"Arggh!" sigaw niya habang hawak ang buhok niya at sinasabunatan ang sarili due to so much frustrations. Damn! Bakit ba hindi mawala sa isip niya ang nangyaring iyon? Ang lalaking iyon! Its been a week pero hindi pa rin siya nito pinatatahimik pati ng konsensya niya. Pakiramdam niya ay wala na rin siyang pinagkaiba sa taksil niyang asawa.
"Ma'am, anong nangyari sa inyo? Ok lang po ba kayo?" tanong ng sekretarya niya na ngayon ay nasa harapan na niya.
"Huh?" takang sagot niya.
"Sumigaw po kasi kayo, Ma'am. Dinig na dinig po sa labas. Akala ko kung napano na kayo kaya tumakbo agad ako papasok dito sa loob ng office. Ok lang ba kayo, Ma'am Alex?" her secretary seems so concerned to her.
"O-ok lang ako, salamat," malumanay na aniya rito.
She tsked, gano'n ba kalakas ang sigaw niya kaya nagpanic ito at inakala na may nangyari sa ka'nya. Dyos ko, mababaliw na talaga siya sa kakaisip. Konti na lang masisiraan na talaga siya.
Paglabas ng sekretarya niya ay siya namang pagpasok ng kaibigan niyang si Maddy. Nakasimangot ang maganda nitong mukha.
"Seriously, Alex? Tell me, may dapat ba akong malaman?" bungad nito sa kanya habang nakahalukipkip ang mga braso nito sa harapan.
"Ano bang sinasabi mo riyan," balik tanong niya rito.
Huminga ito nang malalim at tumingin nang deretso sa kanya. "I'm just being a good bestfriend here, duh!" anito pagkatapos umupo sa visitors chair sa harap niya. "So, what's up, I've heard you'd been in the Hub last week?"
"You've heard?" kabadong tanong niya rito.
"Yes, some friends told me that they saw you at the Starry, last week!" ulit nito.
Tumango lamang siya bilang sagot. Damn her heart, bakit ba siya kinakabahan sa tanong nito. Ano naman kung nag-club siya.
"Kailan ka pa natutong mag-club, Alex huh? At hindi mo talaga ako sinama? Pa'no kung may masamang nangyari sayo r'on?"
"I'm fine, Madz! Kita mo naman oh buong-buo ako, no more worries ok!" nakangiting sagot niya rito.
"Yeah! Ok, if you said so, pero next time naman na magka-club ka, isama mo naman ako. Nagsosolo ka eh! Nakakatampo kaya, you know naman that I love club'n," nakangusong sambit nito sa ka'nya.
"Ok! Copy that!"
Iyon ay kung may next time pa, kung magka-club pa ba siya pagkatapos ng kagagahang ginawa niya. Ayaw na niyang bumalik sa club at magpakalasing. Ayaw na niyang bumalik doon at baka mamaya ay magkrus pa ang landas nila ulit ng lalaking iyon. Hindi niya alam ang gagawin niya pag nagkataon. Baka mahiling na lang niyang lamunin na siya ng lupa. She's so careless and stupid! Baka pag nalaman ni Maddy ang kabaliwang ginawa niya ay mahimatay ito sa pagkabigla. Wala sa itsura niya ang inasal niya sa bar na iyon. She is known as a conservative woman, a respected boss of her own business. She is regretful for her action, but still deep inside her, there was a moment that she'd never regret.
"How's your date nga pala?" siya naman ang mag-iinterrogate sa kaibigan. Last week pa ang date nitong iyon at ngayon lang ito nagpakita sa kanya. Ni hindi man lang din ito nagkwento kahit sa telepono.
"Ha... ah, e.. ok lang naman! We're done to each other and parted our ways," nakangising saad nito.
"What? Why?" takang tanong niya. Last week lang blooming na blooming ito at in love na in love ang itsura tapos ngayon may pa-part ways pa itong nalalaman.
"Biniro ko lang naman ang mokong na iyon na bilhan n'ya ako ng lote sa South Ridge, aba nang-ghost ang gago. Akala ata isa akong hampaslupa, the nerve!"
Muntik na niyang malunok ang sariling laway dahil sa sinabi nito. Mukhang sinapian na naman ng ka-abnormalan ang kaibigan niya.
" Bakit mo naman kasi biniro ng gano'on iyong tao, Maddy?" seryosong tanong niya.
"Aba natural, sa panahon ngayon we should be very careful. Hindi na lang babae ang naghahanap ng sugar daddy ngayon. Kahit lalaki naghahanap na rin ng stable na makakapitan! And I won't let any man use me and my money, pft duh. They can use my body but not my money, honey," humagikgik pa ito na parang malanding impakta.
Naumid siya bigla sa sinabi nito. Naalala niya bigla ang sinabi noon ng mga magulang niya nang sabihin niya na magpapakasal siya kay Edward.
"My God, hija. Listen to us please baby. We only want the best for you," mangiyak-ngiyak ang Mommy niya nang sabihin iyon.
"But Mom! I love Edward, he is a nice man," pagtatanggol niya rito.
Her father was against them, dahil hindi raw siya nababagay sa katulad lang ni Edward. Ni wala man lang ito sa kalingkingan ng mayroon ang pamilya nila. Pero dahil mahal na mahal niya ito ay sinuway niya ang mga magulang niya. Nagpakasal pa rin siya sa lalaking iyon.
Ibinigay niya ang lahat ng tulong na kaya niyang ibigay kahit tutol ang mga magulang niya. Sinikap niyang makamit nito ang pangarap nito matapos makapagtapos gamit ang pera niya. Tinulungan niya itong magkaro'on ng pwesto sa kumpanya ng ama niya ng sa gano'on ay hindi nito maramdaman na hindi ito kabilang sa mundong ginagalawan niya. And Edward seems enjoying the privilege.
She even bought him a Lamborghini Hurucan as a birthday gift.
Mapakla siyang natawa dahil sa mga bagay na unti-unti ng lumilinaw sa kanya.
"Hey, Alex! Are you still listening?" untag ng kaibigan sa kanya.
"Ahm... yah! Of course I do." Tumayo siya at ngumiti. Pagtapos ay isinalansan ang mga papel na nagkalat sa harapan niya.
Bigla niyang naalala ang home owners meeting at ngayon pala ang schedule niyon.
"Oh, saan ka pupunta?" tanong nito sa kanya, pero sa halip na sagutin ay sa intercom siya nagsalita.
"Beatriz, cancel all my appointments today I have an important meeting at South Ridge."
"May meeting ka sa Village?" tanong ng kaibigan ng maibaba niya ang intercom.
"Yup! And I'm kinda late, better be hurry. Let's talk later, Maddy. Have some coffee with me at Dreame Cafe," yaya niya rito.
Tumango lamang naman ito at ngumiti. Pagtapos at sabay na silang bumama sa lobby at dumeretso sa parking lot ng building niya sa Global City.
Kumaway pa siya sa kaibigan bago sumakay sa sasakyan. And speaking of her car. Mabuti na lang at walang nag-interes dito ng maiwan niya sa Starry Hub ng buong magdamag. Inabot pa ito ng maghapon dahil pinahanap pa niya ang place dahil wala naman talaga siyang ideya kung saan siya napadpad ng gabing iyon.
Pinilig niya ang ulo dahil ayaw niyang may maalala na naman ang utak niya. Pinipilit na niyang kalimutan ang bagay na iyon. Agad niyang pinaharurot ang Black Rolls Royce at binagtas ang pauwi sa South Ridge.
Nang makapasok sa village ay sa clubhouse na siya dumiresto instead na dumaan pa sa bahay at magpalit ng damit.
Alex was wearing a white Hermes corporate dress with a black Armani Exchange Blazer top. Lumalagutok ang bawat hakbang na ginagawa ng suot niyang Prada high-heels habang papasok sa clubhouse lounge kung saan tanaw na niya ang iba pang miyembro ng Home Owners Association. May iilan nang naka-upo sa orange leather seat na naroon. Tanaw rin niya ang kapitbahay at kakikilala pa lang na si Pepper na nakapwesto sa kabilang bahagi, pero hindi niya nagawang ngitian ito dahil mukhang wala ito sa mood.
"Good afternoon," magalang at malumanay niyang bati. Agad naman nagliparan ang tingin sa kanya ng ilang tao na hindi kabilang sa meeting na iyon, ngunit hindi na niya iyon pinagtuonan ng pansin.
"Pasensya na kayo, hindi talaga makakadalo so Zanjo sa party bukas. Hindi na rin ako dadalo... alam n'yo naman kung nasaan ang asawa nandoon din tayo," nakatawang saad ni Pepper.
Napangiti na lang rin siya kahit ang totoo at hindi naman talaga iyon ang gusto niyang gawin.
Ang totoo bigla siyang nakaramdam ng inggit sa kapitbahay. She looks so in love and happy with her husband, kaya kung nasaan ang asawa nito ay dapat naroon din ito.
Hindi katulad niya, mag-isa. Nasaan nga ba ang asawa niyang magaling? Nag-ienjoy sa business trip kuno kasama ang sekretarya nito. At kahit gustohin man niyang puntahan at sundan ang mga ito ay wala siyang sapat na lakas ng loob na gawin at maharap sa eskandalo.
ALEX bite her lips because if she didn't her tears will blown up in front of these peoples.