Kabanata 25

3734 Words
Isiniksik ni Dax ang mukha niya sa gilid ng leeg ko habang pareho kaming naghahabol ng hininga. “Ako lang ang pwedeng umangkin sa ‘yo Reign,” he said with a hoarse voice. Na-guilty ako sa sinabi niya. Dahil una ko nang naibigay ang sarili ko sa iba.  “Pero Dax sinabi ko na sa ‘yo-” “Why did you wear my polo when you had your job interview?” Kumunot ang noo ko. Hindi ko makuha ang sinabi nito. Paano ko naman susuotin ang polo niya e damit ito nung lalaking naka- Nanlaki ang mga mata ko. Inilayo ko si Dax mula sa akin para magkaharap kami. “Don’t tell me you are the man I-” Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang pagbaliktarin niya ang pusisyon namin. Ako naman ang nasa ibabaw niya. “Hindi ko alam na makakalimutin ka pala,” pangiinis niya pero nagaapoy na sa init ang mukha ko. Hinampas ko siya sa dibdib. “Paano nangyari ‘yon?!” “We were both drunk...” Kakaiba sa pakiramdam ang mapunta sa ibabaw ni Dax lalo na habang mataman niya akong pinagmamasdan. “So now you’re not allowed to get drunk without me,” utos na naman niya.  “That depends on how well you’ll treat me after tonight.” Umirap ako sa kawalan bago niya ako hinila papalapit sa kanya at siniil muli ng halik.  I was able to forget everything about the one night stand. At ngayon lang bumuhos ulit sa akin ang lahat.  Kahit na malinaw sa akin ngayon na iisa sila, hindi pa rin ako makapaniwala. Tama sila Mama, ano mang paglayo nila sa amin ni Dax, ay para bang pilit pa rin kaming pinagtatagpo ng tadhana. And so I kissed him back. I kissed him back with all the courage I could muster - letting him own me over and over again. Because I love him. And I know in my heart, that no matter what, I’ll always be his wife.  *** “So sinasabi mo na ako ang pumigil sa ‘yong umalis? I begged you to stay?!” Tumango lang si Dax na parang maamong bata. Hindi ko alam kung pang ilang beses ko na itong natanong sa kanya dahil hanggang sa makaupo na kami sa loob ng eroplano pabalik ng Maynila, hindi ko pa rin mapaniwalaan ang kwento niya. Ganuon ba ako kadesperada noon at magaaya ako sa kahit sino mang lalaki? O talagang lasing lang ako at nasaktan ang pride ko dahil kay Joaquin? “Okay! Sabi mo lasing tayo pareho. Tapos aksidente tayong naisakay sa iisang sasakyan ng kung sino mang shushunga-shunga-” “Si Harold ‘yung driver ko noon. Akala niya magkasama tayo kaya sinakay ka rin niya sa kotse ko.” Hindi ko alam kung bibigyan ko ba ng kabuhayan showcase si Harold o tatadyakan dahil sa pagkakamaling nagawa niya e. Humalukipkip ako’t sumandal nang maayos bago kinabit ang seatbelt ko. “Fine! At dahil gentleman ka kamo, dinala mo na lang ako sa hotel. Pero noong iiwanan mo na sana ako, pinigilan kita… tama?” Tumango na naman siya. Gaya ko ay nakasandal na rin siya’t nakaayos ang seatbelt. Ibinaling niya ang tingin sa akin pero mabuti na lang naka-shades ako kaya hindi ako masyadong nailang. Dahil kasi sa magkatabi kami, sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Well, this is torture. Alam ba niya kung gaano siya kagwapo? Tumitingin ba siya sa salamin?! Ramdam ko ang init ng pisngi ko ngayon. Para bang nag-slideshow sa akin ‘yung mga nangyari sa Palawan – ‘yung mainit na paghaplos niya sa bawat parte ng katawan ko and how I quivered underneath him. “Then you woke up and left before we could even talk about what happened,” pagpapatuloy ni Dax sa kwento ko dahil napansin din niyang natigilan ako.   Tumikhim ako. Pilit kong binalik sa wisyo ang sarili ko. Kanina pa ako nagkakaganito sa tuwing napapatingin siya sa akin. Maging ‘yung puso ko hindi ko na mapakalma. Hindi na ako magtataka kung isa sa mga araw na ‘to ay mag heart attack ako. “Malamang aalis ako! Nakakatakot kaya! Hindi ko alam kung ano ang talagang nangyari pero alam kong may nangyari!” Ngayon ko naalala ang ginawa kong pagtakas noon pagkagising na pagkagising ko. Pero aba’t nagawa ko pa talagang mag-apply pagkatapos makipag-one night stand! At ang mas nakakahiya pa, I even wore the polo of the man I had a one night stand with and he turned out to be the interviewer! Sino namang matinong babae ang gagawa ng mga bagay na ginawa ko? “You knew who I was, what I’m like, and yet you hired me? Nababaliw ka na ba?” Humalakhak lang siya nang mahina. Dahil hiyang-hiya talaga ako ay hindi na ako nakapagsalita pa. Pilit ko na lang inalala ‘yung pag-interview niya sa akin. Ngayon ay mas naintindihan ko ang lahat – ‘yung kaaibang tingin niya sa akin noon lalo na ang komento niya sa polong suot ko. He was really creeping me out back then but that was only because he knew we were past the stage of being just mere strangers! Kaya halos halikan na niya ako noon sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin! “I got drunk because of my ex. Ikaw? Anong dahilan at nagpakalasing ka?” pagiiba ko na lang ng usapan. Pero napipe na naman si Dax. Ganito naman siya lagi, pag-ayaw niyang sagutin ay hinahayaan lang niyang liparin ng hangin ang tanong sa kanya. Nag-ring ang phone niya kaya hindi ko na siya nausisa pa. Nahagip ng mga mata ko na si Mrs. Savage ang tumatawag. He clenched his jaw and just silenced it. Nagulat naman ako dahil akala ko dahil nanay niya ito ay sasagutin niya kaagad ang tawag. Ayoko na lang maging big deal pa ito kaya sa pagandar ng eroplano, naisipan kong umidlip muna lalo na’t wala pa rin akong tulog dahil kay Dax. Oo’t hindi talaga ito nagpatulog! Kaya lang bago pa man ako dalawin ng antok, tinawag ni Dax ang pangalan ko kaya nilingon ko siyang muli. Pagtingin ko’y nagtaka agad ako nang abutan niya ako ng tsokolate. Binuksan na niya ito para sa akin at mabilis na isinubo nang ibuka ko ang bibig ko para sana magsalita. Tuloy ay kalahati nito ay nakapasok na sa bibig ko. Inangat ko ‘yung shades ko sa ibabaw ng ulo ko dahil sa pagkagulat. Ginagaya pa yata niya ‘yung ginawa ko sa kanya gamit ‘yung hipon! Aalisin ko pa lang sana ‘yung nasa bibig ko nang kumagat na siya rito! Nagdikit ang mga ilong namin dahil sa laki ng kinain niya! Nanlaki ang mga mata ko at habang bukas-sara ang mga ‘to, hindi naman siya kumukurap! Tuloy ay nanariwa na naman sa ‘kin ‘yung gabing pinagsaluhan namin! Ngumiti si Dax bago umupo ng maayos. Tila ba nagtagumpay siya sa balak. Pagkatapos ay pinagsalikop niya ang mga kamay namin at hinalikan ang likod ng akin bago siya pumikit. Hindi ko alam pero sa sandaling panahong nakasama ko si Dax, parang ngayon ko lang siya nakitang ganito. ‘Yung magaan ang pakiramdam at walang bitbit na kahit ano sa kanyang mga balikat. Kaya naman nakakapanibago. Si Dax pa ba talaga ito?! Nginuya ko ‘yung naiwang pagkain sa bibig ko at lumunok. I don’t think I can eat chocolates the same way again. *** Pagtungtong ko pa lang sa Savage Enterprises, ramdam ko na ‘yung kakaibang tingin ng mga tao sa akin. Hindi lang ‘yung mga guards ang bumati sa akin, kung hindi pati na rin ‘yung ibang mga empleyado na yumuyuko pa kapag nasasalubong ako. Siguro kung hindi ako naka-shades makikita rin nila ‘yung pagtataka sa mga mata ko. Pero confident pa rin akong naglakad kahit ilang na ilang ako sa atensyon na binibigay ng lahat sa akin. Pagdating ko sa harap ng elevator, lumayo ‘yung mga tao sa akin na para bang may nakakahawa akong sakit. Kahit panay ang pagkalkal ko sa phone ko, kita ko ito sa gilid ng mga mata ko. Nag-selfie ako para tingnan kung pantay ba ang make-up ko at dito ko nakita na ‘yung ilang empleyadong kinukunan ako ng pictures. Nilingon ko agad sila at binaba ko ang shades na suot ko. “Anong problema?” natakot ‘yung tinanong ko at napatakbo papalayo. Mataray ba ‘yung pagkakatanong ko? Nang magbukas ang elevator, gaya ng inasahan ko ay ako lang ang pinasakay nila rito. At nagtuloy-tuloy ako sa 10th floor nang walang hinto sa ibang palapag. Parang nangyari na ito noon kaya inisip ko nang maigi kung kailan. Dito bumalik sa alaala ko ‘yung isang beses na nakasama ko si Dax sa loob ng elevator. Kaya napagtanto kong tinatrato ako ng mga tao na para bang ako si Dax! Muntikan ko nang makalimutan na kalat na kalat na nga pala ang balita tungkol sa pagpapakasal namin. Kaya siguro kakaiba ‘yung pagtrato nila sa akin ngayon. I just married the CEO of Savage Enterprises! Nanginig ako sa ideyang pumasok sa isip ko. Masyado yata akong naging abala sa pagiisip ng ibang bagay at nakalimutan ko kung sino nga ba talaga si Dax. Nauna na si Dax papunta rito kanina dahil pinatawag daw siya ni Mrs. Savage. Hindi sana ako papasok dahil sa sobrang pagod kung hindi ko lang naalala ‘yung plano ko kay Joaquin. Akala yata niya nakalimutan ko na ang atraso niya sa akin. Pero bago mangyari ‘yon, kailangan magbayad muna siya ng malaki. Sa 10th floor, mas naging halata ‘yung ibang trato ng mga tao sa akin dahil sa asawa ko na si Dax. Habang naglalakad ako ay nakayuko lang silang lahat. Ganuon ang ginawa nila hanggang sa makarating na ako sa loob ng opisina ko. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makatakas sa kanila. Natawa ako nang makitang may pa-breakfast pa sila sa akin ngayon. May pagkain kasi akong naabutan sa ibabaw ng lamesa ko. Pagkaupo ko, rito ko nakita na may sulat pala itong kasama. Kinuha ko naman ito at binuksan para mabasa kung anong paninipsip ang gagawin nila. Don’t forget to eat your breakfast. - DAX Iniikot ko paharap ng bintana ‘yung swivel chair ko bago idinikit sa dibdib ko ‘yung sulat na natanggap ko. Ganito pala ang penmanship ni Dax… kagaya niya ay sobrang linis din. Pinipigilan kong kiligin pero hindi ko talaga magawa kaya nakangiti ako ngayon na parang tanga. Sino ba naman kasi ang hindi kikiligin sa breakfast na bigay ni Dax? Kaya naman bago ako sumabak sa laban ay nag-enjoy muna ako sa pagkain ng pancake at sausages. Bawat subo ay ninanamnam ko talaga na para bang una’t huling beses ko na itong matitikman. Siguro’y halos kalahating oras din ang lumipas bago ako natapos. Nagpahinga pa ako ng ilang minuto at tumingin sa Google Trends sandali bago uminom ng tubig at tumayo bitbit ang isang envelope. Lumabas ako ng opisina ko at dumiretso sa area ng team ko. Nagulat pa sila sa bigla kong pagsulpot at para bang hindi alam ang sasabihin sa akin. “Congrats Ma’am!” sigaw ni Inna. Ngumiti naman ako sa kanya. “Salamat.” Wala nang nagsalita pa sa kanila. Si Vicky ay parang nahihiya pa rin sa akin. Samantalang si Joaquin naman ay busy kaka-mobile legends. Kaya naman nilapag ko nang malakas sa harap ng lamesa niya ‘yung envelope. Kumunot ang noo niya at dapat yata’y sisigaw dahil sa naistorbo ang paglalaro niya nang matigilan siya pagkakitang ako ang kaharap niya. Nakita ko ang galit sa mga mata niya pero wala siyang masabi. May bakas pa ng pasa sa mata’t pisngi niya tapos ay putok ang labi. Mukhang nabugbog pala siya talaga ng matindi nila Kuya PJ. “Nandyan na lahat ng utang mo sa ‘kin,” mas nadepina ‘yung mga guhit sa noo niya bago sinilip ang laman ng envelope. It’s a list of the things he received from me and their corresponding prices. Inipon ko ito paunti-unti noon hanggang sa makumpleto ko rin ngayon. Sandali niyang ni-scan ang hawak na mga papel. Nanlaki ang mga mata niya’t bumagsak ang panga pagkatapos. Siguro’y nakita na niyang halos kalahating milyon ang nagastos ko sa kanya sa loob ng apat na taon. I’m not really after the things I already gave away but after what he did, I guess I can also be petty. I flipped my hair and turned my back on him. Aalis na sana ako pero may nakalimutan pala akong sabihin. Kaya huminto pa ako at humarap muli sa kanya. “I accept installment by the way.” Halatang walang naintindihan ‘yung ibang tao sa pinaguusapan namin ni Joaquin. Pero pinapanuod lang nila kami. Nang tingin ko’y nasabi ko naman na lahat, bumalik na ako sa loob ng opisina ko at nagsimulang magtrabaho. Tiningnan ko ‘yung proposal ni Inna. Simula pa lang ay maganda na ito, halatang pinagisipan. Hinimay-himay ko lahat ng pahina at nag-note ng ilang tanong para pag nagpatawag ako ng meeting. Siguro’y ilang oras din ang lumipas bago ako napatingin sa biglang pagbukas ng pinto. Nakita ko si Joaquin na agad isinarado ang pinto at binaba ang mga blinders. Kaya walang makakakita sa kahit ano mang balak niyang gawin sa akin.    Hindi naman ako natatakot dahil alam kong kaya kong protektahan ang sarili ko. Syempre ay tinuruan ako ng mga kuya ko kung paano mag self-defense. “Yes Mr. Delgado? May hindi pa ba malinaw sa ‘yo?” Nagtaas ako ng kilay at dumekwatro bago siya lumapit sa harapan ko. Nakaupo ako kaya ngayon ay parang ang taas-taas niya sa akin. “Para saan ‘to?” inis niyang tanong sabay pakita sa akin nung envelope na binigay ko. Nilamukos niya ito bago binato sa sahig. I smirked. May kinuha akong panibagong envelope dahil inasahan ko nang gagawin niya ito. Binato ko ito sa lamesa. “Here’s another copy. Don’t worry, i-email ko rin sa ‘yo ito-” “Reign!” “Bakit? Akala mo ba may libre pa sa mundo?” Nagitla ako nang hawiin niya ang laman ng lamesa ko kaya nagbagsakan lahat sa sahig. Pagkatapos ay mas inilapit niya ang sarili sa akin, kita ko ang nagaapoy nitong mga mata. Kung walang lamesa sa pagitan namin, siguro nasakal ko na siya sa galit. “Ano bang pinagmamalaki mo? Ang mga Savage? Na asawa ka ng may-ari ng kumpanyang ito?” I could clearly see that he was mocking me but I just looked at him with a straight face. “Nagagalit ka dahil ginamit kita. Bakit? Sa tingin mo ba hindi ka ginagamit ng lalaking pinakasalan mo?” Nanlamig ang buong katawan ko. Hindi naman ako dapat mapaisip sa sinabi niya dahil alam ko naman simula pa lang ang dahilan ng pagpapakasal ko kay Dax. Pero kahit alam kong hindi ito dapat magamit ni Joaquin laban sa akin, napaisip ako dahil tama siya. Nagagalit ako dahil ginamit niya ako, pinerahan at niloko, pero pagdating kay Dax ay nagpagamit ako. Hinayaan kong pakasalan niya ako para sa investor na kailangan nila. Ito na ba ‘yung pagiging tanga sa pag-ibig na sinasabi ng marami? Did I really fall for it? “At ito?” tinuro niya ang mukha niya kasabay ng pagsuntok niya sa lamesa ko. “Ikaw ang may gawa nito sa akin, hindi ba?! ‘Yung kuya mong basagulero!” hindi ko na natiis ang sarili ko’t nasampal ko siya nang malakas. Bastusin na niya ako pero wag lang ang pamilya ko. “Hindi mo kilala ang pamilya ko kaya magingat ka sa mga salitang lumalabas dyan sa bibig mo.” Hinawakan niya ‘yung pisngi niyang nasampal ko bago natawa. Mabilis lang ito at nagbagong muli ang ekspresyon ng mukha niya.   Nakita ko ang pagtaas ng kamay niya at akmang pagsampal sa akin pabalik. At kahit handa na akong pigilan siya sa gagawin, bumukas ang pinto ng opisina ko’t nakita kong nakatayo si Dax dito. Unti-unting nagdilim ang paningin ni Dax nang makita ang estado ko at ng opisina ko. Nakakalat sa sahig ang mga gamit ko, maswerte na kung buo pa ‘yung laptop ko. Malamang sa malamang ay namumula rin ang buong mukha ko sa galit. Napatingin si Dax kay Joaquin, tila ba nabasa ko ang sunod na gagawin niya nang ikuyom niya ang mga palad niya. Kaya naman umiling agad ako sa kanya. “Dax!” May mga nakasilip kasi na empleyado ngayon at ayokong mabigyan nila ng ibang kahulugan ang nangyayari. Huminga nang marahas si Dax. Pumikit nang mariin at pagkadilat ay agad na lumapit sa akin. Akala ko aalis na kami nang mapayapa nang bago pa man makalayo ay sinuntok niya sa mukha si Joaquin! Tumumba ito sa sahig at hindi ko na nakita pa ang sunod na nangyari dahil hinawakan na ni Dax ang kamay ko’t hinaltak ako papalabas. He didn’t have to hold me close pero nakapulupot ang braso niya sa beywang ko na para bang ayaw niyang kahit katiting na distansya ay magkaroon kami. Tuloy ay ito na naman ang puso kong baliw na baliw sa kanya. Napatingin ako sa seryosong mukha ni Dax at napangiti. Gusto ko kung paano niya ako protektahan. “Bakit mo ko pinuntahan? Akala ko may trabaho ka.” “I cancelled my lunch meeting so we can eat together,” pahina ‘yung boses niya pero mabuti na lang matalas ang pandinig ko. I pressed my lips together and hid a smile. Kahit alam kong sa aming dalawa ako lang ang nagmamahal, sapat na sa akin ang maramdamang pinapahalagahan niya ako… …na pinipili niya ako. *** Tinigitan ko ‘yung natitirang fried chicken sa lamesa. Pagkatapos ay nag-angat ako ng tingin kay Dax na seryoso lang ang tingin sa akin kanina pa. Hindi rin siya nagsasalita. Pero dahil sarap na sarap akong kumain kasama siya ay hindi ko na lang ito pinansin pa. Binalik ko ‘yung tingin sa manok. “Stop talking to the fried chicken and just eat it,” kahit malamig ang pagkakasabi ni Dax nito ay natawa pa rin ako. At mukhang nahawa siya dahil kahit hinaharang na naman niya ‘yung kamay niya sa bibig niya, halata pa rin na nangingiti siya habang pinapanuod akong kumain. I became busy again enjoying myself while eating. Habang kagat-kagat ko ‘yung chicken gamit ang isang kamay ko, nasamid ako nang biglang hawakan ni Dax ‘yung isang kamay kong nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Inabutan naman niya ako ng tubig kaagad at uminom ako para mahimasmasan. “Anong nangyari kanina sa opisina mo? Sinaktan ka ba ng ex mo?” ito na naman ‘yung malalim niyang tingin. Para bang hindi niya ako gustong magsinungaling. Nagpatuloy ako sa pagkain habang nagsasalita. “Well, he got pissed off. Pinapabayaran ko kasi lahat ng mga bagay na natanggap niya sa akin-- Thanks,” pinunasan ni Dax ‘yung labi kong may gravy gamit ang daliri niya. Pagkatapos ay sinubo niya ito kaya tiningnan ko siya nang masama. “So ayun nga, you don’t have to worry. Kaya ko naman protektahan ang sarili ko. Ako pa nga ang sumampal sa kanya at ‘yung naabutan mo, gaganti lang sana siya.” Nangalumbaba na naman siya sa lamesa. Pinisil niya nang marahan ang kamay ko habang nakatitig sa akin. Wala siyang sinasabi pero nailang ako bigla. Uminom ako ng tubig at inalok siya ng fried chicken. Nang makita kong sasagot na sana siya ay nagsalita agad ako. “Joke! Binigay mo na sa ‘kin e, walang bawian!” I stuck my tongue out and he laughed – he literally laughed! Ako tuloy ang natulala dahil dito, pakiramdam ko kahit ‘yung ibang empleyadong nandito sa restaurant at nakakakilala sa kanya nagulat din. Kung pwede ko lang gawing ringtone ‘yung narinig ko ay kanina ko pa ginawa. Ngayon ko lang nakita ‘yung ganitong pagtawa niya. Kadalasan kasi ay mahina o reserved lang. “Thank you for coming into my life,” may multo ng ngiti sa labi niya. And again, he made my heart skipped a beat. I had to think of other things just so he wouldn’t notice. Dahil nakaramdam na ako ng pagkabusog, binaba ko na ‘yung hawak kong pagkain at nagpunas sa tissue. “Ikaw? Bakit ka pala pinatawag ni Mrs. Savage?” naisip ko biglang itanong. Nagbago naman ang ekspresyon sa mukha niya. Para bang may mali na naman akong nasabi. “Tapos ka nang kumain?” tumango ako dahil kinabahan ako bigla sa tono ng pagsasalita niya. Parang bumalik ‘yung dating Dax na kinakatakutan ko. Tumayo na siya kaya naman kahit ayoko pa sana ay sumunod na rin ako sa kanya. Ang bilis niya kaya medyo hinabol ko pa siya. “Babalik ka pa sa office?” hinampas ko ‘yung likod niya para tumingin siya sa akin pero napahinto lang siya at napahawak sa pader. Para bang babagsak siya. Mukhang napalakas yata ‘yung hampas ko sa kanya’t ganito na lang ‘yung paglukot ng mukha niya. “Sorry…” “Yes, may meeting pa ako,” sagot niya at sumunod na lang ako sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya nang hindi na hinihingi pa ang permiso niya. Napatingin siya rito at mas hinigpitan ang hawak sa akin. Parang umaapaw ang puso ko ngayon dahil mas malaya akong gawin anumang bagay na maisip ko kasama siya. Ni-sway ko na naman ang magkahawak naming mga kamay habang naglalakad papunta sa parking lot. Nasa harap na kami ng sasakyan nang matigilan ako dahil sa pag-vibrate ng phone ko. Nabuhayan ako pagkakita kung sino ang nag-chat sa akin. MIGUEL: I’m sorry… I forgot to tell you that I joined a community immersion in Mindanao. Ngayon lang ulit ako nagkaroon ng internet. MIGUEL: Pabalik na ako ng Maynila. Kamusta ka?    REIGN: Hiiiii! I just got married! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD