Kabanata 26

3512 Words
Na-seen na ni Miguel ‘yung chat ko pero ang tagal niyang mag-reply. “Sino si Miguel?” tanong ni Dax bago kami sumakay sa loob ng kotse niya. It’s the first time that he became interested with my business. Hindi pinasama ni Dax si Harold kanina kaya siya pa rin ang magmamaneho ngayon pabalik ng opisina. Ayo slang din naman dahil kung tutuusin ay mas gusto kong nasosolo siya. Dahil mas matangkad siya sa akin, nasilip yata niya ‘yung phone ko kaya nakita niya kung sino ang kausap ko.  “Kaibigan ko-” MIGUEL: Kailan pa? REIGN: Nung Sunday. Sayang ‘di kita na-invi Na-send ko nang ‘di pa natatapos ‘yung chat ko dahil sa biglang paglapit ni Dax sa akin. Akala ko papaandarin na niya ‘yung kotse kaya nanlaki ang mga mata ko nang kakaunting distansya na lang ang natira sa pagitan namin. Amoy ko na naman ‘yung pabango niya at sa sobrang lapit, kita ko ‘yung haba ng pilikmata niya. Napasandal ako lalo. Napapikit din. Pero nang wala namang nangyaring kahit na ano, idinilat ko ang isang mata ko at nasilip na kinabit lang pala niya ang seatbelt ko!  Hindi ko akalain na mangyayari sa akin ‘yung mga nababasa’t napapanuod ko lang!  “You can’t use your phone on our way to the office,” napalunok ako nang mapatitig kay Dax. Pagkalayo niya ay doon lang ako nakahinga. Biglang uminit kaya binabaan ko ‘yung temperature ng aircon. “It’s not like I’m driving,” sabi ko nang mag-sink in sa akin ang sinabi niya bago binalik ang tingin sa phone ko. Kakasend lang ng chat ni Miguel. Nakakapagtaka’t kadalasan mabilis siyang mag-reply. Busy pa rin kaya ito hanggang ngayon? MIGUEL: Congrats.. So who’s the lucky guy? REIGN: ... Pumatong ‘yung kamay ni Dax sa ibabaw ng hita ko kaya muntikan ko nang mabitawan ‘yung phone ko.  “Eyes on the road,” sabi pa niya na para bang ako ‘yung nagmamaneho at hindi siya.  Tinaasan ko siya ng kilay. Ano kayang trip nito ngayon at napaka-clingy bigla sa akin? May nagawa kaya siyang kasalanan? Magre-reply na sana ako kay Miguel nang bigla na lang niyang kunin ang phone ko. “What time do you get off work?” Tinitigan ko siya nang masama. Paano’y nangunguha siya ng cellphone! Tyaka bakit bigla na lang siya naging curious kung anong oras ang uwi ko? “It depends.” “What do you mean?” Nag-ipon ako ng hangin sa bibig at pagkatapos ay binuga ito out of frustration.  “If you’re still at the office, I stay later than usual and wait for you. Pero kung wala ka na, na kadalasan naman oo, maaga akong umuuwi.” Napasinghap ako nang muntikan nang mabangga ni Dax ‘yung kotse sa harapan niya. “Dax! Okay ka lang?” tanong ko pero hindi na siya nakapagsalita pa. Namumula rin ang tainga niya, siguro nagulat talaga sa muntikan naming pagbangga.  “I’m fine.” “Hindi e, namumula ‘yung tainga mo,” hahawakan ko sana ito pero mabilis niyang nahuli ang kamay ko. Pinagsalikop niya ang mga kamay namin habang ‘yung isang kamay niya ang nagmamaneho. Hindi na tuloy ako nakapagsalita. Naghintay ako kung may follow up question pa siya pero nakarating kami sa office nang tahimik siya. Kanina pa niya ako ginugulo tapos wala naman pala siyang sasabihin. Ang hirap din talagang ispelengin ng lalaking ‘to.  Pagkababa ng sasakyan, tyaka lang niya inabot ‘yung phone ko pabalik. “So can I use my phone now?” I crossed my arms, tila ba nagsusukatan kami ng tingin. “You can’t, if it’s for personal use,” masungit na sagot niya bago ako nilagpasan. Nauna na siya papasok at napailing na lang ako nang sumunod ako sa kanya.  Sinilip ko ulit ‘yung phone ko kaya medyo binagalan ko ang lakad. MIGUEL: Haha sikreto ba kung sino?  MIGUEL: If yes, then I’m sorry for asking REIGN: Hahaha hindi naman. Gusto mo pakilala ko pa kayo sa isa’t isa? Kaya lang baka maloka ka! At nabitawan ko na nga ‘yung phone ko dahil biglang hinawakan ni Dax ‘yung beywang ko! Gamit ‘yung isang kamay niya ay nasapo naman niya ‘yung phone ko kaya ligtas ito. Pero ‘yung puso ko, oo cliche man pakinggan pero iyon ‘yung hulog na hulog ngayon! Akala ko nauna na siya sa akin, hindi ko napansing huminto pala siya! Tuloy ay dahil lunch time ngayon, maraming empleyado sa ground floor ang nakatingin sa amin. Pakiramdam ko mukha na akong kamatis sa pula ng mukha ko.  Ngumiti ako bago nagsalita kay Dax. “Why are you being like this?” “Hindi ba pwede? Asawa mo ako-” “No, seriously. Boss kita Dax.” “Oo. Kaya ako rin ang masusunod kung paano ko gustong tratuhin ang asawa ko.” Ito na naman ‘yung puso’t mga paruparo sa tyan kong nagdiriwang. But I held my chin high. “What do you want to get from this, really Dax? Promotion ba ito ng relationship natin?” Hindi ko alam kung bakit ko sinisira ang mood pero gusto kong makasigurado na tama ang nararamdaman ko. Hindi na kami nakapaglakad dahil huminto si Dax at humarap sa akin. Tila ba gusto niyang tingnan ko siya sa ng diretso, para makita ko ang sinseridad niya. He cupped my face before he started talking, tuloy ay parang ang liit-liit ng mukha ko sa kanyang mga kamay. “I just want everyone to know that you’re my wife - that you’re mine. And that no one, aside from me, is allowed to touch you.” Here come the little curses in my head again. Tumingin ako sa sahig dahil hindi ko makayang makipagtitigan sa kanya. Para akong nahuhulog ng paulit-ulit sa isang patibong pero hinahayaan ko lang. Reign Valderrama, saan na napunta ang katalinuhan mo?! Hinawakan ni Dax ‘yung kamay kong malaya at marahan akong giniya papunta sa elevator. Lumayo na naman ‘yung mga empleyado kaya kami ang naiwan sa harapan. Mukhang pinagpipyestahan na naman kami ng mga tao. Nakakita ako ng pag-flash ng camera kaya mukhang may kumukuha na naman ng litrato namin. Lilingunin ko sana ito nang bumukas na ang pinto ng elevator. Dito namin nakita si Mrs. Savage. Para bang huminto ang oras nang may kakaibang awrang namuo sa paligid. Ang weird lang dahil ganito pa rin ang pakiramdam ko sa kanya kahit araw-araw na nga kaming nagkikita. Kakaiba sa pakiramdam ang makita siya ngayon. Lalo na nang mapatingin siya sa mga kamay naming magkahawak. At hindi ko malamam kung bakit - hindi ko alam kung anong puno’t dulo ng pakiramdam kong ‘to. Hinigpitan ni Dax ang hawak sa akin bago siya tumango sa nanay niya. Wala silang sinabi sa isa’t isa. Basta na lang kaming taas-noong nilagpasan ni Mrs. Savage. Pagkasakay namin ng elevator, wala nang nagsasalita sa amin ni Dax. Tuloy ay naghiwalay kami na para bang may ibang bigat na nararamdaman sa loob.  Ganito nagpatuloy ang araw ko sa opisina.  Nag halfday si Joaquin kaya wala naman akong naging problema sa kanya.  Nagkausap naman kami ni Inna regarding sa marketing campaign na ginawa niya.  Kaya lang lumilipad ang isip ko dahil panay si Dax lang ang laman nito. Kaya nga naisipan kong mag-set na lang ng panibagong meeting. Baka naman pagod lang ako ngayong araw kaya medyo wala ako sa sarili. Mabagal lumipas ang araw na ‘to. At dahil alam kong may meeting si Dax, naisipan kong dumiretso uwi na lang nang makita ko ang oras. Paglabas ko ng building, nakita ko si Harold na abot tainga ang ngiti sa akin. Medyo natawa at napailing ako nang maalala ko ‘yung ka-shungahan na ginawa niya noon.  “Keep up the good work!” sabi ko pa bago pumasok sa loob ng pintong binuksan niya. Muntikan nga lang ako mapasigaw sa saya nang makita ko rito si Dax! “Akala ko ba may meeting ka?!” Hinampas ko siya sa braso. “Sorry,” sabi ko agad dahil napatingin siya sa kanyang braso. “Maagang natapos kaya bumalik muna ako rito-” “Naku Ma’am! Hindi na tumuloy si Sir sa meeting niya kasi late na matatapos! Kanina ka pa kaya niya hinihintay!” singit ni Harold pagkasakay sa driver’s seat at gusto ko na talaga siyang bigyan ng house and lot! “Hindi pa ba tayo aalis?” masungit na tanong ni Dax at ngayon ay nakatingin na lang siya sa bintana.  Ayoko na lang siyang tuksuhin kaya itinago ko lang ang kilig ko.  Nagsunod-sunod ang pag-vibrate ng phone ko at nang tingnan ko kung bakit, muntikan na akong matawa dahil sa group chat na “Valderrama Brothers” - bagong gawa ito ni Kuya MJ. MJ: Hello brothers! Mag-update kayo rito from time to time lalo ka na @Reign! Para malaman naming buhay ka pa! PJ: Gago! Kung ikaw kaya patayin ko? TJ: “Brothers” pero nandito si Reign? Are you just trying to waste our time? PJ: Oo siraulo ‘yan kahit kailan e. REIGN: Hiiii!!! May bago na kayong tao sa marketing? MJ: Babe! Si PJ muna ‘yung pinaghawak ng marketing. PJ: Gago ‘di ako papasok.  TJ: PJ, watch your words. Natawa ako. Puro kalokohan na ‘yung naging usapan namin sa group chat. Pero ang laking tulong din nito para kahit papaano mabawasan ‘yung pagka-miss ko sa kanila. Pansin kong tahimik lang si Dax hanggang sa makauwi kami sa kanila. Nahihiya yata sa sinabi ni Harold kaya hindi ko na tinukso pa. Pagdating sa loob ng bahay, sinalubong naman ako ni Bobbie. “Can we talk?” tumingin siya sa akin at kay Dax. Nakuha ko agad ‘yung kahulugan ng tingin niya. “Una ka na muna,” sabi ko kay Dax dahil mukhang may importanteng sasabihin si Bobbie na ayaw niyang malaman ng kapatid niya. Naintindihan ko naman siya dahil ganito rin ako sa mga kuya ko paminsan-minsan. Hinila ako ni Bobbie sa sala at naupo kami rito nang magkatabi.  “Anong problema?” tanong ko kaagad. “I need a boyfriend,” seryoso ang pagkakasabi niya pero gusto kong matawa. “Why? Bakit biglaan naman yata?”  “Basta! Kailangan ko ng boyfriend as in now na. May marereto ka ba sa ‘kin?” Naisip ko agad sila Kuya. “Basta wag lang mga kuya mo!” “Okay! Grabe maka-wag? Pogi naman sila kuya ah.” “Yes! I know! Kaya mas lalong ‘wag sila!” Humalukipkip siya’t sumandal sa couch na para bang inis na inis. May dalaw yata ito at napaka-emosyonal. “Ano bang hanap mo?” Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako. “Gusto mo ba ng singkit? O bilugan ‘yung mga mata-” “Wala naman sa mata ‘yun basta matangos ‘yung ilong-” “So wala sa mata, pero nasa ilong?” Humagikgik ako at natawa din si Bobbie sa tanong ko. Mabuti naman at huminga rin ito sa wakas.  Ipinatong ko ‘yung kamay ko sa balikat niya bago nagsalita. “Madaling humanap ng boyfriend Bobbie. Alam mo kung anong mahirap? Makahanap ng lalaking mamahalin mo at magmamahal sa ‘yo ng totoo. ‘Yung kahit magpakatanga ka ayos lang.” Ang hugot ng sinabi ko kay Bobbie pero sa reaksyon ng mukha niya ay mukhang naintindihan naman niya ang pinupunto ko. *** Nakakapagtaka. Bakit kaya nakasunod pa rin sa akin si Dax?  Kakatapos lang namin maghapunan at ngayon ay papunta na ako sa kwarto para makapaghilamos at makapagpahinga. Hindi ko alam kung bakit nakasunod pa rin sa ‘kin si Dax. Pagdating ko sa harap ng kwarto ay dito na ako huminto’t humarap sa kanya. “Saan ka pupunta?” medyo mataray ang pagkakatanong ko.  “Sa kwarto,” walang emosyong sagot niya at bago pa ako makapagprotesta’y binuksan na niya ang pinto ng kwarto. Binuksan niya ang ilaw at pumasok sa loob. Sinundan ko lang siya ng tingin nang dumiretso siya sa aparador. Pagbukas niya nito, nakita kong nandito na ang mga damit niya! Dito ko inilibot ang mga mata ko sa buong kwarto. Napansin kong nandito na rin ang ibang gamit niya niya na ngayon ko lang nakita gaya na lang ng ilang aklat niya at laptop. Hindi ako nakapagsalita nang dumiretso siya sa loob ng banyo. Siguro’y kinailangan ko pa ng ilang minuto bago natauhan. Kinatok ko agad nang malakas ang pinto ng banyo dahil sa pagkaalarma “Dax! Lumabas ka muna Dax!” Napatalikod ako sa biglang pagbukas ng pinto. Paano ba naman ay nakatapis lang siya! “Bakit bigla ka na lang lumabas?!” “Sabi mo lumabas ako.” I groaned. “B-Bakit nandito ka? Bakit dito ka maliligo?!” “This is also my room.” Sa sinabi ni Dax ay dito ko lang naalala ang sinabi niya noon. Kapag kasal na kami ay tyaka lang kami magsasama sa iisang kwarto! At kasal na nga pala kaming dalawa! “Do you want to take a shower-” “Hindi ako sasabay sa ‘yo!” Humalakhak siya. “Tatanungin lang kita kung gusto mong mauna sa pagligo.” Dahil sa hiya ko ay naitulak ko si Dax papasok ng banyo. Ako pa ang nagsarado ng pinto nang manahimik na siya! Kaya lang pagkatapos ay napatitig ako sa mga kamay kong nakahawak sa abs niya! Mas nagsisi ako sa paghawak ko sa kanya! Hindi ko tuloy malaman ang gagawin nung ako naman ang naligo pagkatapos niya. Tinagalan ko na nga lang sana para paglabas ko tulog na siya.  Reign, si Dax lang ‘yan. Kumalma ka. Breathe in. Breathe out. Tyaka bakit ba kailangan ko pang kabahan ng sobra e nakasama ko na nga siya sa Palawan. Napili kong magsuot ng striped pajamas imbes na ‘yung sando at cycling shorts na madalas kong suotin. Ayoko lang na maging hindi kumportable katabi siya sa kama gaya noong nasa condo kami. Siguro’y lumipas pa ang ilang minuto bago ako lumabas ng banyo. Naabutan kong nakahiga na si Dax at nakatitig sa phone niya. Bedside lamp na lang ang pinanggalingan ng ilaw kaya naman dahan-dahan akong naglakad papunta sa tabi niya. Hindi naman siya tumitingin sa akin kaya ayos lang. Medyo mabilis lang ang t***k ng puso ko pero kinakaya. Pagsampa ko sa kama, umalog agad ‘yung waterbed. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Napatingin tuloy ako kay Dax na gaya kanina hindi pa rin binabaling ang tingin sa akin. Nakahinga naman ako nang maluwag. Kaya nga lang nang makahiga na ako nang tuluyan ay mas umalog ‘yung tubig sa higaan. Napapikit ako. Akala ko noong una ay kasalanan ko kaya hiyang-hiya talaga ako.  Pero nang mamatay ang ilaw at maramdaman ko ang mga brasong dumausdos sa beywang ko, dito ko nalamang sumabay pala sa pagkilos ko si Dax! Kaunti kilos lang namin ay gumagalaw ang waterbed. Paano kami makakatulog nang ganito? Ayos sana kung isang tao lang ang nasa kama, pero dalawa kami - lalaki at babae pa kaya ang awkward! Ang init ng buong katawan ko kahit naka-aircon kami. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa suot ko o dahil sa nakayakap si Dax sa akin. Isiniksik pa niya ang mukha niya sa may leeg ko. Lalo tuloy uminit! Parang pinagpapawisan na ako. “Bakit dito ka matutulog?” tanong ko na agad kong pinagsisihan dahil parang sinasabi kong gusto ko siyang umalis. “I told you I’d sleep here once we’re married,” sabi niya na alam kong tama naman. Nasabi nga niya ito noon. “Goodnight baby...”  Nagtayuan ‘yung balahibo ko sa batok nang dumampi ‘yung labi niya sa batok ko. Para bang may dumaloy na kuryente sa buong katawan ko nang maramdaman ko ‘yung paghinga niya. Nanaginip lang ba ako? O totoong nangyayari lahat ng ‘to? Napagtanto kong ito ang unang beses na natulog si Dax sa kwartong ‘to kasama ako.  Hindi ko alam pero gusto kong maiyak sa saya. Nakakatakot na hindi na ‘to maulit kaya naman umikot ako, muling umalog ‘yung kama, pagkaharap ko sa kanya ay ako naman ang yumakap nang mahigpit. Nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya at dahil bagong ligo, ay sobrang bango niya.  Para akong matutunaw nang pagkatapos ng ilang segundo, niyakap din niya ako pabalik. Hinalikan pa niya ang noo ko kaya pakiramdam ko ligtas ako sa kahit anong bagay. Ito na ‘yung relasyong minsan kong pinangarap. Pakiramdam ko ako na ang pinakaswerteng babae sa mundo. Ito ‘yung mga gabing nagpatibay at nagpasaya sa akin sa loob ng halos isang linggo. Mga gabing kasama ko si Dax sa iisang kama, mga gabing pakiramdam ko perpekto ang lahat. Pagdating ng lunes ay naging abala na ako sa trabaho, nahuli pa ako ng gising dahil sa hinayaan na naman akong matulog ni Dax kahit ilang beses ko nang sinabi sa kanya na hindi ako pwedeng ma-late. Lagi niya kasing idinadahilan na siya naman ang boss ko. Pero that’s not an excuse! Lalo na’t gusto ko nang seryosohin ang trabaho ko.  I don’t want to be known as the CEO’s wife. I want to be known as the Marketing Manager because of my skills. Ang alam ko, may meeting si Dax sa labas ng office ngayong araw. Kung hindi ako nagkakamali, baka paalis na rin siya ngayon pero sana lang ay maabutan ko pa siya. Pagkababa ng kotse ay tumakbo agad ako papasok ng building. Nakasuot pa naman ako ng heels kaya medyo nahirapan ako. Saktong nakita ko si Dax na kalalabas lang ng elevator. Tila ba nagliwanag ang mundo ko at wala nang ibang nakikita kung hindi siya. Siya ‘yung lalaking una kong nakikita sa umaga. Siya rin ang kayakap ko sa bawat gabi. At siguro ako na ang pinakamaswerteng babae sa mundo, dahil kasama ko ang lalaking mahal ko sa araw-araw. Dahil sa pagmamadali ko para makalapit kay Dax, nabangga ko ‘yung babaeng naglalakad sa harapan ko. Hindi ko lang din naman kasalanan dahil hindi rin siya tumitingin sa kanyang dinadaanan. “Sorry!” sabi ko agad at tinulungan ko siyang pulutin ‘yung bag niya. Nahiya agad ako dahil sa lakas ng bangga ko sa kanya ay lumabas pati laman ng dala niya. Pinulot namin pareho ‘yung mga gamit niyang nagkalat at huli kong napulot ‘yung ID niya. Kaya lang natigilan ako. Nanlamig ang buong katawan ko. Parang biglang nabasag ‘yung hinaharap na nabuo ko sa isip ko. Dito ako natauhan. “Thank you...” mahinhin ang boses nito.  Pagtingin ko sa kanya, hindi ko alam na posible pa lang magkaroon ng babaeng mukhang anghel - mukhang inosente at ‘di makabasag pinggan. Inabot ko sa kanya ‘yung ID niya kung saan malinaw na nakasulat kung sino siya.  RICHELLE GONZALES Sinundan ko ‘yung direksyon ng mga mata niya. Dito ko nakitang nakatingin siya kay Dax. Bakas sa mga mata niya ang lungkot. Kapareho ng lungkot na madalas kong makita sa mga mata ni Dax. Ngayon muling naging sariwa sa akin ‘yung naramdaman ko noong nakaraang linggo. Umakyat ang dugo sa ulo ko.  Ang init sa dibdib at parang pinipiga ang puso ko. At dahil ako nga si Reign at isa akong Valderrama, hindi na bago ang sunod kong ginawa. Binaling ko ang tingin kay Dax at binilisan ang lakad papunta sa kanya. Oo buong buhay ko, proud ako dahil kahit minsan ay hindi ako naging madamot. Mapagbigay ako sa lahat ng tao kahit na sa huli ako ‘yung nauubos.  Pero pagdating kay Dax, gusto kong maging madamot. Magalit na ang buong mundo, isumpa na ako ng lahat, pero akin lang si Dax. Nang magkaharap na kami, ibubuka pa lang niya ang bibig niya para magsalita nang nakawan ko na siya ng halik. Pumikit ako at pilit inisip na walang ibang tao sa paligid. Ipinulupot ko ang mga braso ko sa kanyang leeg, giving him one hot torrid kiss. At tumugon siya sa mabagal na pagkilos ng labi ko, hinawakan pa niya ako sa beywang na mas lalong nagpalakas ng loob ko. Mas naging mabilis at mapusok ang halik namin, na para bang hindi na kami makapaghintay pang matapos ang araw na ‘to. Nang maghiwalay ay pareho kaming naghahabol ng hininga. Nagtatanong ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. “I’m sorry but I have to mark my territory.” Sa gilid ng mga mata ko, kita kong nakatayo pa rin si Richelle at nakatitig sa amin.  Hanggang tingin ka lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD