CHAPTER 17

1451 Words
Damon, gritted his teeth while looking at Alexandra Alonzo, intently. Nakatitig lamang siya sa babaeng walang humpay ang pag-iyak. He wanted to embrace her but he reign himself. Ayaw niyang samantalahin ang kahinaan nito. Ayaw niyang samantalahin ang kalungkutan at kasawiian ng babae para lamang mapalapit sa kaniya. He grabbed some grass on the open field where they are sitting. Ilang oras na silang nakaupo roon at ilang oras na rin ito sa walang humpay na pag-iyak. Hindi na niya alam kung ilang beses na siyang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Hindi na rin niya alam kung ilang beses na niyang minura at pinatay ang lalaking sanhi ng pag-iyak ni Alexandra sa kaniyang isip. He wanted to throttle that bastard's neck. He wants to erase that man's existence. Kaya niyang gawin iyon, kahit ngayon din mismo. Pero sa nakikita niyang pag-iyak ni Alexandra para sa walang kwentang lalaking iyon, nangangahulugan lang ng kung gaano ito kamahal ng babae. And it f*****g made him stopped himself to do something that he might regret after. Umiiyak si Alexandra dahil nasasaktan ito, at nasasaktan ito dahil mahal nito ang taong iyon. And the truth is still hurts. His chest was still clenched in pain seeing the woman he wanted ever since cried for a wrong person because he knows, he know that it should be him. Gusto niyang aluin ang babae, hawakan ito at patahanin. Umangat ang mga kamay niya sa ere papunta sa balikat nito ngunit huminto iyon at agad niyang binawi bago pa man iyon lumapat doon. Naputol iyon nang bigla itong tumunghay mula sa pagkakatalungko sa sarili nitong mga tuhod. Marahil ay nangalay na ito sa posisyong iyon at maging sa pag-iyak. Nakita niyang nagpahid ito ng mga luha kaya't ibinaling niya ang paningin sa unahang dereksyon. “What have I been doing wrong to deserve this?” anito habang nakatingin sa kawalan. "You have done nothing wrong. You just chose the wrong guy.” Hindi niya alam kung siya ba ang tinatanong nito o gusto lang nitong ilabas ang saloobin pero sumagot siya, at huli na bago pa niya na-realize kung anong lumabas sa bibig niya. “Did I?” muli nitong tanong, and this time nakatuon na ang mga mata nito sa kaniya. Ang mga mata nitong nangungusap na tila ba kaya kang dalhin sa ibang deminsyon. Ang mga mata nitong nakapanlalambot kung tumingin na dahilan kung bakit palagi siyang natutulala at nawawalan ng lakas ng loob upang magtapat ng matagal na niyang saloobin. Her eyes... her f*****g hazel brown eyes. “I-I'm sorry, I d-didn't mean the interruption—” “No! It's ok, Mr—” “D-damon.” Kulang na lang ay kutusan niya ang sarili. Hanggang ngayon ba naman? He still stutter in front of this woman. “You think so, Damon? Did I really chose the wrong guy?” deretsong tanong nito sa kaniya. Gusto niyang sumagot ng pabor sa kaniya pero iba ang lumabas sa bibig niya. “You're the one who could tell that. Not a random guys out there, not your friends, not even your family. It's only you,” seryosong saad niya, kahit na ang totoo gusto na niyang sabihin at ipamukha sa babae na mali ang lalaking minahal at pinili nito. But on the other hand naisip niya. Sino nga ba siya para sabihin iyon? Kung sasabihin ba niya na siya ang naglalagay ng mga bulaklak na iyon at gumagawa ng mga tulang iyon, may magbabago ba? Makasisiguro ba siya na makukuha niya ang pag-ibig nito. Makasisiguro ba siya na mamahalin siya nito. “I didn't know Damon, I know I love him because it hurts. It hurts me seeing him cheating on me, again! It f*****g hurts!” Hindi na niya napigilan ang sariling lapitan at yakapin ito nang mag-hesterya ito at pagsusuntukin ang d**o sa harapan nito. Hinawakan niya ang magkabila nitong kamay at niyakap ito nang mahigpit mula sa likuran. His jaw was on the top of Alexandra's head, stopping her from hurting her self. Napapikit siya ng mariin, pinipilit niyang iwaksi ang galit na nag-uumpisa nang lumamon sa sistema niya para sa walang kwentang lalaki na iyon. That f*****g impostor cheated on Alexandra, not just once. Akala niya ay ngayon pa lang nito sinaktan ang babaeng mahal niya. Nagkamali pala siya, matagal na pala nitong ginagago ang babae. Sabagay ano nga ba ang alam niya? He was f*****g gone for five years. And that five years wasn't long enough to forget his love for this woman. Sa loob ng limang taon pinigilan niya ang sarili na alamin kung anong buhay mayroon ang babae. Pinigilan niyang makita o puntahan ito, pinigilan niyang magkaroon ng balita tungkol dito. Ni kahit ang basahin ang nilalaman ng business magazine na ito ang cover ay hindi niya magawang tingnan dahil duwag siya. Naduwag siyang malaman na masaya ito kasama ang pinakasalan nito. Naduwag siyang alamin na baka nagka-anak at may masayang pamilya na ito habang siya, nabubuhay sa lungkot at pag-iisa. “Ano ba ang kasalanan ko? Bakit ginawa niya sa'kin to?” He hugged her even tighter, nais niyang maramdaman nito kahit sa yakap man lang niya kung gaano niya ito kamahal. “Why do I still not enough?” “You're more than enough for me, Alexandra. You're more than enough!” Nais niyang i-sigaw, pero tila napipi na naman siya. Hinayaan na lamang niya itong umiyak sa mga braso niya. Nanatili siya sa likuran nito habang yakap nito sa gitna ng malawak na parang. Malamig ang hanging tumatama sa kaniya ngunit tila tinatangay lang iyon palayo ng init na nagmumula sa katawan ng babae na yakap niya. Ang bawat iyak nito ay parang panaghoy at patalim na tumutusok sa puso niya. Ang bawat mga luhang pumapatak palabas ng mga mata nitong noon ay masaya ay tumutupok sa pagtitimpi niya. Ang mga hagulhol nito na puno ng pait ay ayaw niyang marinig. He stopped writing poems, tandang tanda pa niya ang araw na iyon. Iyon ay ang araw ng kasal nito sa lalaking umako ng mga akda niya para sa babae. His last masterpiece was his treasure. Nanatili lang si Damon sa ganoong pwesto. Wala siyang pakialam kahit mangalay pa lahat ng parte ng katawan niya. Wala siyang pakialam kahit magmukha siyang upuan na sandalan nito. Ang mahalaga makatulong siyang maibsan ang bigat ng dinaramdam nito. Hindi na niya alam kung gaano na katagal. Ang alam lang niya ay naka-kulong ito sa mga bisig niya na parang pag-aari niya ito. Yakap pa rin niya ito, at yayakapin pa rin kahit abutin pa sila ng umaga roon. Alam niyang safe naman doon dahil nasa Alder Street lang naman sila, pinakadulong bahagi na iyon ng South Ridge Village at may malawak na open field doon na tanaw ang ilaw sa malayong Siudad. Sa gawing kaliwa at may mini forest na hindi niya alam kung man made ba, o totoong gubat talaga. May mga Fine trees kasi at Oak trees siyang natanaw ng minsan siyang mag-jogging sa gawing iyon. Alam niyang malalim na ang gabi. At sumasabay sa huni ng mga kuliglig sa mga puno at damuhan ang bawat hikbi ng babaeng nakakulong sa yakap niya. Ramdam na niya ang pamimintig ng hita niya ngunit wala siyang balak gumalaw. Sapat na ang mga hikbi nito para kayanin niyang magtiis para sa babae. Gusto niya itong ilayo sa sakit. Gusto niya itong angkinin para sa sarili niya. Kung pwede lang sana, kung pwede lang. Isang oras pa ang lumipas nang maramdaman niyang gumaan ang pagkakasandal nito sa kaniya. Tila panatag na ang katawan nitong nakadikit sa kaniya. Lumupaypay na rin ang mga kamay nitong kanina ay tila nilalabanan ang pagkakahawak niya. Mga mahihinang pag-sinuk na lamang ang naririnig niya sa babae. Lumuluha pa rin ito ngunit hindi na iyong kasing dami ng nauna. Napangiti siya nang masiguradong nakatulog ito sa mga bisig niya. If he could only freeze the time, he will gladly do. Inayos niya ito at bumwelo na siya sa pagtayo. Buhat na niya ng tuluyan ang babae at maingat ang bawat hakbang niya papunta sa sasakyang nakaparada sa di-kalayuan. Maingat din niya itong inilapag sa driverseat at nilagyan ng protection. Habang kinakabit pa nga niya ang belt sa katawan nito ay hindi niya maiwasang titigan ng malapitan ang maganda nitong mukha. Lalo na nang bumaba ang paningin niya sa mga labi nito, abot-abot ang pagtitimpi niya na huwag itong halikan dahil kapag inumpisahan niya iyon. Hindi niya maipapangako kung kaya pa niya iyong ihinto. He just give her a peek on her forehead. Siguro naman ay hindi na iyon masama. Mabilis siyang sumakay at pinausad ang kaniyang sasakyan. It's getting late and they both need to rest.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD