Nagmamadali si Alexandra sa pagsakay sa kotse niya. Late na siya ng dalawang oras sa office gayong may meeting pa siya ngayong araw. Bwesit kasing party iyon, dapat ay hindi na lang talaga siya nagpunta. Sakit ng ulo dahil sa hangover at puyat lang ang napala niya roon.
Paatras na sa garahe ang kotse niya nang masipat ang paparating at papasok na rin na kotse ng asawa niya.
Talaga pa lang inumaga na ito umuwi. Saan at ano na naman kaya ang pinagkaabalahan nitong gawin. Hindi na nga siya sinamahan sa Home Owners Party, inumaga pa talaga.
Nang maipasok nito ang sasakyan ay naglakad ito sa tapat ng kotse niya at kinatok iyon. Ibinaba naman niya ang bintana ng sasakyan at dinungaw ito.
“I'm sorry sweetheart, about last
night—”
“Cut it off, Ed. I'm late I gotta go.” Wala siya sa mood makinig sa ano mang sasabihin nito. Pakiramdam niya ay wala rin naman iyong saysay. Paulit-ulit na paghingi ng tawad na hindi na niya alam kung para pa ba saan. Parang nasasanay na lang din siya sa mga nangyayari. Paano ba niya aayusin ang isang bagay na siya na ang nasaktan tapos siya pa ang nag-effort na pagtakpan.
My God! This is not her, hindi siya pinalaki ng mga magulang niya para maging ganito at kawawa. She's smart and tough pagdating sa business industry pero bakit pagdating sa ganitong sitwasyon, tatanga-tanga yata siya.
Pinaharurot niya ang sasakyan palabas ng village. Pagdating niya sa opisina ay hinarap agad niya ang mga paper works na nilapag ni Biatrez sa lamesa niya.
“Want some coffee, ma'am?” tanong nito sa kanya habang nakatayo sa harap ng lamesa niya at naghihintay ng mga papeles na matatapos niyang pirmahan isa-isa.
“Yes Biatrez, please,” aniya. Kailangan niya ng kape pampagising dahil tila hinahatak sa kung saan ang isip niya. Hindi siya nakatulog dahil sa kakaisip sa bwesit na lalaking iyon na humalik sa kanya sa party.
Maya-maya pa ay inilapag ng sekretarya niyang si Biatrez ang kape na ginawa nito sa lamesa.
Agad naman niyang dinampot iyon at hinipan bago higupin. Napapikit pa siya nang bahagya habang sinasamyo ang brewed coffee na gawa nito.
“Saan ko ilalagay itong bulaklak n'yo ma'am?” tanong nito. Hindi niya napansin na may hawak pala itong pumpon ng Red Tulips nang pumasok ito kanina.
“Saan galing ʼyan?” inosenteng tanong niya.
“Wala namang nakalagay ma'am kung kanino galing, baka sa asawa nʼyo ho, ” sagot nito. Inilagay nito sa tabi niya ang bulaklak na hindi niya mapigilang tapunan ng tingin dahil paborito niyang bulaklak iyon.
Sa loob ng limang taon, mabibilang sa daliri ang bilhan siya ng asawa ng bulaklak. At mas madalang pa sa patak ulan sa desyerto kung Tulips flower ang bilhin nito. Hindi tuloy niya maiwasang mapangiwi. So, ano? Nagbabawi lang ba ito ngayon kaya binibigyan siya ng mga ganitong pampalubag-loob.
“Ilagay mo na lang sa vase Biatrez, para hindi malanta agad,” utos niya sa sekretarya na agad namang tumalima at sumunod. Siya naman ay ibinalik ang atensyon sa tambak na trabaho.
Ayaw niyang isipin si Edward ngayong araw dahil siguradong masisira lang ang mood niya sa trabaho. Kailangan pa naman niyang mag-focus lalo na ngayon na may meeting at wala si Maddy para back-upan na naman siya sa pagkatulala.
“Wow ma'am, may pa-LSM pa yata si Sir Edward, sayo oh,” anito habang hawak ang maliit na piraso ng papel na nakuha nito sa bouquet ng Tulips.
“Tigilan mo na nga iyan Biatrez, puro ka kalukohan. Kunin mo na itong natapos ko at i-arrange mo na ʼto sa conference room. We will start after an hour,” nakangiting utos niya.
Agad naman tumalima ang sekretarya sa utos niya, matapos ipatong sa lamesa ang maliit na sobre. Kinuha niya iyon at isiniksik sa pouch saka bumalik sa ginagawa. Wala siyang panahon para basahin iyon, malamang kasi sorry lang naman ang nakasulat doon.
Bumalik siya sa trabaho at pinilit ipako ang isip sa ginagawa, kahit pa may mga sandali na nagpa-flashback sa utak niya ang imahe ng lalaki sa party. Ang mapang-alipin nitong halik na nagawa niyang tugunin ng sandali.
“Damn it!” mura niya. Alam naman niyang nagawa lang niya iyon dahil naka-inom siya pero bakit hindi niya magawang tuluyang alisin iyon sa utak niya. Nahuhuli pa niya ang sarili na nakakagat ng wala sa oras ang sariling labi dahil sa pag-iisip sa halik na iyon.
It was just a simple kiss. At hindi naman na siya bata para sa ganoong bagay. It happened at hanggang doon na lang iyon. Hindi na dapat pang maulit.
Buong tanghali siyang abala sa mga paperworks na kaharap. Mag-aalas-tres na rin ng hapon ng matapos ang lahat. Nakahinga siya nang maluwag nang pirmahan ang huling pahina ng company report na nasa lamesa niya. Akmang sasandal na siya nang biglang nag-ingay ang mobile phone niya na nakapatong sa harap niya.
Napabuntong-hininga pa siya bago damputin iyon sa pag-aakalang ang asawa niya iyon. Kaya naman ganoon na lamang ang ngiti niya nang mabasa ang pangalan ng ina niya sa screen.
“Hello, Mom!” excited niyang bati nang masagot ang tawag.
“Alex, baby! Can you please talk to your husband, now,” may bahid ng pag-aalalang saad ng mommy niya sa kabilang linya.
“Why, mom? Is there something a problem?” tanong niya. Bigla na lang siyang nakaramdam ng hindi maganda dahil sa tono ng kanyang ina.
“Edward just came here, baby. He had a little conversation with your dad. After that bigla na lang inatake ng highblood ang daddy mo! Ano ba naman iyang asawa mo, Alex? Alam naman niyang hindi dapat nai-stress ang daddy mo hindi ba!” mahabang litanya ng ina niya.
At siya, parang aatakihin na rin yata siya ng highblood dahil sa yamot na naramdaman. How could, Edward do this to her father? Ano na naman ba ang sinabi nito sa daddy niya? Is it the Chief Executive position that he was asking for? Hindi ba ito makapaghintay!
“Ok, mom... I'm sorry for what he did. I'll talk to him now, then I'll drop by tonight. How is dad, is he fine?” magalang niyang tugon. Nahihiya siya sa mga magulang niya dahil sa inaasal ng asawa niya.
“Thank God... your dad is fine, baby! The family doctor just checked on his, kakauwi nga lang din halos ni Doc Sandra. Napasarap din ang kwentuhan. She also asked about you, baby!”
“Mabuti naman po kung ganoon, mom! Wait for me there, diyan na ako kakain. I miss your cooking, mommy,” naglalambing niyang saad. “And about Sandy, I'll call her later to say thanks, mom,” dugtong pa niya.
Nang makapagpaalam siya sa ina ay agad niyang dinampot ang pouch bag at inilagay roon ang cellphone niya saka tumayo. Maaga pa naman kaya hindi malayong nasa opisina pa nito ang asawa niya. She will talk to him and ask him what is his problem. Kung bakit ito nagmamadali at kailangan pang-umabot sa punto na kulitin nito ang daddy niya para sa posisyong gusto nito sa kumpanya. Kumukulo ang dugo niya sa inis. Kung may nangyari lang na hindi maganda sa daddy niya talagang hindi niya ito mapapatawad.
Nagmartsa siyang palabas, hindi rin niya napigilang tapunan ng tingin ang bulaklak na nasa vase bago tuluyang lisanin ang opisina niya. Kanina kasing busy siya at subsob sa trabaho, sa tuwing dadako ang paningin niya sa mga pulang bulaklak ba iyon, gumagaan ang pakiramdam niya bigla. Para itong may dalang positibong enerhiya sa kanya. Bukas at magpapabili na lang siya kay Biatriz, ng mga bulaklak para araw-araw ay may makita naman siyang maganda sa opisina.
That red tulips, somehow makes her happy and forget for a while. Na-relax pansamantala ang isip niya. Ang kaso ito, bigla na lang may problema na naman. At magtutuos sila ng lalaking iyon ngayon. Edward can wreck her heart a million times, pero wag nitong madamay damay ang mga magulang niya sa kawalang utang na loob nito dahil hindi na niya papayagan iyon. She knows what her dad can do if he finds out that Edward had an affair. Baka hindi lang ito sipain palabas ng kumpanya ng daddy niya kapag nagkataon.
Mabilis niyang pinasibat ang sasakyan palabas ng basement parking ng building na pag-aari niya, The Epitome of Beauty and Cosmetics is one of her pride. Isa lang sa mga pag-aari niya na galing sa sarili niyang pagsisikap at hindi bunga ng yaman ng pamilya niya. She wanted her own, noon pa man. Not just for herself, but for her husband. Para hindi nito maramdaman na outcast ito sa mundo nila, niya. But what now?
Pagkatapos ng lahat ng sakripisyo niya para rito! Mapagtapos at mabigyan ng maayos na buhay at trabaho. This is what she got! Pain! Unfaithfulness and heartbreak!
She don't f*****g deserves this!