CHAPTER 16

1438 Words
Gininaw siya pagpasok nila ni Maddy sa loob. Agad siyang napayakap sa sariling katawan dahil sa black bodycon sleeveless lamang ang tanging suot niya. Nakalimutan niyang suotin ang ternong blazer top niyon na naiwan niya sa sasakyan. “Wait Madz, I forgot my top. I'll get it in the car,” paalam sana niya sa kaibigan pero hindi siya hinayaan nitong makalabas. Mukhang diskumpyado pa sa ka'nya ang gaga. “Nope! Just stay here Alex, saka ano ka ba naman isusuot mo pa talaga iyong corporate attire mo rito sa Hub? Come on ghurl, we're here to party, 'di ba? Hindi tayo a-attend ng business conference. For Pete sake! Have some swag,” litanya nito sa ka'nya habang hatak siya sa counter. Nakita niyang sumenyas si Maddy sa bartender na naroon at ilang minuto lang ang lumipas ay may dalawang ladies drinks na ang nasa ibabaw ng counter sa harapan nilang dalawa ang ipinatong ng magandang waitress. “Enjoy your drinks ma'am,” magiliw nitong sabi. “Alondra! And'yan na pala si Gonzalo, e. So, paano ba 'yan edi kompleto na ang gabi mo,” narinig niyang biro ng katabi ng babaeng nag-serve sa kanila. Hindi rin nakatakas sa ka'nya ang pamumula ng mukha ng babaeng nasa harap nila. Nahihiya pa itong ngumiti sa ka'nya nang mapuna nitong nakatingin siya. “Hey... get your drinks.” Siniko siya bigla ni Maddy na kung saan saan na lumilipad ang mga mata. “Don't tell me, Alex, na tititigan mo lang iyang baso! We're here to party, ok! Masyado ka nang nagpapakasubsob sa trabaho. Let's chill, ok, party! And there is no party without drinks. Come on...” Pagpipilit nito sa ka'nya. Ito pa mismo ang naglagay ng baso sa kamay niya. Maddy didn't stop until she take a sip. Napangiti siya pagkatapos. Hindi naman pala ganoon kasama ang lasa katulad ng nasa isip niya. Unlike the drinks she take before. Kulang na lang masunog ang lalamunan niya roon. At hindi lang iyon, talagang muntik na siyang mawala sa katinuan dahil sa alak na iyon, whatever is the name of that drink. Kakaubos pa lang niya nang may panibago na namang ilapag sa harapan niya. And there is Maddy smiling like a devil beside her. “Try that Alex, that's Blue Lagoon.” She just rolled her eyes bago iyon tikman. Alam niyang kahit tanggihan niya iyon ay hindi rin siya tatantanan ni Maddy kaya no choice rin siya kung hindi i-try iyon. She take a small sip... “Hmm... taste nice! What is it?” inosenteng tanong niya na hindi na namalayan na iniinom na niya iyon na parang juice. It serves as on the rocks in a highball glass. “That was Blue curacao with vodka, Alex. That was a nice drink to start a party,” dinig niyang sabi nito. She finished her first glass and enjoyed it. Until it becomes two... three and so on. Nawala na sa tabi niya ang kaibigan. At nang hanapin niya ito ay busy na ito sa pakikipagsayaw sa isang lalaki. And she's not the kill joy type of friend. Hinayaan na lang niyang mag-enjoy ang kaibigan. Isa pa hindi na naman maganda ang pakiramdam niya, kasalukuyan na namang umiikot ang paningin niya dahil sa dami ng nainom. Mukhang hindi talaga para sa ka'nya ang mga ganitong klaseng bagay. Her system can't even tolerate a delicious drinks. Mukhang pang table wine at juice nga lang yata talaga siya. Umiikot ang paningin niya at nakakaramdam na siya ng pagbaliktad ng sikmura. Kaya naman tumayo siya ang naglakad palayo sa counter. She wants to throw up so, she hurriedly look for the restroom. Ngunit tila umurong ang suka na gusto niyang ilabas nang makita ang pamilyar na bulto sa tapat mismo na restroom na balak niyang puntahan. Two people, kissing each other intensely was on her way to the restroom. And one of it was Ed. Yes she couldn't be mistaken him for different person. It was Edward, her f*****g husband. Parang hinigop ng kung anong pakiramdam ang hilo na kanina lang ay nararamdaman niya. She stood there, unmoving. Nakagat na lang niya ang pang-ibabang labi habang walang nakurap kurap na napapanood ang dalawang tao na halos mag-make out na sa harap niya. Akala niya makakaya na niyang tanggapin ang ganito. Akala niya purki alam na niya na babaero at nagluko ang asawa niya ay hindi na siya maaapektuhan sa mga ganito. Akala niya hindi na ganito kasakit. Then why? Why there is a f*****g tears coming from her eyes. Na tila nag-uunahan pa ang mga iyon sa pagpatak. Her chest still clenched in pain and it was suffocating her. She finally admit! Masakit pa rin pala... masakit na masakit pa rin. Tumalikod siya bigla nang mag-agwat ang mga ito. It has to end, pero bakit hindi niya alam kung paano iyon wawakasan. Tumakbo siya palayo, as if may magagawa at matatakasan niya ang katotohanang nasaksihan. Na hanggang ngayon niluluko at tanga pa rin siya. Na hanggang ngayon pinapaikot pa rin siya nito. At ang mas masaklap nasasaktan siya dahil alam niyang tatanggapin pa rin niya ito. Tuluyan na siyang lumayo at wala sa sariling tumakbo palabas ng Hub. Her vision was blurry sanhi ng sari-sharing emosyon na nararamdaman niya, samahan pa ng hindi maampat na luha at nang kalasingan. She walked straightly to the road, unaware at the red light blinking on the street sign. “f**k!” Damon shouted in fear when he saw Alexandra Alonzo walking like a freaking robot towards the crossroad. It was f*****g red light for f**k sake! Kanina pa niya ito pinagmamasdan nang pumasok ito kasama ang best friend nitong si Maddy. Nawala lang ito saglit sa paningin niya nang kulitin siya ni Hale. At nang makita niya ito at ang dahilan kung bakit ito tumatakbo palabas ng Stary Hub, parang gusto niyang patulugin sa suntok ang asawa nito na nakikipaglandiian sa ibang babae. How dare that insolent liar cheated on his wife. Ang kapal ng pagmumukha ng lalaking iyon na saktan ang babaeng halos sambahin na niya ang nilalakaran noon. Kung alam lang niya na ganito ang gagawin ng hayop na lalaking ito sa babaeng minamahal niya sana hindi na lang siya nagpaubaya. Sana sinubukan niyang magpakilala, sana sinubukan man lang niyang agawin ito. She wouldn't be this hurt kung hindi lang siya naging mahina at torpe noon. Hindi sana sinasaktan ng kung sino lang ang babaeng mahal niya. If he could only turn back time... “God!” saad niya habang yakap sa bisig niya ang babae. Punong-puno ng kaba at takot ang dibdib niya. Muntik na itong masagasaan. It was so near, it was so f*****g near... at takot na takot siya. “Take me away... please,” mahinang saad nito. She was sobbing in his chest. Ang mga kamay nito ay nakapatong lang sa dibdib niya. “I will,” desidido niyang tugon. Hindi siya nagdalawang isip na pangkuin ang babae. Alam niyang lasing ito, wala sa wisyo at nasasaktan. He also feels her pain. He feels it double. Tinungo niya kung saan nakaparada ang kanyang Porsche Panamera. Nang marating iyon ay itinukod niya ang paa sa step ng sasakyan at pa-simpleng kinuha ang susi sa bulsa niya at pinindot iyon. Hindi na niya inabala pa ang sarili na ibaba ang babae. Ayaw niya dahil baka bigla pang magbago ang isip nito. Pagkakataon na niya ito na mapalapit sa babae and he won't let any chances go like what he did before. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at maingat na inilapag ang babae sa loob niyon. Pagkatapos isuot dito ang setbelt ay mabilis niyang tinakbo ang driver's set. Katamikan ang namayani sa kanila bago niya pinausad ang sasakyan. “Where do you want me to take you?” tanong niya. He feels awkward and excited at the silence between them. “It's up to you! Take me anywhere... I don't care! Just take me away,” saad nito at bigla na namang naging emosyonal. Bumuhos na naman ang luha sa mga mata nito na kanina ay tumigil na. His heart clenched in pain seeing Alexandra hurting this way. Pakiramdam niya kasalanan niya iyon. He was livid, hindi na niya namalayan ang pag-ingting ng panga niya sa galit. Nasasaktan siya sa bawat luhang pumapatak sa mata nito. Nasasaktan siya dahil alam niyang hindi para sa ka'nya ang mga luhang iyon. They both in silence, tanging mga hikbi lang nito ang maririnig sa loob ng sasakyan niya. Mga hikbi na nagpapasidhi lalo ng galit at pagnanasa niyang angkinin ang babae para sa sarili niya. Alexandra Alonzo, doesn't deserves this kind of pain. And he will take her away from this affliction... He will take her, no matter what it cost.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD