Kabanata 23

3532 Words
Nagtinginan ‘yung mga kasama namin sa bangka at pansin kong madaling naglaho ‘yung pagdududa sa mga mukha nila.  Dahil mukhang na-sales talk na sila ni Dax, naupo na lang sila nang tahimik sa bangka na para bang walang nangyari. Nalaglag ang panga ko nang siksikin pa nila kaming dalawa kaya nagkadikit lalo ang mga katawan namin.  “Hindi biro ang kasal, iho... iha. Mukhang mga bata pa kayo kaya normal lang mag-away paminsan-minsan pero dapat ang away mag-asawa pinaguusapan hindi tinatakbuhan.” Imbes na matuwa sa komentong narinig ko ay mas nainis lang ako. Anong alam nila sa aming dalawa ni Dax para mangielam? Hindi naman sila ‘yung nasaktan kaya madali lang nila ‘tong nasasabi. Kung sila ang nasa pusisyon ko, baka hindi lang paglayo ang gawin nila. Baka nga wala pang kasalang mangyari. Nag-ipon ako ng hangin sa bibig at para bang sasabog sa inis nang magsimulang umandar ang bangka. Mukhang hinayaan na talaga nilang sumama si Dax sa amin dahil lang sa asawa ko siya! Hindi ako tumitingin sa kanya. Humalukipkip ako at pilit lumayo dahil nagdidikit ang mga braso namin. Kahit na wala na akong iuusog pa ay sige pa rin ako sa pagbibigay ng distansya sa pagitan namin. Bahala na kung mahulog ako. Tutal dito naman ako magaling - ang mahulog at masaktan nang paulit-ulit. Pero syempre napasinghap pa rin ako nang isang usog ko pa’y na-out of balance na ako. Napapikit ako at inihanda na ang sarili kong bumagsak sa dagat nang mabilis akong nahawakan ni Dax sa braso. Hinila niya ako at idinikit sa kanyang katawan kaya tumama ang mukha ako sa dibdib niya. Nanlaki ang mga mata ko, hindi ko alam kung dahil sa pagkagulat kaya parang hihiwalay ‘yung puso ko mula sa dibdib ko. Nakarinig pa ako ng palakpakan at tuksuhan mula sa mga taong kasama namin sa bangka. Lalayo sana agad ako nang yakapin pa niya ‘ko nang mahigpit. Tyaka ko narinig ang palakpakan ng mga tao sa paligid namin. Aba’t talagang nakuha pa nilang kiligin?! Kung maayos kami ni Dax baka nakisali pa ako sa panunukso ng mga tao. Pero iba ang sitwasyon ngayon. Kailangan niyang maramdaman na hindi simpleng bagay ang ginawa niya. Dahil sa pagkapikon, itinulak ko siya papalayo’t padabog na tumayo. Nag-domino effect tuloy ito sa mga katabi niya. Na tama lang dahil nangingielam sila sa amin. Lumipat ako ng pwesto at naging kaharap ko na lang si Dax. Pero dahil mahaba ang biyas niya, nagdidikit naman ngayon ang mga tuhod namin. Napabuntong-hininga na lang ako bago nangalumbaba. Mabuti’t natigilan sa pagiingay ‘yung mga taong kasama namin at sa wakas ay nakaramdam din. Ayoko na lang sayangin ang bakasyon na ‘to. Kaya ibinaling ko ang tingin ko sa malawak na karagatan at malalaking bato imbes na intindihin ‘yung sama ng loob ko. Dahil sobrang ganda ng tanawin ay dito ko hinayaang mamahinga ang mga mata ko. Napapikit ako nang maramdaman ko ang paghampas ng alon sa bangka namin at nagmistula kaming mga batang hinehele. Hindi ko tuloy napigilan ang pagngiti dahil kahit papaano, nakapagpagaan ng loob ko ang kapayapaan ng paligid. Siguro kung ikakasal man ako sa pangalawang pagkakataon, gugustuhin kong dito iyon ganapin. O kung hindi man dito, sana sa tabing dagat. Kalmado naman na ako... kaya lang nakarinig ako ng pag-click ng camera malapit sa akin. Dahil dito, napadilat ako’t napalingon sa pinanggalingan ng tunog  – saktong naabutan kong nakatutok sa akin ang kamerang hawak ni Dax. It’s a Nikon Coolpix W300 kung hindi ako nagkakamali dahil mayroon din ako nito sa bahay. Oo’t mayaman si Dax pero dahil puro trabaho lang ang inaantupag niya, hindi ko alam na may panahon pa pala siyang bumili ng mga ganitong gamit. Hindi ko rin naisip na magagamit niya ito dahil laman lang siya ng opisina niya. Sinamaan ko na ng tingin si Dax pero panay pa rin ang pag-click niya sa camera. Iniharang ko pa ‘yung kamay ko sa lente niya pero hindi talaga siya nagpaawat. “Stop it Dax! Para kang bata!” Ni-click pa niya ito ng sunod-sunod kaya mas na-bwisit ako. Gusto kong agawin ang camera niya at ibato sa dagat o ‘di kaya sakalin siya para sumama siya rito pero alam kong hindi ko ito kayang gawin. Ayaw niyang tumigil kaya naman gamit ang mga daliri ko’y hinanap ko ang kiliti niya na hindi ko inakalang madali lang dahil natawa agad siya pagdikit ko pa lang ng kamay sa tagiliran niya. Narinig ko ang paghalakhak niya at mabuti nakasuot sa kanya ‘yung camera dahil kung hindi’y nabagsak na ito kakatawa niya. Why does he have to look so adorable?! Pero hindi ako dapat mahulog sa bitag na ‘to! “Hidden Beach!” Pareho kaming natigilan ni Dax at napatingin sa paligid dahil sa isinigaw ng bangkero. Kaya lang kahit dalawang beses nang sinuyod ng mga mata ko ang paligid, puro mga cliffs at malalaking bato lang ang nakikita ko. Parang wala namang kakaiba rito. Tuloy ay gaya ng iba, napatanong din ako sa sarili ko kung nasaan ang tinutukoy nitong Hidden Beach. Natagalan bago ko napagtantong paano nga naman ito magiging hidden beach kung madali lang naming makikita. “Doon sa butas,” biglang nagsalita ‘yung katabi kong lalaki at sinundan ko agad ng tingin ‘yung hintuturo niya. Dumikit pa siya sa akin nang bahagya para mas magkarinigan kami. “Kita mo ‘yon? May butas doon na kailangang pasukin para makarating sa Hidden Beach o Secret Lagoon para sa iba.” Kinagat ko ang ibabang labi ko kasabay ng pagkunot ng noo ko. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinabi niya dahil kung totoo man ito, parang kailangan pang sumisid para makapasok dun sa butas. Hindi ba delikado ‘yun lalo na’t maalon? Tyaka magkakasya kaya rito kahit sino? Narinig ko ang mahinang pagtawa nung lalaking katabi ko. Malalim ang boses niya kaya malalim din ang naging tunog nito. Nang tingnan ko siyang muli, dito ko nahagip si Dax sa gilid ng mata ko. Titig na titig siya ngayon sa amin nung lalaki at madilim ang ekspresyon ng mukha. Ano ngayon ang pakiramdam ng binabalewala’t pinagpapalit sa iba? “I’m Reign Valderrama,” ngumiti ako’t inabot ang kamay ko sa lalaking katabi ko para makipagkamay – at syempre para na rin mang-inis. Looking closely, the man is actually not that bad. Singkit ito at halatang may lahing Chinese. The typical chinito pero mukhang businessman din kaya dapat akong maging maingat. “I’m-” Ipinatong ni Dax ang kamay niya sa ibabaw ng hita ko kaya napakislot ako sa gulat. Pinanlakihan ko siya ng mata pero umangat lang ang magkabilang gilid ng labi niya at para bang naghahamon. Marahan niyang pinisil ang hita ko na para bang naglalambing pagkatapos ay hinalikan niya ito! I pressed my lips together, not sure of what to say. Nakita nung katabi ko ang ginawa ni Dax kaya naman napangiti na lang ito bago ibinaling sa iba ang atensyon. Kaya hindi nito naituloy ang dapat sana’y pagpapakilala sa akin! Pinalis ko ang kamay ni Dax at gaya ng iba, naghanda na ring sumisid para marating ‘yung Hidden Beach. Hindi ko na siya pinansin pa at nagpanggap na para bang mag-isa lang talaga ako. Mabuti na lang may goggles, flippers, snorkel, at life vest kami. Sunud-sunod kaming tumalon mula sa bangka at lumangoy papunta roon sa cliff na itinuro sa akin kanina. Sa pagsisid ko’y namangha ako nang makita ang mga makukulay na isda at iba’t iba pang lamang –dagat. Sobrang linis din kasi ng tubig kaya kitang-kita talaga ang lahat. Ang lakas ng alon kaya nakaramdam ako ng kaba pero dahil mahilig ako sa adventure, mas ginanahan lang din ako sa panibagong karanasang ito. Kahit na magaling akong lumangoy, doble ingat talaga ako dahil unang beses ko pa lang nakarating dito. Kaya lang nang maramdaman ko ang paglapit ni Dax sa likod ko at paghawak niya sa beywang ko, naalarma ako’t inunahan ‘yung dapat sanang papasok sa butas. Nagmadali talaga ako para makalayo kay Dax pero dahil sa pagkilos ko nang hindi na naman nagiisip, sumakto ako sa malakas na alon na naging sanhi ng pagtama ng hita ko sa talim ng mga bato. Mabuti na lang, kahit sobrang hapdi ay nagawa ko pa ring makalagpas mula rito at makarating ng buo sa white shore. Naupo ako sa buhangin pag-ahon at nakita ang sugat na natamo ko dahil sa nangyari. Hindi naman ito malalim pero mahaba ang gasgas. Bubuhusan ko na lang sana ito ng tubig alat para mawala ‘yung kakaunting dugo nang mapasigaw ako sa biglang pagbuhat ni Dax sa akin! “Ibaba mo nga ako!” napatingin ‘yung ibang turista sa amin pero ngumiti lang sila dahil pa-bridal style ang buhat ni Dax sa akin. Akala yata nila’y naglalandian lang kaming dalawa. “Dax, ibaba mo ako ngayon din!” hinampas-hampas ko siya pero hindi siya nagpatinag. Nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga. Nanggigil talaga ako dahil parang wala siyang narinig kaya kinagat ko siya ng mariin sa braso. Pero imbes na mapasigaw siya sa sakit, wala akong narinig o nakitang kahit anong reaksyon mula sa kanya. Wala ba siyang pakiramdam?! Parang mas sumakit pa ‘yung ngipin ko sa ginawa ko. It seemed like he has high tolerance for pain. Kumalma naman ako dahil ako rin ang napagod sa pagmamatigas. Paghinto namin sa isang sulok, dahan-dahan niya akong binaba na para bang babasagin akong dapat ingatan. Kung araw-araw lang siyang ganito, siguradong ako na ang pinakamasayang babae sa mundo. Kaya lang imposible. Baka sa ibang babae ay pwede pa niya itong gawin, pero sa akin ay hindi. Wala akong narinig na kahit ano mula sa kanya pero may kinuha lang siya mula sa bag na dala niya. Nakita kong pagkakataon ko na ito para mang-away pero nahinto ako pagkakita sa inilabas niyang first aid kit. Hindi naman ako bato para walang maramdaman sa pinapakita niyang pagaalala sa akin. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Umirap ako sa kawalan at inilayo ang binti ko mula sa kanya. “Hindi kita kailangan,” naging mapait ang panlasa ko. “Pero kailangan kita…” lumapit siya sa binti ko at may pinahid sa sugat ko na nagpangiwi sa akin. Hindi ko alam kung sadya ‘yung sakit pero nakatulong ito para masagot ko siya. “Oo alam ko. Kailangan mo lang ako.” Natahimik lang siya pero nakita ko ang muling pag-igting ng panga niya. Siguro hindi siya nakapagsalita dahil totoo ang sinabi ko. Pinanuod ko siya ng tahimik habang ginagamot niya ang sugat ko. Nakakataba ng puso pero may kirot din itong dala. Bakit kailangan pa niyang iparamdam ‘to sa akin? Bakit kailangan niyang ipakita na may pakielam siya? Nang matapos siya sa ginagawa ay tyaka lang siya nag-angat ng tingin. Namumungay ang kanyang mga mata nang hawakan niya ang dalawang kamay ko at halikan ang likod ng isa. “I’m sorry for leaving you without a word...” Parang pinipiga ang puso ko. I expected him to get mad and irritated because of how immature I’m treating him pero hindi ko alam na sobrang haba ng pasensya niya pagdating sa akin. “Kinailangan ko ulit puntahan si Richelle.” Nang marinig ko ang pangalang Richelle, hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko. Saksi ang mga bato’t dagat sa pagkamuhi ko sa babaeng ‘to. Sayang tuloy ‘yung kakaibang ganda ng Hidden Beach. “Sino ba talaga si Richelle?” Nakita ko na naman ang pamilyar na lungkot sa mga mata niya na ang hirap-hirap basahin. “She’s my former secretary,” para bang wala nang karugtong ang huling salitang binigkas niya. Naghintay ako ng ilang minuto pero wala na siyang sinabi pa. Kaya naninikip ang dibdib ko ngayon. “Are you seriously thinking I’d believe what you just said?” inalis ko ang mga kamay niyang nakahawak sa akin. “If she’s just your former secretary then why do you always have to be there every time she needs you? Ganyan ka rin ba sa ibang empleyado mo?” “Sino ba talaga siya’t kayang-kaya ka niyang pasunurin? Is she a fling? Your ex-girlfriend? First love? O baka naman f**k buddy?!” Inihilamos niya ang dalawang kamay niya sa kanyang mukha na para bang hindi niya alam kung ano ang dapat isagot sa sunud-sunod na tanong ko. Parang hirap na hirap siyang buksan ang sarili niya sa akin at ayokong nakikita siyang ganito. Dahil ako ‘yung mas nahihirapan. “She’s very important to me but it’s not like what you’re thinking-” “Then at least give me something else to think about. Hindi ‘yung hinahayaan mo akong manghula.” Huminga siya nang malalim. Para bang may bagay na gumugulo sa kanya at iyon ang gusto kong malaman. Natahimik sandali si Dax bago nagsalita. “I ruined her. I ruined her life. And now that I owe her so much, I couldn’t do anything for her aside from being there when she needs me.” “Paano mo naman masisira ang buhay niya? Ano bang ginawa mo sa kanya?” Napapikit siya’t napahimas sa noo niya na para bang sobrang sakit ng ulo niya ngayon. At dahil dito naalala kong wala akong karapatang pwersahin siya ng ganito. Dahil siya kung tutuusin ang boss ko. Nagtatrabaho lang ako para sa kanya. “Do you love her?” Napatingin siya sa akin. Pinipigilan ko ngayon ang pagiging emosyonal ko at nagawa ko pang ngumiti. “Mahal mo ba si Richelle?” “Mahalaga lang siya sa akin,” mabilis niyang sagot. Tumango naman ako ng dahan-dahan . “I guess she’s really important to you - more important than the woman you just hired to be your wife. Bakit hindi na lang siya ang pinakasalan mo?” Parang binibiyak ngayong ang puso ko pero kasalanan ko rin naman dahil umasa ako. Nahirapan akong malaman kung alin ang totoo o hindi sa relasyon namin. “She’s important to me but I don’t love her.” Para bang walang narinig, tumayo ako at hinawakan na naman niya ang kamay ko nang humakbang ako papalayo. Muli, hinila niya ako at iniharap sa kanya. He carefully cupped my face as if he’s so scared to lose me. “Reign. Please, it’s not like what you think-” “Kung hindi ka pa handang sabibin sa akin ang lahat, ayos lang, hindi kita pipilitin. Pero sana maisip mo na habang mas pinaparamdam mo sa ‘kin na asawa mo ko, mas lalo kong nakakalimutan na trabaho lang lahat ng ‘to. Sa sobrang galing kong empleyado, binubuhos ko kasi ang buong puso ko sa kahit anong trabahong ibigay sa akin – kahit pagiging asawa mo pa. Ang akin lang, sana respetuhin mo rin ako. Sana, tratuhin mo rin ako ng tama.” Sana piliin mo rin ako kahit isang beses. “Tinapos ko na lahat kahapon. Kaya ko rin siya pinuntahan. I already did so much for her and I’m done. I promise you I won’t-” “’Wag kang mangako Dax. Kasi kapag nangako ka, aasa na naman akong tutuparin mo ‘yon. And you know how much I hate broken promises the most. Lalo na ang pagsira ng tiwala ko.” “Alam ko kaya nangangako ako sa ‘yo ngayon na hindi na mauulit ‘yung pagpunta ko kay Richelle. Kaya sana patawarin mo ‘ko-” “Dax, do you even know who you are? What you’re like? I’m not sure if you can keep your promises because from what I can see, you’re the kind of man who can’t decide for himself.” Ayaw niya sa ugali ni Bobbie pero parang magkatulad lang din silang hirap magdesisyon. Siguro sa magkaibang bagay lang. “Sinusubukan ko naman,” his voice cracked. Gusto ko siyang yakapin pero bago ko pa ito magawa ay tinalikuran ko na siya. Dito ko naalala ‘yung sinabi sa akin ni Bobbie noon – na intindihin ko ‘yung upbringing at beliefs ni Dax dahil bata pa lang nailatag na ni Mrs. Savage ang buhay niya. Kaya hindi madali para sa kanya ang magbago. Hindi man sabihin ni Dax, sa nakikita ko’y kontrolado siya ni Mrs. Savage. Ginagawa niya lahat ng gusto nito dahil tingin niya ito ang tama’t dapat sundin. Dahil ganuon siya pinalaki. Hindi na ako magtataka kung may kinalaman si Mrs. Savage kay Richelle kaya siya ang sunod kong tatanungin tungkol dito. “Then prove it. Hindi ‘yung puro salita ka lang.” Binulong ko sa Hidden Beach na ‘to ‘yung nararamdaman ko para kay Dax. Baka sakaling matulungan ako nito sa pagtatago dahil ngayon, hirap na hirap akong pagtakpan kung gaano ko kamahal si Dax. Alam kong kaunti na lang ay bibigay na ang puso ko. Dahil kahit nasaktan ako ni Dax, pinipili pa rin ng puso kong intindihin siya. Binibigyan nito ng rason lahat ng bagay dahil nagmamahal ito – nagtitiwala. Sa pagbalik namin sa hotel kung saan ako nakapag-check in, hinayaan kong ihatid ako ni Dax. Isinuot ko na rin ‘yung polo niya para wala na siyang masabi pa lalo na’t kulang na lang yakapin niya ako habang naglalakad sa tuwing may makakasalubong na lalaki. Kahit papaano nailabas na namin pareho ang ibang bagay na pasan-pasan namin, kaya mas magaan na ang pakiramdam ko ngayon. Nakapagdesisyon akong bigyan pa ng pagkakataon si Dax pero hindi niya ako pwedeng pigilan oras na alamin ko lahat ng sikreto niya. Palubog na ang araw, naglalakad kami sa tabing dagat ngayon papunta sa hotel. Nakayapak kaming pareho at bawat lubog ng mga paa ko sa buhangin ay sinusundan ni Dax. Pinahawak niya sa ‘kin ‘yung camera niya, tiwala na hindi ako magbubura, kaya naman sinisilip ko isa-isa ang mga kuha niya. I was prepared to mock him but he has an eye for photography. Hindi ako expert pero alam ko naman kung ano ang magandang litrato sa hindi. Dahil dito’y napahanga na naman niya ako. Sino ba naman kasing magaakalang magaling din siyang photographer? “Matagal ka na bang nagpi-picture? I mean kahit hobby? You’re good!” Parang lahat na yata ng gugustuhin ng isang babae sa isang lalaki nasa kanya na. May nakakatawang kuha ako sa camera niya at dapat sana’y sasabihin ko ito kay Dax nang marinig namin ang sunud-sunod na notifications ng phone niya. Tuloy ay nahinto kami pareho. Inilabas niya ang kanyang phone at itinapat ang screen nito sa mukha ko. Ginawa niya ito para mag-unlock ‘yung phone kaya natawa ako. Nag-wacky ako para hindi ito magbukas kaya natawa kami ni Dax pareho sa kalokohan ko. Pero para akong naging bloke ng yelo pag-unlock ng phone niya. Dahil nakita kong puro text messages ito… galing kay Gonzales. Nag-iwas ako ng tingin. Saktong nag-ring ang phone niya. Mukhang tinatawagan pa siya ng babaeng ‘yon at nananadya talaga. Alam ng buong mundo na honeymoon namin ni Dax ngayon kaya imposibleng wala siyang alam. Saang bundok ba siya nakatira?! Nasaktan agad ako kahit wala pang nangyayari. Alam ko namang maguusap sila kaya mauuna na lang sana ako pabalik sa hotel. Pero biglang huminto ‘yung ring ng phone ni Dax. Nagulat ako nang yakapin niya ako mula sa likuran bago pinagpahinga ang baba niya sa ibabaw ng balikat ko. Ramdam ko ang init ng katawan niya na bumabalot sa buong sistema ko. Bumilis ang t***k ng puso ko lalo na nang mas higpitan pa niya ang pagyakap sa akin. “I will always choose you from now on. I promise.” Sa sinabi niya’y naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko. Hinawakan ko ang mga kamay niya at napatingin sa papalubog na araw. Napapikit ako kasabay nito at hinayaan ang marahang pagtama ng hangin sa mukha ko. Isang ring pa ang narinig namin pero sa harapan ko’y pinatay ni Dax ang tawag ni Richelle. He also blocked her in his contacts and deleted her number on the spot. Hinarap ko siya pagkatapos ng ginawa niyang pagpili sa akin. Sobrang saya ko kaya tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Pinunasan naman niya ito pero mas lalo lang akong naiyak. Bago pa siya makapagsalita ay natakpan na ng labi ko ang ibabaw ng kanya. It was a soft and quick kiss but enough for me to remember how much I love him. Nang maghiwalay, nakita ko ang nagtatanong nitong mga mata. “Salamat…” Sana nga mapanindigan ni Dax ang desisyon niya. Dahil hindi ko alam kung hanggang kailan siya kayang ipaglaban ng puso ko.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD