Kabanata 24

3578 Words
Dismayado ang mukha ni Dax nang maupo kami sa loob ng restaurant ‘di kalayuan sa hotel na tinutuluyan ko. Lalo na nang i-serve na sa amin ‘yung specialty nila rito sa El Nido na ako mismo ang namili.  Siya naman ang nag-ayang kumain muna kami ng hapunan tyaka mukhang masarap naman ‘yung mga pagkain, kaya ‘di ko malaman kung bakit nakabusangot siya ngayon.  Pinitik ko ang daliri ko sa harapan ng mukha niya. Dito siya napatingin sa akin pero ‘di pa rin nagbabago ang ekspresyon ng kanyang mukha. “Ayaw mo bang kumain dito?” hindi ko na napigilang magtanong. Kanina kasi ay gusto pa sana niyang maghanap ng ibang makakainan pero wala na kaming ibang mapuntahang malapit. Pagod na rin ako kaya hindi na ako pumayag pang lumayo kami. Kahit saan naman ay masaya na ako basta kasama ko siya. Hindi ko naman kasi inakalang ganito pala siya kapihikan sa pagkain. “Hindi mahal ang pagkain dito,” parang bata’y nangalumbaba siya sa lamesa habang nakatitig sa akin.  “And so? Hindi ba mas maganda nga ‘yun at nang makatipid tayo?” Ang hirap makipag-eye contact sa lalaking ‘to. Nakakapanghina.  “But you want expensive things...” Kumunot ang noo ko. “At sino naman ang nagsabi niyan?” “Tinanong ko si MJ kung ano ang mga bagay na gusto mo dahil hindi ako sigurado... ang sagot naman niya basta mamahalin matutuwa ka na.” Pinagdikit ko ang labi ko. Napayuko sandali bago nag-angat ng tingin sa kanya. Gusto kong mag seryoso pero dahil sa nalaman ko, hindi ko napigilan ang pagtawa nang malakas. Tuloy ay lalong lumukot ang noo niya.  “Anong nakakatawa?” “Pinagtripan ka lang ni kuya!” humanda talaga si Kuya MJ pagbalik ko. Minsan na lang magpayo loko-loko pa rin! “What do you mean?” Hinintay ko munang tumigil ako sa pagtawa bago seryosong nagsalita. “Dax, hindi ko kailangan ng mamahaling bagay para maging masaya,” binigyang diin ko bawat salita para makumbinsi siya pero bakas sa mukha niya ang pagdududa. “But you’re a Valderrama. Alam kong spoiled ka pagdating sa pamilya mo.” “Oo spoiled ako. Binibigay nila lahat ng gusto ko. Pero dahil ‘yon sa sarili nilang kagustuhan. Sa totoo lang hindi naman ako mahirap pasayahin. Kagaya ngayon, masaya na ako sa ganito.” Nagsimula akong kumain at nakita ko ang unti-unting paglambot ng ekspresyon ng mukha niya sa bawat pagsubo ko ng kutsara. Pinagmamasdan niya ako ngayon kumain kaya tuloy medyo nahihirapan akong lumunok. “Hindi naman lahat ng mayaman puro pera na lang ang iniisip.” I’ve never been aware of my surrounding whenever I’m eating, kaya kung bakit nagpapaapekto ako ngayon kay Dax ay nakakapanibago. “What’s your ideal date?”  Nasamid ako kaya inabutan agad niya ‘ko ng tubig. Nag-init ang pisngi ko. Hindi ko naman kasi kahit minsan naisip na manggagaling sa kanya ang ganitong klase ng tanong. Para tuloy kaming nagliligawan ngayon. “Movie night with chocolate ice cream! Masaya na ako sa ganuon. Hindi kailangang gumastos ng malaki,” simpleng sagot ko bago naisipang magkamay na lang para mas ramdam ko ang pagkain ng crab. “Kumain ka na! Masarap kaya!” Hindi pa rin kumain si Dax kahit pinilit ko na at may tiningnan lang siya sa loob ng bag niya. Para bang nakita ang hinahanap, tumango siya maya-maya at nilabas naman ang phone niya. Naging abala siya sa kung anumang tinitingnan dito. Dahil mukhang wala pa siyang balak kumain, ako na mismo ang nagbalat sa isang hipon. Saktong bumuka ang bibig niya para magsalita nang ipasok ko rito ‘yung binalatan kong hipon. Ngumisi ako sa kanya at mahinang tumawa. “Oops. Clean freak ka ba?” nasa loob na ng bibig niya ‘yung kalahati ng hipon bago ko ito naisip.  Hindi siya nagsalita sa tanong ko kaya nagalala tuloy ako. May kanya-kanya naman kasing preferences ang bawat tao at sanay akong nirerespeto iyon. Paano kung ayaw pa lang niyang may ibang humahawak ng kinakain niya?  Babawiin ko na lang sana ‘yung hipon nang kagatin na niya ito. Pagkatapos ay mabilis niyang hinawakan ang palapulsuhan ko. Mas inusod pa niya papalapit sa kanya ‘yung daliri ko hanggang sa maramdaman ko ang init ng kanyang bibig. Nanlaki ang mga mata ko nang madama ko ‘yung dila niya dahil sa pagkuha niya ng natitirang hipong hawak ko. Kasunod nito’y nilinis pa niya ‘yung sarsang nasa daliri ko.  Napalunok ako. Kakaibang sensasyon ang gumapang sa likod ko na nagpakalimot sa kin sa gutom ko. Ako na mismo ang humaltak sa kamay ko bago tumitig sa mga pagkaing nasa harapan namin. Reign, huminga ka! “Masarap nga,” narinig kong komento ni Dax na mas lalong nagpainit sa pisngi ko. Mukha na siguro akong kamatis dahil sa pamumula ng mukha ko. Ito na naman kasi ‘yung malakas na kabog ng dibdib ko. Itinago ko na lang ang nararamdaman ko at nagpatuloy sa pagkain. *** Kahit papaano’y napakain ko naman si Dax. Nakailang subo ako sa kanya dahil ayaw niyang gumamit ng sariling kamay niya. Nag-enjoy naman akong pagsilbihan siya kaya hinayaan ko na lang din. At ngayon ay pabalik na kami pareho sa Hotel. Inabot na kami ng dilim pero gusto pa rin niyang ihatid ako sa unit ko.  Naparaan ulit kami sa dagat pero dahil madilim na, mas ginusto naming pakinggan lang ang alon dito at damhin ang pagdampi ng malamig na hangin sa mga mukha namin.  Walang nagsasalita sa amin ni Dax. Tahimik lang kami habang dahan-dahang naglalakad katabi ang isa’t isa. Hindi na mabigat ang pakiramdam ko ngayon.  Puputulin ko na sana ang katahimikan nang bigla kong maramdaman ang pagdausdos ng palad niya sa palad ko. Napatingin ako sa kanya pero sa harap lang ang tingin niya’t patuloy pa rin kaming naglakad. Nakalimutan ko tuloy ‘yung dapat sana’y sasabihin ko.  Para akong nananaginip. Sinong magaakala na pagkatapos ng mga nangyari noon ay magiging ganito pa kami ni Dax ngayon. Nang makapasok kami sa loob ng hotel, nadaanan namin ‘yung lobby. Nagtaka ako nang huminto si Dax dito at humarap sa akin. “Intayin mo ko rito. Babalik din ako.” Tatalikuran na niya sana ako nang mabilis kong hawakan ang braso niya. Hindi ko alam pero nakaramdam na naman ako ng takot dahil sa bigla niyang pagpapaalam. Siguro phobia na rin dahil sa tuwing umaalis siya, nalalaman ko na lang na iba na ang kasama niya. Paano kung nasundan pala kami ni Richelle dito? At mukhang nabasa naman niya ‘yung takot ko kaya humarap siya ulit sa akin, hinawakan ako nang marahan sa magkabilang braso, bago dahan-dahang pinaupo. Hinalikan niya ako sa noo bago nagsalita. “I’ll be back,” Kinuha pa niya ang isang kamay ko at hinalikan ang likod nito. “I promise.” At dahil ito ang sinabi niya, naghintay ako.  Oo’t nagtiwala’t naghintay ako sa pagbabalik niya dahil iyon ang sinabi niya. Nangako naman kasi ako sa sarili ko na sa pagbibigay ko sa kanya ng pangalawang pagkakaton, buong-buo ko ring ibibigay ang tiwala ko.  Pero ilang tao na ang naglabas-pasok sa hotel, nakapag-download at nakapagbasa na ako ng e-book, nakapag-browse na rin ako ng ilang beses sa Facebook...  Wala pa ring Dax na bumabalik. Sa bawat minutong lumilipas, nababawasan din ang pag-asang pinanghahawakan ko.  Pilit kong pinagdasal na sana bumalik si Dax - sana ay tuparin niya ang sinabi niya.  Nanginginig ang tuhod ko ngayon nang tumitig ako sa liwanag ng phone ko. Nakita ko ang oras - limang minuto bago mag-alas dose ng umaga.  Kinuha ko itong sukatan. Bibigyan ko na lang siya ng limang minuto. Kung hindi siya babalik, aakyat na lang ako sa kwarto at hindi na siya muling papapasukin pa sa buhay ko. Uuwi na lang ako sa Batangas at hihingi ng tulong sa buong pamilya ko para mailayo ako sa kanya.  Tuloy dahil sa sinabi ko, para akong sinasaksak sa bawat minutong nag dadaan. Ako ‘yung mas natakot sa palugit na binigay ko. Dahil ako rin mismo, hinihiling na magbago pa ang isip ko.  Hindi pa ako handang iwanan si Dax. Sa huling minutong natitira, tumayo na ako at naghandang umalis. Mabigat man sa loob ko, akmang tatalikod na sana ako nang makita kong tumatakbo si Dax papasok ng hotel. Nagliwanag ang mundo ko dahil alam kong tumupad siya ngayon sa sinabi niya! Tumupad siya sa pangako niya! Abot tainga ang ngiti ko lalo na nang iangat niya sa harapan ko ‘yung isang galon ng ice cream. Naghahabol pa siya ng hininga dahil sa pagtakbo pero gaya ko ay ngumiti rin siya. Para bang napakalaking achievement ng ginawa niya. Naglakad siya papalapit sa akin na mas lalong nagpagulo sa mga paru-paro sa tyan ko.  “Sorry, malayo pala ‘yung bilihan ng ice cream dito,” napahawak siya sa batok niya na para bang hiyang-hiya. Kaya naman pala siya umalis at nagtagal ng sobra!  Dahil ba ito sa nasabi ko kanina? “You didn’t have to-” “But I want to. I want to do something for you.” Parang umaapaw ang puso ko ngayon. Lalo na nang ipakita niya sa akin ‘yung hard drive galing sa loob ng bag niya.  “Movies?” alok niya. Kulang na lang ay talunin ko siya’t yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko. Buti at nagawa ko pa ito! “Siguro marami ka nang naging girlfriend,” wala sa sarili ay nasabi ko ito pagkasakay namin sa loob ng elevator.  “I’ve never had one.” “Seryoso ba? E bakit ang dami mong alam? May pa-chocolate ice cream ka pang nalalaman,” siniko ko siya sa tagiliran kaya natawa na naman siya. Kapag tumatawa siya, parang nagiging ibang tao siya. Lalo na’t naniningkit ang mga mata niya. Lumabas kami ng elevator at naglakad papunta sa unit ko. Hindi ko alam pero mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko habang papalapit kami rito.  Pagpasok namin sa loob, binuksan ko ang ilaw at agad na tinakbo ‘yung mga nakakalat kong gamit. Inayos ko na lang ang mga ‘to sa isang sulok.  Heto na naman si Dax at nahuli ang pagiging makalat ko. Tambak kasi sa ibabaw ng kama ‘yung bukas kong maleta dahil hindi na ako nagabala pang mag-ayos kanina pagkaalis ko. Nilinis ko muna ang lahat habang si Dax naman ang nag-set up ng movie na papanuorin namin. Binilisan ko lang ang kilos dahil matutunaw ‘yung ice cream na binili niya. Once everything’s been settled, pinatay ko ang ilaw at naupo kami nang magkatabi sa baba ng kama. Sumandal kami rito’t tumingin sa flat screen TV.  “Anong panunuorin natin?” tanong ko pagkatusok ng dalawang kutsara sa ice cream. “I know you hate action movies-” “Who said I hate action movies?!” Nagulat siya sa reaksyon ko at mahinang sumagot. “Si MJ-” “Si Kuya na naman?!” I chuckled. “‘Wag ka ngang magpapaniwala dun! May sayad ‘yun.” Napahawak siya sa labi niya, may multo ng ngiti dito, at para bang ayaw na lang niya magbigay ng komento dahil kapatid ko ito. “I love action movies o kahit ‘yung mga may adventure,” sabi ko at nabasa ko sa mga mata niya ang pagkamangha. “Dapat ba mahilig ako sa romance or fairytales dahil babae ako? Stop stereotyping women.” “Mabuti na lang pala marami akong pelikula rito,” sabi niya at ako na ang pinapili niya ngayon. Sa dami ng movies na mayroon siya, parang matagal na niyang kopya ang mga ‘to. Mukhang may hilig din pala siya kahit papaano kaya bakit niya sinasabi na puro trabaho lang ang alam niya? Bawal ba siyang gumawa ng ibang bagay? Dax gave me the perfect date. Nanuod kami ng action movie habang kumain ng ice cream. Napapasigaw ako sa ilang eksena at medyo napapatayo pa dahil dalang-dala talaga ako. Sa mga nakakatawang parte ay pareho kaming tumatawa, nahahampas ko pa ang braso niya. When I said movie night, I literally mean that I want to watch movies with the person that I care about. Hindi ko alam na maiintindihan iyon ni Dax. Dahil sa buong pelikula ay wala siyang ginawa para i-interrupt ang panunuod namin. Pareho kaming nag-enjoy sa palabas at hindi namin kinailangang bigyan ng ibang kahulugan ‘yung panunuod namin ng magkasama sa iisang kwarto. I just love how considerate he is. Nang makita ko ‘yung movie credits, nakaramdam ako bigla ng lungkot. Maga-alas tres na kasi ng madaling araw at alam kong pagkagising namin mamaya, babalik na kami ng Maynila. Papaligiran na kami ulit ng maraming tao at posibleng lumayo na naman si Dax sa akin. Naiisip ko pa lang ‘yung pagbalik namin, bumibigat na ‘yung pakiramdam ko. Lalo na nang ihatid ko na siya sa labas ng pinto hawak ‘yung galon ng ice cream na kalahati pa ang laman. “Ako na lang uubos nito. Sayang,” sinabi ko para lang may mapagusapan. Hindi kasi ako makatingin sa mga mata ni Dax dahil baka mabasa niyang ayaw ko siyang umalis. “Goodnight...” bulong niya sa ‘kin bago ako halikan sa noo.  “Goodnight!” sabi ko agad bago sinarado ang pinto. Sumandal ako rito habang akap-akap pa rin sa dibdib ko ‘yung galon ng ice cream. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Napatitig ako sa movie credits na malapit nang marating ang dulo. Napaisip ako sa lugar na babalikan namin. Tumatak sa isip ko ‘yung mga nangyari rito sa Palawan. Magkakahalong emosyon ang bumalot sa buong pagkatao ko. At kahit gulong-gulo ako ngayon, iisang bagay lang ang malinaw sa ‘kin. Gusto kong makasama si Dax. Binuksan kong muli ang pinto para habulin siya nang ako ang mas nasurpresa pagkakitang nasa harapan pa rin siya ng pinto. Para bang iniintay din niya akong lumabas.  Namumungay ang mga mata niya at may pilit itong sinasabi sa akin.  Umawang ang bibig ko para sana magtanong nang mapapikit ako sa bigla niyang pagatake sa labi ko. Bumagsak ang hawak ko at bahagyang tumapon ang laman nito sa dibdib ko. Nagitla ako sa sobrang lamig nito na agad ding pinainit ni Dax nang marinig ko ang pagsarado ng pinto. Mabilis at mariin ang paghalik niya sa akin kaya para bang nakikipagsabayan ako sa hindi pamilyar na tugtog.  Halos kapusin ako ng hininga para lang masuklian ang bawat galaw ng malambot niyang labi. Hanggang sa mapansin kong narating na namin ang kama’t inihiga niya ako rito.  May imaheng nag-flash sa isip ko pero agad itong naglaho. Dahil sa chocolate ice cream na tumapon sa akin ay nanlalagkit ako ngayon. Gusto ko munang maligo anuman ang sunod na naiisip ni Dax gawin kasama ako.  “Dax malagkit ako,” sa wakas ay nasabi ko rin nang halikan niya ang pisngi ko. Napaatras ako hanggang marating ang headboard ng kama. Pero napasinghap nang maramdaman kong muli ang init ng labi niya sa leeg ko. Dahan-dahan, mula rito ay bumaba ang halik niya papunta sa dibdib ko. Mas napapikit ako nang maramdaman ko ang pagdikit ng mukha niya rito. Walang silbi ang suot kong polo niya nang mabilis din niya itong nabuksan.  “Dax wait-” I’ve made little curses in my head lalo na nang walang kahirap-hirap na inalis ni Dax ‘yung pagkakatali ng pangitaas ko. Nang matanggal niya ito nang tuluyan ay bumalik ang labi niya sa bibig ko. He nibbled my lower lip as if he owns it - making me feel vulnerable. From there, the wet drag of his tongue traced down the center of my breastbone as if he was trying to clean me up. Hanggang sa hindi pa siya nakuntento’t lumipat sa isang dibdib ko ang bibig niya habang ang isang kamay niya’y nasa kabila naman. Pareho niyang binibigyan ng atensyon ang dalawa. Kaya narinig ko na lang ang impit ng ungol mula sa labi ko. Seeing him still in his clothes, ako naman ang gumawa ng paraan para mahubad niya ito. Pero nang mapansin niyang hirap ako, huminto siya’t tinulungan ako sa pag-alis ng suot niyang sando para mas mapabilis. Ngayon ay mas kita ko siya ng buo. Nakatitig siya sa harapan ko at ganuon din ako sa kanya. Pareho kaming naghahabol ng hininga dahil sa bilis ng mga pangyayari. One second he left the room, then another one passed by and he finally came back to me.  Nang mapansin kong exposed ang dibdib ko’t kita niya ito gamit ang liwanag mula sa bukas na TV, tatakpan ko sana ang sarili ko. Hindi ko makaya ang nakakapasong pagtitig niya sa akin.  Kaya lang pumatong siya ulit at muling inangkin ang labi ko. Mas nanunukso ang paghalik namin sa isa’t isa. Nang makakuha siya ng pagkakataon, he sank his tongue inside me habang panay pa rin ang paglalaro niya sa dibdib ko. Sa sobrang lakas nang kalabog nito’y hindi ko na marinig ang sarili ko. Pinusisyon ni Dax ang sarili sa pagitan ng mga hita ko. I’m still wearing a part of my swimsuit pero alam kong ilang sandali na lang ay iiwan na rin ako nito. He looked at me before he planted small kisses from my chest down my stomach. Bumalik ang tingin niya sa akin at ginawa niyang magkalebel ang mukha namin. Para bang humihingi ito ng permisong mag patuloy. Hindi ko malaman kung ano ba ‘yung sinisigaw ng isip ko ngayon at ayoko rin muna itong intindihin. So before he could even continue, inunahan ko na siya’t hinalikan ang dibdib niya pabalik. He groaned and grabbed my shoulders tight para mapirmi ako. Mukhang hindi siya naging handa sa ginawa kong pagganti. “Reign...” ang sarap marinig mula sa kanya ang pangalan ko. And I guess I just woke up the beast in him. Dahil naputol ang ginagawa ko sa bigla niyang pagbalik sa pinanggalingan niya. He kissed my inner thighs and touched my most sensitive part. Milyong-milyong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko dahil sa kanyang ginagawa na nagpaliyad sa akin. Unti-unti niyang binaba ang natitirang saplot sa katawan ko at hinayaan ko ito kahit nakakahiya ang pagtitig niya sa kabuuan ko. Oo’t asawa ko naman siya pero iba pa rin talaga sa pakiramdam ang makita kang buong-buo ng isang tao.  “You’re beautiful...”  Nakakabingi na ‘yung malakas na t***k ng puso ko. Nahihirapan din akong huminga at mas tumindi pa ito nang sunod niyang alisin ang kanyang pangibaba at dito ko nakita ang p*********i niya.  Pumikit ako ng mariin dahil sa hindi ko kinaya ang nakita!  Dito ko naramdaman ang nanunuyong halik niya sa labi ko. I could feel his rawness waiting at my entrance but he was still teasing me. Napapaungol ako sa bawat pagdikit nito sa akin. Humihigpit din ang paghawak ko sa mga braso niya.  Another image flashed before my eyes when he touched me down there. Nanlamig ang buong katawan ko sa natuklasan. Hinawakan ko sa magkabilang braso si Dax at pinahinto sa ginagawa. Nagsimulang mangilid ang luha ko. “Dax... I don’t think you’d want to do this.” Pinagpahinga niya ang mukha niya sa gilid ng leeg ko pero hinalikan pa rin niya ako rito kaya nahirapan akong magsalita. He was moaning and saying my name several times. “I’m... I’m not a virgin anymore.” “I know.” “Dax, may naka-one night stand ako! I don’t remember everything because I was so drunk but I know that he’s my first!” Parang nag-echo ang sinabi ko sa buong kwarto. Pero walang nagbago sa reaksyon ng mukha niya. Hindi ko alam kung naintindihan ba niya ang sinabi ko. Dahil wala siyang pakielam! At nang akala ko’y titigil na siya sa ginagawa pagkatapos ng nalaman ay tuluyan pa rin niyang minarkahan ang teritoryo niya.  Holding my hips close, he thrust inside me and called out my name loud and clear. Tumulo ang luha sa gilid ng mga mata ko at bumaon ang mga kuko ko sa likod niya dahil sa sakit. I couldn’t remember the first time this happened. And I didn’t know it could hurt so much! Para bang nakita niya ‘yung epekto ng ginawa niya sa akin kaya humingi siya agad ng tawad. Nasasaktan ako pero ayokong tumigil siya. Gusto kong ipaubaya ang sarili ko sa kanya. Gusto kong ibaon sa limot ‘yung ginawa ko kasama ang hindi ko kilalang lalaki. “Dax...” namamaos ang pagtawag ko sa kanya, urging him to go on. Napaungol siya nang subukan niyang mas ipasok ang sarili niya sa akin. Napaigtad ako nang mula sa mabagal ay mas bumilis ang paggalaw niya sa ibabaw ko. Tila ba sinasabayan nito ang mabilis na t***k ng puso ko. At kahit noong una ay hindi ako makasabay, nasundan ko rin siya ng tama. Hanggang sa hindi ko na malaman kung saan niya ko dinala’t pareho naming narating ang sukdulan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD