KAPITULO-KATORSE

1626 Words
“Hi, mom!” agad niyang bati nang yakapin niya nang mahigpit ang ina. Pinilit niyang pasiglahin ang boses kahit na parang may nakabikig sa lalamunan niya. Nahihiya siya sa mga pinagsasabi ng asawa niya kanina, kahit pa hindi naman iyon narinig mismo ng mga magulang niya. Mabuti na lang talaga at hindi. Her mom would be so devastated if she does. Lalo na at ang daddy niya ang pinag-uusapan. Her mom, would turn to an sss woman just to defend her dad. Ganoon nito kamahal ang daddy niya. At ganoon din naman ang daddy niya rito, and that's what she envy her parents. She felt their over flowing love for each other, unlike what she have. “May problema ka ba, Alex? I'm talking to you, baby. Bakit parang lumilipad yata ang isip mo?” anang ina niya. Hindi na niya napansin ang pagkatulala niya. “I'm sorry, mommy! I'm just tired and drained today,” pagdadahilang sagot niya. “Nakausap mo na ba ang asawa mo?” “Yes, mom! That's why I'm not in the mood. We had a little argument about Dad. I confronted him already. I'm sorry again mom, on his behalf. Masyado lang sigurong na-pe-pressure si Ed sa trabaho, pagpasensyahan n'yo na lang po muna,” mahabang litanya niya. Hoping it would lessen the tension between her parents and her husband. Palagi namang ganoon, taga-salo siya at tagapagpaliwanag para sa asawa niya. Sa tuwing may kapalpakan itong gagawin. She was behind his back, explaining on his behalf. Lumambot agad ang ekspresyon ng kanyang ina nang marinig siya. Hinimas pa siya at tinapik-tapik sa balikat. “It's ok, baby. Your dad and I will understand,” saad nito. “Halika na sa komedor, your dad is there already. I told him that you're coming and have dinner with us.” “Mommy,” malambing niyang tawag. She was tempted to tell her mom what's the real score between her and Ed, but she doesn't have the guts to tell a story. Niyakap niya ito nang mahigpit para maibsan ang bigat ng dinadala niya kahit paano. Ayaw na niyang dumagdag pa sa problema ng mga ito. Malaki na siya at kaya naman niyang tumayo sa sarili niyang paa. She would fix the mess in her life without involving and dragging her parents name on it. Malaking eskandalo ang ibibigay niya oras na magkamali siya sa desisyon. Kaya habang kaya pa niya, she will endure and keep it with her, alone. Nakangiting mukha ng daddy niya ang sumalubong sa ka'nya pagpasok pa Lang nilang mag-ina sa dining area. Her dad open his arms and ask for a hug. Hindi naman siya nagdalawang isip na tanggapin iyon. Tinakbo na niya ang pagitan nilang mag-ama at mainit na tinanggap ang nakabukas nitong bisig. “I missed you, my baby,” malambing saad. “Dad! I'm not a baby anymore,” suway niya sa ama. Her dad always treat her like a little girl. “Silly, you will always be your mom and my baby. You may sit, let's eat, kanina pa ako gutom pero iyang mommy mo ayaw akong bigyan kahit tikim lang. Para daw ito sayo, kaya hintayin ka,” anito sa kanya at inayos ang towel sa harap nito. “Talagang nagsumbong ka pa sa anak ko ha, Alfredo!” nakasimangot na sabi ng ina niya habang ipinaglalagay ang ama niya ng pagkain sa plato nito. Hindi na niya namalayan ang ngiti sa ka'nyang mga labi habang pinagmamasdan ang mga ito. They both old and gray, but still the love for each other never fade. Sana lahat! Nakangiti siyang naghapunan kasama ng pamilya niya na matagal na rin niyang hindi nakakasalo sa pagkain. Nagkwentuhan pa sila sandali bago niya naisipang magpaalaam sa mga ito. Ayaw na siyang payagan umuwi ng ama niya dahil masyado na ring malalim ang gabi, but she insisted to do so. Ayaw rin naman niya ang magtagal sa harap ng mga ito dahil baka magkaroon lang ang mga ito ng pakiramdam na hindi siya ok, lalo na ang ina niya. Malalim na ang gabi nang makapasok siya sa South Ridge at makarating sa bahay nila. “Masyado ka naman yatang nag-enjoy sa labas, Alex? It's already one o'clock in the morning. Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, uwi ba ng matinong babae ʼyan?” salubong nitong saad sa ka'nya nang makapasok siya sa kabahayan. Hindi niya inasahan na gising pa ito, akala nga niya ay wala na naman ito roon. “I visited my parents, Ed. Kailan ka pa nagkainteres na i-monitor ang galaw ko, as far as I remember you're busy doing s**t with your—” “Kinakausap kita ng maayos, Alex! ʼWag mo akong bwesitin!” Nagulat siya nang hilahin siya nito palapit. Saka pa lang niya naamoy ang amoy alak nitong hininga. “Let mo go, Ed! Nasasaktan ako.” Nakipagsukatan siya nang tingin sa asawa. Pinilit niyang patatagin ang boses kahit na gulat na gulat siya sa ginawa nitong iyon. This is the first that Edward talk to her and grip her hand like this. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya at totoong nasasaktan siya. “Let go of my hand, Ed!” piksi niya. Agad naman nitong binitawan iyon na tilaba nagulat pa ito sa ginawa. Nang pakawalan nito ang kamay niya at agad siyang lumakad palayo at nilampasan ito. Kinabahan din siya sa inasal nitong iyon, lalo pa't nakainom ito. Mabilis niyang tinungo ang kwarto at nang makapasok ay ganoon na lang ang dagundong ng dibdib niya. Bakit ba siya nakakaramdam ng takot samantalang asawa naman niya ito? Ano naman ngayon kung lasing ito, natural lang naman dito ang uminom. Wala naman ng bago roon pero bakit parang iba ang dating nito sa ka'nya ngayon. Somethings strange, something wasn't right, at hindi niya alam kung sa parte ba niya iyon o ano. Ibinalibag niya ang dalang pouch bag sa kama maging ang heels na suot ng mahubad niya iyon. She was exhausted and tired of everything she doesn't even know. Basta pakiramdam niya pagod siya. Akmang papasok na siya sa banyo nang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok doon ang asawa. Hindi na lang niya ito pinansin kahit medyo asiwa siya sa presensya nito, pakiramdam niya ay ibang tao ang kasama niya. Siguro dahil wala na siya ni katiting na tiwala sa asawa ganoon na lang ang nararamdaman niya. Dumeretso siya sa loob ng banyo ngunit bago pa man niya maisara iyon ay naroon na ito sa tabi niya at bigla na lang siyang niyapos. “Ed, ano b'ang ginagawa mo? I'm going to take a bath. Can you just sleep,” saad niya sa asawa habang pinapalis ang kamay nitong nakapulupot sa bewang niya, ngunit sa halip na alisin iyon ay mas lalo lang humigpit ang yakap nito na sinamahan pa ng paghalik sa naka-expose niyang balikat. “Ano ba Ed? Let me go, I'm tired!” mariin niyang saad maiwasan lang ito. Pero hindi man lang ito natinag sa ginagawa, at hindi na niya nagugustuhan ang nais nitong mangyari. “Let me go, Ed... please!” “Manahimik ka nga! Asawa kita Alex, kaya anong inaarte-arte mo!” saad nito na nagpagimbal sa ka'nya dahil nang paglapat ng palad niya sa pisngi nito. Sinampal niya ang asawa sa dahil sa salitang binitawan nito. At ganoon na lamang ang gulat niya nang hagipin nito ang leeg niya at sakalin. “Palaban ka na ngayon ha, Alex? Bakit? May ipinagmamalaki ka na ba?” “What the f**k are you saying? Let me go Ed, nasasaktan a-ako!” “Masasaktan ka talaga sa'kin ngayon, asawa mo ako, kaya obligasyon mong paligayahin ako, sa ayaw at sa gusto mo, sweetheart!” parang baliw nitong saad. Hindi niya alam kung dala lang ba iyon ng kalasingan kaya hindi na nito alam ang ginagawa. At siya, hindi na rin niya alam kung anong pumasok sa utak niya na gawin ang bagay na ginawa niya. Mabilis pa sa alas-kwatrong tinungo siya sa kama at dinampot ang pouch niya saka tumakbo palabas ng bahay matapos niyang tuhurin ang sarili niyang asawa. Hindi na niya napigilan ang sunod-sunod na pagpatak ng luha dala ng matinding kaba, takot, at sari-sharing emosyon na hindi na niya alam kung ano. “Alexandraaa!” halos dumagundong ang sigaw na iyon ng asawa niya mula sa loob ng kabahayan. And she's outside the house desperately trying to open her car pero hindi niya mabuksan iyon dahil sa sobrang panginginig ng kamay. “Alex...” muling sigaw nito at alam niyang nakababa na ito mula sa silid nila. She tsked before leaving her car, mabilis siyang lumabas ng gate at tumakbo palayo. She wanted to get away at hindi niya alam kung bakit niya iyon ginagawa. Bakit niya tinatakbuhan ang sarili niyang asawa? At nang makita niya itong nakalabas na rin ng gate at humahabol sa ka'nya ay mas lalo niyang napagtanto sa sarili na kailangan niyang tumakas at lumayo. Tumakbo siya nang mabilis ngunit dahil sa lalaki ito at malalaki ang hakbang ay parang hindi man lang lumayo ang agwat niya rito. Nasa likuran lamang niya ang asawa at ano mang oras ay aabutan na siya. Mabilis niyang tinawid ang kalsada makalayo lamang Kay Edward, at sa pagtakbo niya'y hindi niya napansin ang kotse na biglang sumulpot sa kaniyang harapan. “Daddyyy...” malakas na sigaw niya nang mapagtantong hindi na niya iyon maiiwasan pa. “Hey, sweetheart! Wake up! Alex! You're dreaming!” Bumalikwas siya nang bangon dahil sa pagyugyog ng asawang si Edward sa ka'nya. Muntik pa siyang mapasigaw at himahangos na tumingin dito. “You're having a nightmare, sweetheart! Kanina ka pa umuungol,” anito na akmang lalapitan siya ngunit mabilis siyang lumayo at sumiksik sa headboard ng kama. “What is wrong, sweetheart? Galit ka pa rin ba sa'kin dahil sa sinabi ko about Daddy Alfred? I said I'm sorry already, Alex! Pwede b'ang kalimutan na natin iyon.” Nanatili lang siyang nakatitig sa asawa. Thank God, it was just a nightmare.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD