa's POV Kung anong magandang ngiti ang binibigay ko kay Hiro kabaligtaran naman ang binibigay nya saking tingin. Tama bang patayin nya ako sa Tingin? Anong akala nya masisindak ako?! If I know, kanina nya pa ako pinapatay sa isip nya. Buti nalang talaga mabait ang girlfriend nya. Di ko alam kung saan nya nakuha tong babaeng to, pero naaawa ako sa girl kasi may Autistic sya Boyfriend. Yuck. "Uhm... Salamat pala sa pagpayag mo sa pagshare ko sa table nyo ha, Athena?" Sabay ngiting pang-mabait sa girlfriend ni Hiro. Nginitian nya naman agad ako pero di katulad ng iba, "Okay lang." hindi sya plastic hindi mo mararamdamang pinaplastic ka nya. I felt sorry lalo tuloy for her, Aww. Bakit kasi boyfriend nya tong wslang utak na to. "Bakit kaba nandito?" Masungit na tanong ng isang naisipan biglang magsalita matapos akong titigan ng malupet. I look at him then smile sweetly, "Wala naman, dinadalaw ko lang ang Restaurant ko. May masama ba akong ginagawa?" "Hiro... Bakit ka ganyan kay Vanessa?" Malambot na sabi ni Athena sa boyfriend nya. Huluh! Don't tell me... Under sya ng girlfriend nya?! Wow I can't believe it! "Sorry." Bulong ng autistic. "It's okay, anyway kumain na ba kayo? Treat ko na." Alok ko, syempre alam ko na hihindi si Ungas. "No. Treat ko--" "No Hiro, its me already. Mahal ang mga Hinahain ng restau ko, baka di mo kayanin. Nakakahiya naman kay Athena, itabi mo na yan pang-Gas din yan para maihatid mo later si Athena." Pag-iinsulto ko sa kanya. From here kitang kita ko ang paglabas ng hangin sa ilong at tenga nya. "I said no---" "Hiro, si Vanessa na. Restaurant nya to, let her." Sabi ni Athena kaya si Hiro walang nagawa. "K. Fine." Kahit pilit na pilit lang sya. Pagkatapos naming umoorder tinanong ko si Athena, "So... Athena, Boyfriend mo talaga si Hiro?" "Yes." She politely answered. "Ilang months na kayo?" I asked, nagkunwari pa akong Interesado. "Almost five years narin kami." Nanlaki agad ang mata ko. "Wow really? Ibig sabihin since College kayo na?" "Yes... Hehe, college sweethearts." Na-shy pa sya ng konti. Lumingon ako kay Hiro, halatang naiinis na sya at nag-aalala. Well dapat lang. "Pwede na..." I said smiling. "Pwede na? Saan?" Namula sya ng konti, "Alam mo kasi di pa ako handang magpakasal, bata pa ako eh." "No, hindi." Sabi ko agad. "Ibig kong sabihin pwede na is pwede na kayong maghiwalay." Nakangiti paring sabi ko. Nakita kong napanganga sya sa sinabi ko, "A-Ano?" "Vanes---" "Uhm, so how's Hiro being a boyfriend? Okay lang ba sya? Masaya ba syang kasama?" I ask still playing to be polite. "Uh, okay lang naman. Mabait si Hiro ang maalaga---" "Really? I can't wait na, excited na akong maging boyfriend sya..." Pakunwari pang natutuwa ako kahit diring diring sa loob looban ko. "H-Ha?" Naguguluhang sabi ni Athena, "Anong ibig mong sabihin?" "Can you please Vanessa?" Tumayo na sya bigla, "Let's go Athena." But I cut him, "Alam mo kasi future boyfriend ko tong Present boyfriend mo. Pinagde-date kami ng mga parents namin, actually kahapon magkasama kami, ang saya nga eh." Masaya kong sabi. "Vanessa, stop this. Athena wag kang maniniwala sa kanya." I saw her face became darker, and so I continue... "What's wrong with you Hiro? Nagtatanong lang naman ang future girlfriend mo sa future ex mo ah! Anong problema mo? I just want to know more about you, so maganda magtanong kay Athena. Diba Athena?" I look at Athena who is already crying. Boom. Nice one Vans. I smiled Darkly to myself. You are so Awesome Vanessa Marie. Awesome." "Oh my gosh, why are you crying? May nasabi ba akong masama?" Malainosente kong tanong pero agad syang itinayo ni Hiro at naglakad na papalayo. Pero hindi pa sila nakakalayo ay lumingon sa akin at sinamaan ako ng tingin saying... "You're gonna pay for this later." "Oh my gosh, I'm scared. LOL." I smiled pero natigil din ako sa pagngiti nang mapansin kong may mga tsismosang mata ang nakatitig sakin. "What?" Sigaw ko sa kanila, "What are you looking at?" Kanya kanya namam silang tingin sa ibang lugar. Parang tanga lang, utak hipon talaga. Paano ako nagkaroon ng Abnormal na costumers na katulad ni Hiro? Ffff. - - - Hiro's POV Sa wakas tumahan narin si Athena, kanina pa sya umiiyak dahil sa Halimaw na yun! Naku, kung pwede lang talaga manapak ng babae kanina ko pa ginawa. Buti nalang tumigil na sya sa pag-iyak, ayaw nya kasing magpatahan eh. Ayaw nyang lumapit sakin kahit pilit ko syang niyayakap. "Okay ka na?" I asked her, sinubukan kong lumapit pero pinigilan nya ako. Kumuha sya ng tissue sa bag nya,"I'm okay." Sabi nya tyaka tumingin sakin at ngumiti. "Are you sure?" "Yes," suminghot ulit sya at pinunasan ang luha sa pisngi nya, "I'm okay, masakit lang talaga yung... Yung tyan ko." Pangangatwiran nya pero pakiramdam ko nagsisinungaling sya. "Tyan ba talaga masakit sa'yo?" Tanong ko ulit. Tumango sya at pilit ngumiti. "Oo, baka dahil sa kinain ko kanina." Sagot nya na nagpakunot ng noo ko. "Panong nangyari yun di naman tayo kumain sa Restau ng Halimaw-- I mean ni Vanessa, yung huling kain mo ay yung binigay kong Homemade Burger na ginawa ko." Mabilis naman syang sumagot, "Baka nga dahil sa Burger, luma na kasi yung tinapay na ginamit mo... Siguro." Tumango nalang ako kahit di naman talaga luma yung tinapay, ako rin kasi ang gumawa ng tinapay eh. Alam ko nagdadahilan lang sya. "Okay... Hatid na kita sa inyo para Makapagpahinga ka." Akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng Kotse ko nang bigla syang magsalita. "Uhm... Hiro." I look at her. Her face was facing the floor. "Yes?" "Totoo ba yung sinabi ni Vanessa sa Loob na magkasama kayo kahapon?" She asked. Ikinagulat ko naman yung tanong nya, na agad kong ikinabahala. Nung una hindi ako nakasagot, eh sa hindi ko alam ang isasagot ko! Tss. Paano ba 'to?! "Uh.. Ano kasi yan eh--" "Yung totoo Hiro." Putol nya sakin. "Okay, magkasama kami yesterday. Pero friendly date lang yun, actually kasama namin yung Parents namin." Paliwanag ko. "Kasama yung parents nyo?" "Y-yes? Pero wala yun." Nakita kong may namumuo nanamang luha sa gilid ng mata nya nang tumingin sya sa ibang lugar. "Hey, Athena. Wala lang yun. Diba nga may Girlfriend ako? Ikaw yun. Athena?" "Mhmm?" Sagot nya, nakangiti syang tumingin sakin pero basa parin yung Mata nya. "Uh.. Athena, babe." Lumapit ako sa kanya, this time di na sya lumayo. "Please wag kang maniniwala sa mga sinabi ni Vanessa" hinawakan ko sya sa magkabilang pisngi para iangat yun. Tumango sya, "Okay." Inalis na nya yung kamay ko sa mukha nya at nauna nang sumakay sa Kotse. Sh-t may mali. May Mali talaga eh! Parang Kinakabahan ako Sheeet! Ano ba kasi to?! Kasalanan talaga to ng babaeng yun! Just wait until I fix my problem with Athena! Babalikan kita! Athena's POV Walang akong imik habang nasa loob ng kotse ni Hiro. Wala naman akong magandang sasabihin tyaka masakit pa yung mata ko pagkatapos kong umiyak kanina. Di ko alam ang dahilan pero alam kong nasaktan ako sa nangyari kanina. Alam ko naman eh, alam kong wala akong pag-asa wala kaming pag-asa ni Hiro. Hindi ako gusto ng nanay nya, ng parents nya. Kami lang talaga ang pumipilit ng lahat... Pero kahit ganun, sobrang sakit parin pala. Yung ipa-realize sayo na wala na kayong future together? Pero Hindi rin naman ako yung nasasaktan dito, kahit si Hiro hirap sa sitwasyon namin. Lagi nyang pinipilit yung nanay nya, lagi nya 'kong sinisiksik sa pamilya nya kahit wala naman talaga akong lugar sa kanila. Sa sobrang lala na ng sitwasyon parehas na kaming nahihirapan, at sa tingin ko dapat mag-isip ako ng paraan para dun... Pero, parang ang Hirap. "Babe, please stop crying... Please" napahinto ako sa pag-iyak nang marinig ko yung boses ni Hiro, lumingon ako sa kanya at nakita ko syang nakatingin sakin. Nakahinto na pala kami sa harap ng Gate ng dorm na tinutuluyan ko. "Ah, nandito na pala tayo, salamat sa paghatid!" Pinunasan ko yung Luha sa pisngi ko at akmang lalabas na sana pero hinigit nya ako sa kanya payakap. "It's okay, it's okay... Everything will be alright, there there..." Bulong nya sakin. "Wag kang makinig dun sa babaen yun ah... Sinungaling yun, feeling ko pa nga nababaliw na yun eh..." Umalis agad ako sa pagkakayakap nya sakin, "aalis na ako..." Sabi ko bago binuksan ang pinto. "Sandali Babe, may nasabi ba ako? Galit ka noh?" Habol nya sakin sa labas. "Hindi ah." Pagsisinungaling ko. Hinawakan nya naman ako bigla sa magkabilang kamay, "Galit ka eh..." Sinubukan kong tumungo para itago ang mga mata ko pero pilit nyang tinitingnan. "Okay nga ko, Hiro naman ih." Hinampas ko sya ng mahina sa braso. "Umalis kana." Pilit akong ngumiti. "There! That's my girl. Smile lang okay?" Sabi nya, tumango ako sa kanya bago pumasok sa loob ng dorm. "Oh, Thalia umiiyak ka ba?" Bungad sakin ni Mika, pinsan ko. "H-hindi ah." Sagot ko sa kanya, tyaka dumeretyo sa pinto ng kwarto ko. "Pinaiyak ka ni Hiro?" Hindi ko nalang sya pinansin, pagkatapos ko mabuksan yung pinto ng kwarto ko ay pumasok na agad ako. "Hoy insan ah, iba na yan! Bakit ka nya lagi pinapaiyak?" Humiga agad ako sa maliit kong kama pagkatapos kong itabi ang bag ko sa gilid. Nakakapagod rin palang umiyak, tyaka tiisin ko ang lahat. Haaaay, ito nanaman ako. Pakiramdam ko tutulo nanaman ang luha ko. "Alam mo insan, wala nang magandang nangyayari sa relasyon nyo ni Hiro ah. Itagi mo man na maayos kayo, kitang kita naman na hindi." Nanatili parin akong walang imik. Naramdaman ko namang tumabi sya sa gilid ko. "Ang dami nyong drama sa Buhay, una ang Mudra ayaw sayo. Mayaman sya, ikaw... Ehem. Akalain mong tumagal kayo ng five years? Tibay ah." Tama sya tumagal kami ng five years, pero hindi naman lagi masaya eh. Sa limang taon na yun, laging nag-aarange ng dinner date si Hiro kasama ako at ang nanay nya pero kahit kailan hindi ko naramdaman na tanggap nya ko. Madalas akong tawagan ng nanay nya, hindi para kamustahin pero para pagsabihang wag ko nang landiin ang anak nya. Sobrang sakit sakin. Sobrang sakit. Para bang hindi talaga ako magugustuhan ng nanay nya. Ang sakit. "Dapat siguro itigil nyo na yan, kasi pakiramdam ko di na kayo tatagal kasi diba, grabe talaga--- Uy, insan! Bakit ka umiiyak?!" Nag-aalalang tanong ni Cleo sakin. Agad naman akong tumayo. "Magbibihis muna ako, ha?" Padabog naman syang tumayo at naglakad sa Pinto. Pero tumigil sya at lumingon bagp lumabas... "Insan, kung may nasabi man ako sorry. Pero totoo naman diba? Ah... Wag ka nang umiyak, okay? Di na kita aasarin." Tumango ako sa kanya. Tama sya kaya ako umiyak, natamaan ako. Wala na talagang magandang nangyayari sa buhay ko... Kailangan ko na tong tuldukan, pero pano?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD