CHAPTER 15

1319 Words
Alexandra feels uncomfortable. Kagabi pa siya walang maayos na tulog dahil hindi mawaglit sa isip niya ang panaginip niyang iyon. Mas lalo tuloy siyang nakakaramdam ng kakaiba sa asawa niya. Pakiramdam niya ibang tao ang kasama niya and it was so strange. Hindi niya alam kung dala lang ba iyon ng pagtataksil nito sa ka'nya kaya niya nararamdaman or there's something more. Magulo, hindi niya maipaliwanag. Ayaw sana muna niya itong nakikita o nakakasama but he was her husband, at sa isang bahay lang sila umuuwi, sa isnag kwarto lang sila natutulog kaya paano niya gagawin iyon. Katulad ngayon, ayaw niya itong makita but she don't have a choice. Inutusan kasi siya ng Daddy niya nang bumisita siya sa bahay ng mga magulang niya. Her Dad ask her na ibigay sa asawa niya ang mga paperworks na pinirmahan nito. Nakalimutan naman niyang ibigay iyon kagabi at ngayon lang niya naalala dahil nasa bag niya iyon. Nasa tapat na siya ng building ng ACC nang mapansin ng paningin niya nag pamilyar na matanda. Nakaupo lang iyon sa labas ng building sa tabi ng hedges na halaman na may bahagya lang lilim. Ito rin ang matandang babae kahapon na inabutan niyang kausap ng asawa niya sa opisina nito. Humihingi raw ito ng tulong kaya naroon. Kung ganoon ay baka hindi pa ito natutulungan ng asawa niya kaya narito pa rin ang matanda hanggang ngayon. Nakaramdam siya ng awa para sa matanda kaya naman umibis siya sa sasakyan at tinungo ang kinaroroonan nito. “Magandang araw, nay,” magalang niyang bati. “Hindi ba kayo po ang kausap ni Ed, kahapon sa opisina?” usisa niya rito. Tumingin naman sa kanya ang matanda at bahagya pa siyang tinitigan bago ito ngumiti. Matanda na nga ito base sa kulubot nito sa mukha. Mukha na rin itong hirap maglakad at medyo nakayuko na. Hindi tuloy niya maisip kung bakit at paano pa nito nakuhang lumuwas sa Maynila. “Ako nga ineng,” nakangiting tugon nito. “Hindi ba't ikaw iyong dumating kahapon, aba'y kinagagalak kitang makilala. Ang gandang bata mo pala!” “Po? Ay... hindi naman po, Nay! Ako po pala si Alexandra, asawa po ako ni Edward, ano ho bang maitutulong ko sa inyo Nay? Busy ho kasi ang asawa ko kaya siguro hindi pa rin kayo maasikaso,” pagpapakilala niya sa matanda. Bumadha naman ang gulat at pagtataka sa mukha ng matandang kaharap. “A-asawa ka kamo nino?” bakas sa boses ng matanda na nagulat talaga ito. “Asawa po ni Edward Martinez, nay, iyong kausap n'yo kahapon at hinihingian ng tulong. Ito ho pala ang calling card ko, kung may kailangan ho kayong tulong ay sa akin na po kayo lumapit.” Inilagay niya sa kamay ng matanda ang kapirasong papel at ramdam niya ang bahagya nitong panginginig. “A-asawa ni Ed-wardo kamo?” ulit pa nito. “Edward, po! Pero kung Edwardo po ang tawag ninyo sa ka'nya sa San Martin, opo asawa po ako ni Edwardo,” nakangiti pa niyang saad, at ganoon na lamang ang pagtataka niya nang matutop ng matanda ang bibig at mabilis na nagpaalam sa ka'nya. Ni hindi na nito nakuhang lumingon man lang kahit tawagin niya. Labis man ang pagkakataka niya ay ipinagkibit balikat na lang niya iyon at tinungo ang opisina ng asawa at ibigay rito ang sadya niya. “I saw the old woman outside the building Ed, iyong kausap mo kahapon! She looks tired and exhausted, akala ko ba tinulungan mo na siya. I wanna offer her my help pero bigla na lang siyang magmadaling umalis,” saad niya sa asawa na napatigil bigla sa ginagawa. “Did she talk to you?” agad nitong tanong. “No, nagpakilala lang ako, then she hurriedly left,” sagot niya. “Are you sure, Alex?” Nagtaka siya sa tanong na iyon ng asawa niya. Kakaiba kasi ang paraan nito ng pagtatanong. “Yes, why? Is there something wrong? Bakit kasi hindi mo muna unahin iyong kababayan mo na kailangan ng tulong, it wont take an hour to hand her a help. Matanda na iyong tao, Ed. Kawawa naman,” lintanya niya. “Yes, I know sweetheart, pero hindi ba sinabi ko na rin sayo na hindi ka dapat nakikipag-usap sa mga kababaryo ko. Lalo na mga taga San Martin. I told you before what they up to, right?” anito. Nagkibit-balikat na lang siya. Mukha namang hindi manggagantso ang matanda. Isa pa mukhang kailangan talaga nito ng tulong. She won't sit there and waited outside for long if she don't need a help. “Ok, if you said so!” Matapos niyang magmeryenda sa opisina ng asawa ay nagpaalam na rin siya. Hindi na siya bumalik sa opisina dahil wala na siya sa mood magtrabaho ngayong araw. Kaya naman naisip niyang tawagan ang kaibigang si Maddy. “Hey, Madz! Wanna have some coffee?” bungad niya sa kaibigan nang sagutin nito ang tawag niya. “Pwede naman, hmmp... akala ko nakalimutan mo na ako,” sentimyento nito sa kabilang linya. “Hahah, pwede ba naman 'yon? You're my one and only best friend, gusto ko na ngang kalimutan ka, but unfortunately...” “Grabe ka naman, Alex. Natututo ka ng maging maldita ha!” Muntik na siyang matawa sa sinabi nito. Kahit kailan talaga pikonin. “So, saan tayo ha?” “Meet me there at the Dreame Cafe, then let's party after coffee,” tugon niya. “Wow! I like it... I know a new place where to party. I'm sure magugustohan mo!” saad nito na iniyabang pang may bago itong alam na lugar. Tawang-tawa si Damon sa sulok matapos makita ang mukha ng waitress na siyang kumukuha at nag-se-serve sa kanila ng mga kaibigan niya matapos umorder si Gonzalo ng moist cake. Alam niyang walang moist cake sa bar na ito dahil madalas na siyang nandito magmula ng makita niya na nandito ang babaeng itinitibok ng puso niya. “Hoy tumigil ka nga sa kakatawa r'yan! Feeling happy ka? Para kang retarded!” saway sa ka'nya ng katabing si Hale. “Eh sa natatawa ako, pakialam mo ba? Hindi na nga kita pinakikialaman sa mga trip mo, JERICHO!” sagot niya na idiniin pa nag huling kataga. “Jericho?” takang sabad naman ni Primo na kasama rin nila. Kasalukuyan silang umiinom sa Stary Hub. “Yes, Jericho, akalain mong pinagkamalan na nga siyang asawa doon sa party, pinagkamalan pa siyang si Jericho?” halos hindi na mapigil ang tawang saad niya. “Sinong Jericho?” tanong pa ng isang kasama nila. “Tangina mo naman, Zanjo! Ang tagal mo ng tao sa Pilipinas, hindi mo pa kilala si Jericho samantalang ako kakarating ko lang kilala ko!” Kilala niya talaga dahil sinearch pa niya sa Google kung sino si Jericho Rosales, at medyo may anggulo nga itong kahawig ng impaktong si Hale, kahit na ang gulo nitong tingnan. “Sorry, I'm not into celebrities, si Aljur Abrebica lang ang kilala ko dahil madalas akong masabihan ng mga babae ko na kamukha ko raw iyon! Palibhasa kasi wala kang kamukha!” “Original kasi itong face ko, walang katulad!” “Manahimik ka na nga! Demonyo ka talaga! Bwesit ka!” mura ni Hale na halatang hindi gusto na ikinukumpara siya sa kahit na sino. Di hamak na mas GWAPO naman daw ito sa Jericho Rosales na iyon dahil tiningnan din nito sa Google, bwesit kasing wirdong babae iyon, pauso! “Ayuko rito Maddy, umuwi na lang tayo!” pigil ni Alex sa kaibigan matapos silang makarating sa Bar na sinasabi nito. Bigla siyang kinabahan pagkakita pa lang niya sa pangalan ng lugar. STARY HUB! “Ano ka ba Alex, I thought you wanna party? There!” “Sa iba na lang Maddy, please! Ayuko r'yan!” pagtutol niya. “Why? Nakapunta ka na ba rito? Owww... emm... geee, Alex? Dito ka nagpunta the last time they saw you?” exaggerated nitong sabi. At tumango na lang siya. Akala niya ay ok na at payag na itong umalis sila pero hindi pala nang hatakin siya nito papasok sa loob. Wala na siyang nagawa kundi ang magpakaladkad na lang sa best friend niyang hitad. Huwag lang sanang magkrus ang landas nila ng lalaking hubad na nasumpungan niyang katabi niya sa hotel suite.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD