Alex pulled back. After she responded kissing a stranger she just met. She just pulled back and slapped the man in front on him. Nakita niya kung paano dumilim ang anyo nito, kung paano gumalaw ang panga nito sa galit. She sense a total danger and it gives her shiver down to her spine. Napalunok siya at napaatras nang humakbang ito palapit sa kanya. Medyo madilim at hindi niya masyadong maaninag ang mga mata nito. Pero alam niya, sigurado siya na galit ito sa pagsampal na ginawa niya at maari siya nitong saktan din.
“Stop right there, please...” nanginig ang boses niya nang sabihin iyon dahil sa takot nang humakbang pa ito ulit palapit sa kanya. Pumikit pa siya sa pag-aakalang pagbubuhatan siya nito ng kamay.
Nagkamali siya, dahil mainit na yakap mula sa mga bisig nito ang naramdaman niya.
“I'm sorry, I didn't mean to kiss you without your permission. I— I just can't resist looking that damn lips," anito na hindi inaalis ang mga bisig na nakapulupot sa katawan niya.
And the weird thing is, ni hindi man lang siya natitinag na nakakulong siya sa mga braso ng lalaki. Lalaki na hindi naman niya kilala at hinalikan pa siya, bagkus ay parang nagugustohan pa niya ang init na nagmumula sa yakap nito. She feels safe and sound. Parang pinoprotektahan siya sa kahit na sinong mananakit sa kanya.
Ilang minuto rin bago siya nahimasmasan sa pakiramdam na iyon. Dahilan ng bigla niyang pagbaklas sa yakap nito. Mukhang marami na nga talaga siyang nainom at kung anu-anong bagay na ang nararamdaman niya sa sarili niya. Mga bagong pakiramdam na ayaw niyang bigyan ng pansin.
“Did I scare you? I'm so sorry about that kiss and hug—”
“I need to go home,” wala sa sariling sambit niya at tinalikuran ang lalaki. She needs to run away from this man. Mabilis siyang lumabas sa kinaroroonan at sinalubong ang mga tao sa labas na nagkakasiyahan. Sumiksik siya roon para hindi na siya maabutan kung balak man siya nitong sundan. Hindi niya nagugustohan ang pakiramdam na nararamdaman niya. f**k, she wanted to continue the kiss and deepen it. She admitted, she wants the warm arms of that stranger caging her.
Pamilyar sa kanya ang lalaking iyon, pakiramdam niya ay nakita na niya ito. Kaya naman bago pa siya tuluyang mawala sa sarili dahil sa tama ng alak at magkasala kailangan niyang lumayo. It wasn't right, that feeling is definitely wrong.
Damn that kiss!
Mabilis ang mga pangyayari, kasing bilis ng pangahas niyang halik sa babae, at sa pagsampal nito sa kanya. Ganoon din ito kabilis nakaalis at naglaho sa harap niya. Ni hindi niya ito naabutan, o mas tamang sabihin na hindi niya ito pinilit habulin nang makita niya kung paano ito magkumahog makalayo lang sa kanya.
It saddens him, the fact seeing Alexandra running away from him. Parang nanghina siya bigla. Nawawala na naman ang inipon niyang tigas ng mukha pagdating sa babaeng iyon. Kung paano magbuhol-buhol ang mga salita niya pagnakakaharap niya ito. It was the same Damon, five years ago. And it wasn't him anymore, hindi niya hahayaang bumalik siya sa dati just because Alexandra Alonzo's presence can tamed him.
She was here, at the South Ridge. Tila pumapabor na yata sa ka'nya ang tadhana. Masabi man lang niya rito ang mga bagay na gusto niyang sabihin. The hell he care if he could ruin a marriage.
Hinanap niya nag babae sa party buong magdamag ngunit hindi na niya ito nakita roon. Siguro ay umuwi na rin talaga ito. Hinanap din niya ang walangyang si Hale, but unfortunately hindi rin niya natagpuan kung nasaan ang kumag.
Fuck! Inabot na siya ng liwanag ng madaling araw sa paglibot at paglakad sa malawak ba clubhouse ng village kung saan dinaos ang party na iyon. Nagbaka-sakali siya na makita ulit nag babae, ngunit sa huli ay bigo pa rin niya.
Kaya naman wala siyang choice kundi ang bumabugin ang kaibigang si Hale sa bahay nito sa kasagsagan ng buang liwayway.
“f**k you, Damon! Ang aga-aga nambubulahaw ka! Umuwi ka nga sa bahay mo! Punyeta naman, oh! Wala pa akong tulog! ” bulyaw at mura nito sa kanya matapos niyang walang humpay na paglaruan ang doorbell ng bahay nito.
“Papasukin mo muna ako! I have important things to ask about—”
“f**k, BRANT! Alam mo ba kung anong oras pa lang? Alas-kwarto pa lang madaling araw, kahit mga totoong demonyo mga tulog pa sa ganitong oras. Punyeta, umuwi ka na muna, mamaya mo na ako bwesitin! Hindi nga ako nakatulog ng maayos dahil sa babaeng may aso na iyon!”
“She's here! She lives her, at the South Ridge,” wala sa sariling sambit niya. Laglag ang balikat, at puno ng lungkot ang boses. “I saw her, just today. I dance with her and kissed her.”
“Potangina! Sino... ʼyong first love mo?”
gulat na tanong ni Hale na sa wakas ay naawa yata sa hitsura niya kaya niluwagan ang bukas ng pinto ng bahay nito na mabilis naman niyang pinasok.
Wala siyang preno na dumeretso na mini bar nito at nakialam sa mga nakadisplay na alak nito roon.
“Woi, teka impakto ka, not my Balvenie!” awat nito sa kanya nang magawi ang kamay niya sa mamahalin nitong collection.
Umupo siya at nagbuga ng marahas na hangin. Frustration was written all over his face.
“Help me...” saad niya.
“Ha? Ano nga ulit? Medyo nabingi yata ako, pakiulit! You asked what?”
“I said help me... and I'm serious, Hale. Just for once!”
“Wow ha! So, anong plano? Kailan natin kikidnapin ʼyang tangi mong pag-ibig?” pang-asar pa nito na tila walang pakialam sa kaseryosohan niya.
“Bwesit ka talaga kahit kailan! Wala kang kwentang kausap, si Primo na nga lang ang kakausapin ko, bahala ka sa buhay mo!” inis niyang sabi at akmang lalayasan ito nang awatin siya.
“Chilax, so ano nga? Anong gusto mong gawin... anong plano mong gawin?” saad nito habang hawak ang telepono nito.
Siya naman ay hindi maintindihan kung ano bang tulong ang gusto niyang gawin nito para sa kanya. O, nais lang niya ng karamay at masasabihan ng magkahalong excitement at kaba na nararamdaman niya ngayon.
“Tulungan mo `kong hanapin saan ang bahay niya rito—”
“Phase 1 Block 8, Mulberry Street?” mabilis nitong tugon habang nakadikit sa tenga ang telepono na tila may kausap sa kabilang linya. “Ok, we got it, thanks Engineer!”
Napanganga na lang siya sa bilis nitong gumawa ng hakbang, daig pang detective ampotah! Nang daanan siya nito ay hinablot pa nito ang hawak niyang bote ng Macallan Whisky na siyang iniinom niya at ibinalik nito iyon sa lalagyan.
“So, ano? Bibili na ba ako ng gitara at magpa-practive kumanta ng 'Ohhh... ilaw sa gabing madilim?”
“Gago!”
“Ikaw ang gago! Umuwi ka na at magbo-vocalization na ako para sa ohhh ilaw...”
“Shut the f**k up, idiot!”
“Ohh... ilaw... sa gabing madileeemmm...”
Wala siyang nagawa kundi ang lisanin ang bahay ng kaibigan dahil sa nakakabwesit at boses kambing nitong pagkanta. Natawa na lang siya nang hanggang sa labas at naririnig niya ang pagkanta nito. Mukhang kakaiba yata ito ngayon, mukhang masaya ang walanghiya. Na-enjoy yata ang mapagkamalang asawa.