KAPITULO-TRESE

1806 Words
Lukot ang maganda niyang mukha nang umibis siya sa sasakyan. Mabilis din ang bawat hakbang niya papasok sa Alonzo Construction Corp. Hindi siya mapakali habang lulan siya ng elevator paakyat sa opisina ng asawa niya na siyang President ng ACC. It was her dad's company. Their family pride of course. Siya dapat ang mamamahala nito but she declined it because it wasn't her line. Sa halip kunumbinsi niya ang ama niya na sa asawa niya ipasa ang responsibilidad niya sa family business, ano pa nga bang dahilan? Edward is her husband and they were family. Bumukas ang elevator at biglang rumahan ang kanina'y nagmamadali niyang mga hakbang. She didn't know, pero sa tuwing bibisita o pupunta siya sa opisinang ito palaging nagbabalik sa kaniya ang tagpong iyon. The day of their fifth wedding anniversary, the day Edward broke her heart and trust. Sa tuwing paparito siya ay tila De'javu na nagbabalik sa kanya ang lahat na parang kahapon lang ito nangyari. Humakbang siya ng tipid patungo sa salaming entrada ng opisina. Parang binibilang niya ang bawat hakbang na ginagawa niya. Nakakapagod. Kahit panay ang bati sa kanya ng mga nasa paligid ay hindi na niya alintana iyon. Pulos tango at ngiti lang ang nagiging tugon niya. “Edmon, anak... pakiusap naman umuwi ka muna sa, San Martin! Kabuwanan na ni Eloisa at mag-isa lamang ako, hindi ko iyon maaasikaso!” Gulat na gulat si Edward nang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang kanyang asawa. Naging balisa at bakas na bakas sa mukha nito ang pagkabigla sa pagdating nito. Agad nitong inalalayan palabas ang matandang kausap. “Sige ho, tutulungan ko kayo, magbibigay ho ako ng konting donasyon bilang pagtanaw ng utang na loob sa pag tulong ninyo sa akin,” saad nito na bahagyang ipinagtaka ng kausap. Wala mang alam si Alex, sa pinag-uusapan ng mga ito ay nakaramdam siya ng awa nang mapagmasdan ang bumalatay na pagtataka at lungkot sa mga mata ng matandang babae na naroon. Tila ba ito nagtatanong sa paraan ng pagkakatitig nito sa lalaki. “Edmo—” “Sige na, Nay, makakaalis na ho kayo. Hintayin n'yo na lamang ho ang donasyong ipapadala ko para makatulong,” Hindi na nakapagtanong pa si Alexandra nang tuluyan nang igiya palabas ng opisina ni Edward ang matandang kausap nito. Kunot-noo na lamang siya nang maiwan sa loob. “Who's that?” tanong agad niya ng bumalik ang asawa niya. Balisa pa rin ito at hindi mapakali. Siguro dahil may kutob na ito kung bakit siya naroon. “ Kakilala lang, humihingi ng tulong,” tipid nitong tugon. “Taga-San Martin?” tanong niya ulit. “Yes, sweetheart, taga-San Martin. Humihingi ng kaunting tulong may sakit daw ang anak niya kaya inilalapit sa akin. Akala yata ng mga tao sa San Martin, kandidato sa Senado ang asawa mo,” pabirong saad nito sa kanya. “I didn't know, I've never been in San Martin, Ed,” sarkastikong saad niya. Totoo naman, sa tagal na nilang nagsasamang mag-asawa, ni minsan ay hindi niya nito isinaman sa lugar kung saan ito lumaki at nagkaisip. Palagi nitong tugon ay wala na itong pamilyang babalikan doon, kaya wala namang dahilan para dalhin pa siya nito. “Yeah, sweetheart, wala namang espesyal sa San Martin, isang maliit na baryo lang iyon at hindi nababagay ang tulad mo roon, you're a Queen, my Queen,” buladas nito sa kanya. Sa mga ganitong pagkakataon ay dapat kinikilig man lang siya, ngunit hindi. Kabaliktaran lang ang nararamdaman niya. “Bakit ka pala dumaan? Na-miss mo ʼko, gusto mo sabay na tayong umuwi?” paglalambig nito sa kaniya na agad niyang binara. “Nope, Ed! I came here to ask about my Dad. Why did you do that? Alam mo bang hindi maganda ang lagay ng Daddy ngayon dahil sa kagagawan mo! Why on the rush, Ed? I told you about this already, hindi ka ba makapaghintay?” “I'm sorry, sweetheart. Hindi ko naman alam na mamasamain pala ng daddy mo ang mga suhestyon ko para sa ikabubuti ng ACC,” bagsak ang balikat nitong saad. “That's not what I mean, Ed! Bakit parang kasalanan pa ni Daddy na inatake siya dahil sayo?” “Then fine, Alex! It's my fault, happy?” matigas nitong saad na ikinagulat niya. “Hindi naman napuruhan ang daddy mo, at buhay pa siya ngayon kaya bakit ganyan na lang yang reaksyon mo?” “What? Naririnig mo ba ʼyang sinasabi mo, Ed? That was my Dad, Ed! My Dad!” hindi makapaniwalang saad niya. “I'm so sorry, sweetheart. Nabigla lang ako, pagod lang ako sa trabaho. Ikaw naman kasi bigla ka—” “You're unbelievable, Ed!” putol niya sa ano pa mang sasabihin nito. “Alex, wait...” Habol nito sa kanya. Mabilis niya itong tinalikuran at lumabas ng opisina nito. Ayaw na niyang makarinig ng kahit ano pang salita na lalabas sa bibig nito. Not today! Sobra na ito para magsalita ng ganoon sa mga magulang niya. Hindi niya inakala na makakapagsalita ito ng ganoon. Magalang naman ito kapag kausap ang mga magulang niya. Para nga itong maamong tupa sa tuwing kaharap ang ama niya, tapos ngayon. Ganito ang mga lalabas na salita sa bibig nito. Absurd! Madali niyang narating ang parking at sumakay sa sasakyan niya. Nakita pa niya ang asawa na humabol bago tuluyang lumabas ang sasakyan niya sa basement. At nang tumapat ito sa b****a ng building ay inagaw ang paningin niya ng matandang nakaupo sa gilid ng landscape sa labas. Iba ang nararamdaman niya sa matandang iyon. Naawa siya rito, bumyahe pa ito ng malayo para lang makahingi ng tulong. She feel the urge to help and to know the old woman, but not today dahil hindi pa rin siya nilubayan ng asawang tanaw niya sa side mirror ng sasakyan niya. “Hale!” Humahangos na tawag ni Damon sa kaibigang palabas na ng bahay nito. “Ano!? Ang aga-aga, Damon naman! Tantanan mo nga muna ako, binigay ko na sayo ang address ʼdi ba?” Yumuko muna ito bahagya dahil sa sobrang hingal bago nagsalita. “Pengeng t-tubig!” “Walangya! Haharang-harang ka sa daraanan ko tapos tubig lang pala ang kailangan mo! Bwesit ka talaga, eh!” bulyaw nito sa ka'nya pero walang pasubali niya itong nilampasan. Dumeretso siya sa bahay nito at binuksan iyon na finger print scanner ang lock. Napangiti siya dahil hindi pala nito inalis ang data ng finger print niya roon nang pagtripan niya ang pinto ng bahay nito. “Demonyo talaga ampotah! Hoy, Brant! papasok ako sa trabaho, huwag na huwag mong iiwanang nakatiwangwang ʼyang bahay ko, kundi mapapatay talaga kita!” sigaw nito habang pasakay na sa sasakyan. Siya naman ay dumeretso na agad sa kusina at naghanap ng maiinom. Agad siyang kumuha ng tubig at nilagok iyon dahil sa sobrang uhaw. Kung bakit ba naman kasi naisipan niyang takbuhin ang buong South Ridge. Akala niya ay katulad lang ito ng mga simpleng village, hindi siya na-inform ni Primo na ilang ektarya pala ang lawak niyon. Nagtaka pa siya, pagitan na nga lang ng mga lote halos ilang bloke na. Sa sobrang uhaw niya at pagod heto siya at sumabit muna sa bahay ng kaibigan para makiinom. At heto siya para siyang camel sa desyerto sa sobrang uhaw. Sa sobrang kasibaan niya sa tubig at natapon pa ito sa suot niyang shirt kaya't hinubad niya ito. Muntik pa siyang masamid nang makarinig ang sunod-sunod na pag-iingay ng doorbell. Mukhang may nakalimutan yata ang impyerno kaya bumalik. “Oh, bak—” Naputol ang sasabihin niya nang isang babae ang tumambad sa labas ng pintuan ng buksan niya iyon. Agad na itong nagtakip ng mga kamay sa mata na akala mo'y nakakita ng kasalanan. Oh, well hindi naman niya ito masisisi. Masyado siyang masarap at baka matukso pa ito kaya siguro nagtakip na lang ng mata. “Ah, Miss, sinong hinahanap mo?” tanong niya sa cute na babae. “K-kuya, bakit ka nakahubad?” inosente nitong tanong na ni hindi man lang siya magawang tingnan. Pansamantala siyang natigilan at humalikipkip, pagtapos itakip ang mga braso sa matipuno niyang dibdib. “Sorry nakalimutan kong kunin ang t-shirt ko, e. Sino bang hinahanap mo? Walang tao diyan sa bahay ni impyerno.” saad niya. Kumunot naman agad ang noo ng cute na babae. Hindi tuloy niya maisip kung ganito na ba ang trip ng lukong si Hale ngayon. Pati mga walang muwang talaga dinadamay. “A-anong impyerno ang sinasabi mo?” takang tanong nito sa ka'nya. “I mean si Hale. Wala si Hale sa bahay na ʼyan, kakaalis lang pumasok n'ya at pumasok na sa trabaho,” aniya sa babae. Bahagya naman nitong inalis ang pagkakatakip ng kamay sa mata at lukot ang kilay na tumingin sa ka'nya. “Kuya pinag-ti-tripan mo ba ako?” “H-ha? Anong pinag-ti-tripan? Hindi kita pinagtitripan,” takang saad niya. “Ang sabi mo kasi pumasok sa trabaho ang baby Hail ko! Paano papasok sa trabaho ang baby Hail, ko eh ito s'ya oh kasama ko. Saka aso lang siya kaya paano siya makakapagtrabaho. At hindi rin siya r'yan sa bahay na ʼyan nakatira dahil sa amin siya nakatira,” mahabang litanya nito na nakapagpanganga sa ka'nya. Tinggal na nito ang pagkakatakip sa mga mata at tumingin sa malayo. “Miss, ako yata ang pinagtitripan mo eh!” kamot-ulo niyang saad at nang mapagmasdan niya ang babae ay agad niya itong namukhaan. “Teka! Ikaw ʼyong babae d'un sa party ʼdi ba?” Aba ang walangyang lalaki at mukhang nawili talaga sa isang ito. “Bakit mo hinahanap si Hale?” dugtong pa niya. Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito bago magsalita. “Alam mo kuya masama ang nagdodroga.” “What? Hindi ako nagdodroga ha!” sagot niya pero mukhang hindi kumbinsido ang kaharap. “Hinahanap ko si Jericho Rosales,” saad nito. “Dito siya nakatira alam ko!” dugtong pa nito nang ituro ang gate ng bahay ni Hale. Napapikit na lang siya nang wala sa oras at napahimas sa sentido. Medyo nahirapan siyang i-process ang mga pinagsasasabi ng babaeng kaharap. Ang ganda pa naman nito, kaso mukhang may tama. “Wala nga d'yan si Hale,” sabi niya. “Hindi ang aso ko ang hinahanap ko, kasama ko ang aso ko, bakit ko naman siya hahanapin. Si Jericho Rosales ang hinahanap ko,” sagot nito sa kanya na talaga namang nagpataas ng husto ng kilay niya. “Alam mo baby Hail, naiinis ako sa lalaki na `to. Pinagtitripan niya yata tayo, umalis na nga tayo at sa ibang araw na tayo bumalik,” bubulong-bulong sa aso nitong saad. Dali-dali pa itong umalis sa harap niya nang hindi man lang niya natanong ang pangalan. “Miss, sandali,” tawag niya rito, ngunit imbes na lingunin siya ay nagtatakbo lang itong lumayo bitbit ang aso nito. Ibang klase, maganda sana, kaso mukhang may tama. Jericho Rosales, pa ha! Ang damuhong si Hale? Jericho Rosales? Natatawa niyang sambit sa isip. Pagkatapos ay sumungaw na naman ang mala-demonyo niyang ngiti nang may maisip. “Hmm... lagot ka sa'kin mamaya pag-uwi mo, Jericho Rosales. Masekreto ka na ngayon ha! Susumbong kita sa bantay bata, walangya ka! Pati inosente pinapatulan mo, ha!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD