Hiro's POV
"Hoy, Hiro." Tawag ni Leo na gilid ko. Nilingon ko ang Best friend ko at pilit kong tiningnan kahit sobrang bigat na ng mata ko.
"Oh?" Sagot ko, bago abutin yung Vodka sa la Mesa at inumin yun.
"May problema kaba brad?" Tanong nya sakin. Kanina pa to tanong ng tanong ng problema eh at sa totoo lang naiinis na ako.
Napaisip tuloy ako... Teka nga Hiro, anong nga bang problema mo? Ahh... Oo, si Athena. Si Athena problema mo.
Kasi almost one week ka nang di kinakausap ng matino Hiro since nung nangyaring pang-aasar ng babaeng yun! Tss. Badtrip. Di ko na alam kung anong pwede kong gawin!
"Uy Hiro, ano? Magkwento ka brad! Hindi yung sasabunutan mo yung sarili mo dyan. Para kang Praning dude." Sabi pa nya. Kulit talaga nitong G-gong to.
"Alam mo nakakainis kana eh, dadagdag ka pa sa problema ko kay Athena eh!"
"Yun! Yun naman pala eh! Babae ang problema hahah!" Komento pa ni Adam na syang bartender ngayon sa Bar.
"Lul. Tigilan nyo ko!" Inubos ko ulit yung binigay nyang alak. Isang bagsak parang uhaw na uhaw na ako.
"Ano bang nangyari kay Athena brad?"
Padabog kong ibinagsak ang basong hawak ko bago magsalita, "Kasi si Athena brad, hindi ako kinakausap. Tae five days na tol, tinatawagan ko sya pero sandalian lang tapos ibababa nya na. Niyayaya ko naman syang lumabas pero damn, ayaw nya!"
"Kausapin mo kasi ng Personal brad." Payo pa ni Leo habang tina-tap ang balikat ko. "Puntahan mo sa work, dalhan mo ng bulaklak. Ganyan ang mga gusto ng mga Babae. Malay mo nagpapalambing lang yung Girlfriend mo."
"Ganun?" Nilingon ko sya. Patango tango pa ang Loko.
"Oo, trust me pare."
Trust your face. Balak ko naman talaga yun eh! Bukas talaga kapag ako nahimasmasan.
"Sige, sige bukas. Bukas kakausapin ko sya."
Kinabukasan, Maaga akong umalis sa Condo ko para puntahan si Athena sa trabaho nya ay nang magkausap na kami ng maayos. Pinaka ayoko na nagkakaganito kaming dalawa yung walang pansinan at walang matinong usapan baka... Baka. Tss. Hoy Hiro wag ka ngang mag-isip ng ganyan! Hindi ganyan si Athena! Di ka nya magagawang lokohin.
"Psh. Relax lang Hiro." Huminga muna ako ng malalim bago bumaba sa Harap ng King's Corp.
Kailangan mo lang kausapin si Athena... Pagpapakalma ko sa sarili. Sandali nga bakit ko ba pinakakalma yung sarili ko eh si Athena lang naman ang kakausapin? Pero bakit ganto?! Parang may ikinababahala ako?
"What the hell is wrong with you Hiro?" Tanong ko sa sarili bago pumasok sa Loob ng King's Corp na para bang familiar sakin. Saan ko nga ba narinig yun?
I stopped thinking nonsense nang makita ko si Athena sa front desk na may kausap na lalaki, at parang ang saya saya nila...
My eyes automatically narrowed. Who is that F-cking Guy?! Mabilisan agad akong pumunta sa kanila.
"Athena?" Tawag ko sa kanya, agad naman syang lumingon sakin pero gulat ang mukha nya sa pagkakakita sakin.
"H-Hiro?" Tumingin ako sa lalaki na masama ang tingin sakin. Aba ang kupal sarap kutusan, tigas ng mukhang tumingin ng masama. "Anong ginagawa mo dito---"
"Sino ka?" Tanong ko sa lalaki.
"Bakit sino kaba?" Balik na tanong ng kupal. Natawa nalang ako sa kapangitan ng mukha na pinapakita nya.
"Boyfriend," inakbayan ko agad si Athena na di mapakali sa gilid. "Boyfriend ni Athena."
Nagulat naman ako ng biglang tumawa yung lalaki pero mas ikinagulat ko nang parang kakaiba yung pagtawa nya, parang... Bakla? "Hahahay! So ikaw pala yung Jowa ni Ate?!"
Tumingin sya kay Athena at hinampas ito ng malamya, "Gaga ka, Gwapo nito ah!"
Di pa ako makapaniwala sa nakikita ko nang biglaang tinanggal ni Athena yung kamay ko sa balikat nya.
"Oo, si Hiro. Carla si Hiro. Boyfriend ko..." Pagpapakilala ni Athena sakin.
"Hi po. Carla po here." Kumaway kaway pa yung bakla. Tinanguan ko nalang yung lalaki---Bakla bago ako humarap kay Athena na parang ayaw akong lapitan sa distansya nya sakin ngayon.
Sandali, mabaho ba ko?! Tae ka Hiro, wag mong sabihing may putok ka? Kaya ba ayaw sayong lumapit ni Athena? Pero teka, ang babaw naman nun!
"Athena can we talk?" Mabaho na ba ako? Gusto ko sanang isunod yan kaso nandito pa kasi yung bakla eh.
Nung una alanganin syang sumagot pero nagsalita rin sya agad, "Ah... Carla una ka na sa taas, susunod ako."
"Okay ate." Paalam nya Kay Athena bago tumingin sakin at kumindat, "Bye, Hiro..."
Biglaan namang tumaas ang balahibo ko sa batok sa ginawa nya, Sarap Sapakin! Kupal yun ah.
"Sige, ano yung pag-uusapan natin?" Panimula ni Athena.
Napatingin naman ako sa kaliwa't kanan ko, "Dito na tayo mag-uusap babe? Di ba pwedeng sa---"
"Dito lang Hiro." Mabilisan nyang sagot sakin, na ikinagulat ko. Para kasing di si Athena ang kaharap ko, I mean she's different. Tae Hiro what's with the thinking?!
"Tungkol saan ba to Hiro?" Walang ganang tanong nya. See?! See that?! That's not my Athena!
"Uh... Yung pag-uusapan natin is about us." Sabi ko na para bang walang effect sa kanya. Huminga ako ng malalim bago magpatuloy, "Okay, I just want to know kung bakit these previous days e parang nagiging... Uh, cold kana sakin? Is there any problem?"
I'd wait pero tinititigan nya lang ako ng walang kaemosyon emosyon ang mukha.
"Athena... May problema ba tayo?" I asked again pero ganun parin walang sagot just her Motionless face.
"Athena?"
"I'm sorry Hiro." She said at last. Pero bakit sorry?
"Huh? Okay lang... Kahit maghintay pa ako ng isang oras sa sagot mo okay lang---"
"No, I'm sorry... I, I need to go." Sabi nya bago tumalikod, pero bago pa nya ako tuluyang iwan nahawakan ko na sya sa braso para pigilan.
"Wait, hey." Hinarap ko sya sakin, "what's wrong?" I tried to look at her straight to her eyes pero pilit nya ako iniiwasan.
"I just need to go Hiro." Pilit nyang tinatanggal ang hawak ko sa kanya, pero hindi ko hinahayaang matanggal ito.
"No, after you tell me what's wrong? Bakit mo ko tatalikuran ng ganun?" Sa pagpupumilit nyang alisin ang kamay ko hinawakan ko ns sya sa magkabilang balikat.
"Hiro let me-please let me go." Pagpupumilit nya, pero mas lalong humigpit ang hawak ko sa kanya.
Sinubukan kong kumalma, ayokong matakot sya sakin (pati yung mga tao na nanunuod sa drama namin) gusto ko lang namang malaman... I'm dying to know what's the problem?
"You tell me first, what's wrong? Athena what's wrong? Anong problema natin---"
"Ang problema mo, masyado kang paepal!" Nanlaki ang mga mata ko- I mean namin ni Athena bago mapatingin sa babaeng taas ang kilay na nakatingin samin. "Nang haharas ka pa ng kapwa, sa harap ko pa! Goddess of beauty, Aphrodite please give me your blessing para gumanda naman ang paligid!"
Natatawa akong tumingin sa kanya, patawag tawag pa ng Dyos daming alam nitong Witch na to.
"Ikaw anong tawag mo sa ginagawa mo? Nagmamaldita ka nanaman, God of Lighting, Zeus can you please strike this witch with your lighting?" Asar ko sa kanya na nagpakunot ng kilay nya at nagpatawa ng konti sa mga nanunuod pero natigil din nang sumigaw sya.
"Bakit kayo natatawa? Joke ba yun at natatawa kayo ha?!" Nakakatakot talaga kamalditahan ng isang to, parang kulang 200 na boltahe.
Kaya bago pa man sya maghasik dito ng lagim kailangan ko na syang barahin, baka di pa matuloy yung pagtatanong ko kay Athena ng 'What's the problem'.
"Hoy witch, anong ginagawa mo dito ha? Bakit ka nandito?" Pang-aasar ko sa kanya.
Parang sumayad ata ang utak kanina at nakuha pang tumawa ng marahan, "Ikaw nga dapat tanungin ko nyan eh... Anong ginagawa mo sa KUMPANYA KO?!"
Agad na nanlaki ang mga mata ko, WTF.
"Ano? Sandali kumpanya mo?" Oo tama sya Hiro. Kumpanya nga pala ng Pamilya nya ang King's corp ang may-ari ng mga Hotels and Restaurants dito sa pilipinas at sa Asia.
"Hindi-Hindi, kumpanya mo. Umalis kana dito. Guards!" Tawag nya sa naglalakihang lalaki na nasa likod nya na sobrang sama agad ng tingin sakin.
Oh sh*t.