Kabanata 27

3555 Words
Aminado akong maganda si Richelle. Maihahambing nga sa isang anghel kung tutuusin. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa maputi siya pero kahit wala siyang make-up ngayon angat na angat talaga ang ganda niya. Idagdag pa ang pagkakaroon niya ng makinis na balat at balingkinitang katawan. Kayang-kaya niya makipagsabayan sa mga sikat na artista. Kaya masisisi ba ako ng kahit na sino kung nakakaramdam ako ng selos at pangamba ngayon? Mukhang hindi kasi siya madaling kalaban. Nakita kong naglakad si Richelle papalapit sa amin ni Dax. Akala ko lalagpasan lang niya kami pero talagang ang lakas ng loob niya’t huminto pa sa harapan namin - teka, baka makapal lang talaga ang mukha. ‘Yung mga tao ngang nakakita sa ginawa ko, nahihiyang dumaan kahit sa gilid namin at umiikot pa nang ‘di makaistorbo, pero mukhang hilig talaga ng babaeng ‘to ang maki-epal. Mas marunong pang mahiya ang hangin kaysa sa kanya. “Good morning Dax— Mr. Savage,” medyo ilang na yumuko si Richelle sa harapan namin. Umirap ako sa kawalan dahil hindi ako naniniwala sa kinikilos niya. Tiningnan ko si Dax at seryoso lang ang tingin niya kay Richelle kahit nang magtagpo na ang mga mata nila. At dahil hindi ko makayanang makakita ng tensyon sa pagitan nila ay umaksyon na ako bago pa ito mangyari. “Hi! Siya lang may good morning?” singit ko. Hindi ko alam kung pag-arte o talagang nagulat siya sa pakikipagusap ko sa kanya. Hindi ba niya akalain na magagawa kong mang-istorbo sa moment nila? Inisip ba niya na gaya ng ibang babae ay iiwanan ko lang si Dax sa kanya at magmumukmok sa isang sulok hanggang aluin? Sorry Richelle, pero nagkamali ka ng babaeng binangga.  Pinili kong magtiwala kay Dax. Kaya ang muling pagsulpot ni Richelle sa buhay namin ay hindi dapat magpabago sa desisyon ko. Hangga’t hindi ako binibigyan ng dahilan ni Dax para magduda ay kakapit ako sa tiwala ko sa kanya.  Nagpabalik-balik ang tingin ni Richelle sa amin ni Dax. Tila ba hindi niya alam ang sasabihin kaya ako na ang nagbigay linaw sa kanya. “Mrs. Reign Savage,” inabot ko ang kamay ko para makipagkamay. Tumitig siya sandali rito at pagkatapos ay inosente niya itong kinuha na mas lalo ko lang ikinainis. “And you’re?” Nagkunwari akong hindi siya kilala dahil ayokong isipin niya na ganuon siya kaimportante para pagusapan naming ni Dax. “Good morning Ma’am, Richelle Gonzales po--” Bumitaw ako at humarap kay Dax. “Una ka na, baka ma-late ka pa sa meeting,” malambing ang pagkakasabi ko nito at nakita ko agad ang paglambot ng ekspresyon ng mukha niya.  “Sige. Tawagan mo lang ako pag may problema rito,” sabi niya na alam kong tungkol na naman kay Joaquin. Tinanggihan ko kasi ‘yung personal guard na binibigay niya sa akin dahil masyado nang OA. Kaya heto siya’t laging may bilin ngayon.  Sa totoo lang ay wala pa kaming encounter ni Joaquin ulit pagkatapos ng nangyari. Hindi rin naman siya nagpapapasok kaya wala talaga akong pakielam. Baka ka naga-AWOL na siya at ma-report na rin sa HR. Hinawakan ni Dax nang marahan ang mukha ko gamit ang isang kamay. Pagkatapos ay hinalikan niya ako sa noo bago naglakad papalayo. Parang matutunaw na naman tuloy ako. Nakita kong nalagpasan na niya si Richelle kaya nakahinga na sana ako nang maluwag. Kaya lang natigilan pa siya nang biglang bumigay ang tali ng bag ng babaeng ‘to. Tuloy ay bumagsak na naman ito at nagkalat ang mga laman sa sahig. Ako lang ba ‘yung naiirita sa mga ganitong klase ng tao? Kung sira na ang bag niya, edi palitan niya. Hindi naman kailangan ng malaking pera. Marami namang mura dyan kahit sa palengke. Kung nakakabili nga siya ng heels, bakit ‘di ang bag? O baka naman iniisip niya na may iba namang pwedeng bumili para sa kanya?  Ayoko talaga sa lahat ‘yung mga babaeng alam na ngang nakakaawa sila, hindi pa tulungan ang sarili. They keep on acting like a damsel in distress while waiting for some random guy to save them. Iyon talaga ang clićhe at hindi na ‘to uso ngayon. “S-Sorry...” nauutal pa siya nang magsalita. Para bang maiiyak kaagad habang nagpupulot ng gamit. Imbes na makisimpatya sa kanya ay mas naiinis lang ako ngayon. Bakit ba kailangan niyang ipakitang nakakaawa siya?  Nasagot agad ang tanong ko nang makita kong tinulungan ni Dax si Richelle sa pagkuha ng mga gamit. Sobrang lapit nila sa isa’t isa kaya mas nakaramdam ako ng poot sa loob ko. Mabenta ang ginagawa nitong pag-arte at hindi ko masikmura na ako pa ngayon ang lumalabas na extra sa eksena nila. At kahit gusto ko nang sumabog, nagpakatatag ako. Huminga nang malalim, yumuko, at nakitulong sa kanila. Pumagitna ako sa dalawa para ni siko nila hindi magdikit. Richelle looked so helpless and I’m hating her even more. Parang binabalandra pa niya sa lahat na kaawa-awa siya at nagpapapansin. “Ako nang bahala rito,” sabi ko kay Dax at hindi ko alam kung para kanino ‘yung pagaalalang nakita ko sa mga mata niya bago siya umalis. Naiwan ako kasama si Richelle. Pagtayo niya ay sumabay na rin ako. Tinulungan ko na siya sa bag niya papunta sa elevator kahit nakakarindi na ang paghingi niya ng sorry. Baka isipin pa kasi ng iba ang sama-sama ng ugali ko kapag iniwan ko siya. Magmumukha siyang ligaw na pusa rito.  “Saang department ka?” tanong ko pagkapasok namin sa loob ng elevator. Kunwari’y wala pa rin akong ideya kung sino siya. “Ahh sekretarya ako ni Dax— Mr. Savage dati. Bumalik lang ako para kunin ‘yung ilang gamit na naiwan ko,” ang hina ng boses niya kaya mas nairita ako. Nakakapagtaka lang dahil bakit ngayon lang niya kukunin ‘yung mga ‘yon e matagal na siyang wala sa kumpanya? “Oh okay. Gaano katagal ka ba nagtrabaho rito?”  “Limang taon...” “Ang tagal din ah. Where are you working now?” “Wala pa rin akong trabaho.” “Mahirap makahanap ng work? But you have enough work experience-” “Iba pa rin kasi sa Savage Enterprises.” Sa tono ng pananalita niya ay halatang may iba siyang ibig iparating kaya pumait ang panlasa ko. Dahil una akong bababa ng elevator ay hinarap ko na siya’t hindi na nagpaligoy-ligoy pa.  “For sure mahirap talagang makahanap ng iba, pero Ms. Gonzales kailangan tanggapin mong hindi ka na rito nagtatrabaho. So as the CEO’s wife, I’d appreciate it if you’d stop contacting my husband for your personal needs-” “P-Pero siya ang nagsabing lapitan ko siya pag... pag may problema ako.” Nanlaki ang mga mata niya, kita ang nagbabadyang luha mula rito. Kumirot ang dibdib ko. Nakaramdam din ako ng pagkahilo kaya humawak ako sa malamig na pader para sa balanseng kailangan ko.  “Pwede mo naman akong lapitan. Hindi mo na kailangan pang abalahin ang asawa ko. Alam mo kasi, masyadong mabait si Dax lalo na sa mga nangangailangan. Mahilig ‘yun magbigay ng limos. Kaya siguro hindi makatanggi sa ‘yo.” Bumukas ang pinto ng elevator. Lumabas ako at hindi na nagabala pang tingnan si Richelle. Sapat na muna sana sa akin ang pagbibigay ng warning sa kanya. Pero may pahabol pa siya. “Ganun ba... pakisabi na lang kay Dax, kunin na niya ‘yung mga gamit niya sa bahay. P-Pasensya na rin talaga...” Dito na parang may sumaksak sa likuran ko. ‘Yung kaninang poot na kaya ko pang kontrolin, ay umapaw na.  Hinarap ko ‘yung pasarado nang elevator at tumapak sa pagitan ng pinto. Dito nag-angat ng tingin si Richelle sa akin, umaagos ang luha sa mga mata niya. “Sorry...” “Sorry for what?!”  “Hindi ko kayang mawala s-si Dax sa akin.” Parang umusok ang ilong ko sa galit. Oo mukha siyang anghel pero para sa akin ay demonyo siyang nagbabalat anyo. “Pwes kayanin mo! Gawan mo ng paraan! Problema mo ‘yan kaya ‘wag kang magbigay ng problema sa iba,” lumapit ako sa kanya para mas bigyang diin ang mga sinasabi ko kaya lang tinulak niya ako papalayo’t tumama ako sa pasarang pinto ng elevator. “Sorry!” sigaw niya na para bang siya pa ang mas nakakaawa sa aming dalawa. Napapikit ako dahil sa sakit na dala nito pero ininda ko lang. Hindi ako nagpaapekto. Umiling naman siya at humagulgol. Walang na siyang masabing iba kaya mas nanggigil ako.  “Wala akong pakielam kung sino ka man sa buhay ni Dax. Kung ano man ang mayroon kayo noon. Pero ngayong nandito na ako, subukan mo lang manghimasok ulit sa relasyon namin - pagsisisihan mong nag-krus pa ang landas natin.” Tinalikuran ko na siya. Pero huminto ako nang marinig ko ang mas malakas na iyak niya. Tuloy ay may ilang empleyado nang napahinto’t napatingin sa amin. Masama ang tingin nila sa akin na para bang ako pa ang may kasalanan ngayon. “Sinasabi ko sa ‘yo Richelle, hindi ako tanga para madala ng peke mong luha.” *** Pangatlong baso na ng tubig ang nainom ko pero hindi pa rin ako mapakalma nito. Masakit pa ang likod ko dahil sa panunulak ni Richelle. REIGN: Ughhhhhhhh! TJ: Babe, what’s wrong? PJ: Tangna! Sinaktan ka ba ng asawa mo?! MJ: Babe, wrong GC ka ata! REIGN: Naiinis lang ako.  Ang bilis mag-chat ng mga kapatid ko kahit alam kong nasa office din sila ngayon. Tuloy ay napangiti ako kahit bad trip na bad trip talaga ako. Pero hindi ko na sinabi pa sa kanila ‘yung problema ko lalo na’t ayokong sumama ang tingin nila kay Dax. That’s the last thing I want to happen. Hangga’t maaari’y gusto kong maganda ang imahe ni Dax sa pamilya ko.  Naisip kong i-chat din si Miguel. Huling usapan pa namin nung nakaraan. Nawala rin kasi siya sa isip ko. Siguro nasanay na lang din akong hindi siya kausap.  REIGN: Can I sue someone who’s trying ruin my marriage? Ise-send ko pa lang ‘yung chat ko nang biglang magpakita si Joaquin dito sa pantry. Nakakakaba dahil bukod sa kaming dalawa lang ang nandito, masama pa ang tingin niya sa akin.  “Good to know you’re back,” casual na bati ko sa kanya at akmang lalagpasan na siya nang hawakan niya ako sa braso.  “Kailan pa naging kayo? Pinagsabay mo ba kami?” galit na galit niyang tanong. Hindi siguro kinakaya ng pride niya ‘yung ideya na naloko rin siya. Natawa ako dahil dito. Hindi ko nga alam kung dinig hanggang labas dahil sa sobrang lakas. “Mahalaga pa ba ‘yung sagot sa tanong mo?” “Oo! Pinagsabay mo kami!” “You’re unbelievable, Joaquin. Tingin mo talaga tutulad ako sa ‘yo? Mahiya ka nga! Hindi ko talaga alam kung bakit imbes na gamitin mo ‘yang utak mo sa trabaho, sinasayang mo pa sa pagiisip ng kung anu-ano,” inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin at nilagpasan na siya ng tuluyan. I guess the best revenge to a cheater boyfriend is actually creating a new life for myself. Hindi na ako maghahabol pa, hindi na ako magtatanim ng galit, at mas lalong hindi ko na babalikan lahat ng pinagsamahan namin.  Ito rin ang kagandahan ng pagdating ni Dax sa buhay ko. Dahil sa kanya ay mas nagseryoso ako.  Kahit mahirap man para sa akin, nagawa kong ituloy ang meeting namin ngayong araw. Hindi na kasi ito pwede pang i-postpone. Nakinig lang ako sa presentation ni Inna at nagbigay ng suggestions para mas ma-improve pa ‘yung campaign. Nakakatuwa dahil mas professional na rin si Vicky kumpara noon. Siguro’y nagkahiwalay na sila ng tuluyan ni Joaquin. Buti naman dahil mas nagkakasundo na kami sa ibang bagay at kung hindi man, nagbibigay kami ng constructive criticisms sa isa’t isa. Plano naming next month isagawa ang event. Kaya siguradong magiging abala kami sa mga susunod na araw. “And with that, we’re also planning to utilize social media platforms such as...” Habang tumitingin sa kalendaryo ng phone ko, dito ko napagtantong ngayong linggo na pala ang dating ng investor na nililigawan ng mga Savage.  Kinabahan ako lalo na’t malaki ang papel na gagampanan ko rito.  Napaisip na naman tuloy ako tungkol sa sinabi ni Richelle kanina. Bakit may mga gamit si Dax sa bahay niya? Tumira ba sila ng magkasama? Doon ba siya natutulog sa mga gabing wala siya sa kwarto namin? Ayokong masira ulit ang tiwala ko kay Dax dahil sa sunod-sunod na tanong sa isip ko kaya siya ang balak kong tanungin tungkol dito imbes na ipagpatuloy ko ang pagdududa sa kanya. *** Nag-text si Dax sa akin na diretso na siyang uuwi sa bahay kaya hindi ko na siya kailangan pang intayin sa opisina.  Dahil dito’y umuwi na ako kasama si Harold. Tiniis ko na lang ‘yung malakas na pagsa-sound trip nito buong byahe dahil kahit papaano, naalis nito ‘yung gumugulo sa isip ko. Nang sumandal ako ay napapikit ako sa sakit. Paano’y nagkapasa pa yata ako sa likod dahil kay Richelle. Pag naiisip ko talaga ‘yung pag iyak-iyak niya ay nanggigigil ako! Para malibang ang sarili, nilabas ko ang phone ko at nag-browse online. Nakita kong nag-send ng GIF si Miguel na umiiyak. Kaya nagsend din ako ng naka-hug. Nagpapaawa siguro siya dahil hindi ko na siya masyadong kinakausap. May notification akong natanggap mula kay Vicky. At nakita kong link ito papunta sa website kaya binuksan ko kaagad. Dito ko nakita ‘yung bagong labas na picture sa website namin. It’s me and Richelle.  Kuhang-kuha ang pag-iyak ni Richelle at ang panlalaki ng mga mata ko na para bang tinatakot ko siya. Ako ‘yung mukhang masamang kontrabida at siya ‘yung bidang inaapi. Ang bibilis talaga ng mga empleyado ng mga Savage! Binato ko sa upuan ‘yung phone ko dahil sa inis. Inihinto tuloy ni Harold ‘yung tugtog tyaka nagsalita. “Ma’am ayaw mo ba nung kanta? Marami pa namang iba rito-” Napasapo na lang ako ng noo ko. Maya-maya’y sinilip ko ulit ‘yung website. Nagulat naman ako dahil nawala agad ‘yung post. May kinalaman kaya ulit si Dax dito? Malaki ang posibilidad dahil nagawa na niya ‘to noon.  Pagkauwi sa bahay, bagsak-balikat akong dumiretso sa kwarto. Gusto ko na lang magpahinga dahil wala rin akong ganang kumain. Masama ang pakiramdam ko maghapon.  Naabutan ko namang bukas na ang pinto ng kwarto. Parang may naririnig akong nagsasalita kaya nahinto ako’t nakinig kung sinong nasa loob. “Okay...” Si Dax? Oo’t boses ito ni Dax. Nauna pala siyang makauwi sa akin. “Siguraduhin mo lang na maayos ang bahay. Pupunta rin ako dyan.” Kumunot ang noo ko. Bumilis ang kabog ng dibdib ko.  “Hindi. ‘Wag mong sasabihin kay Reign.” Napasinghap ako’t napatakip ng bibig dahil sa narinig kong sinabi niya. Dahil dito’y bigla niya akong nilingon kaya napatago agad ako. Bumilis ang paghinga ko na para bang may humahabol sa akin.  Tama ba ang hinala ko? Binabahay niya si Richelle?! Nandito na naman ba ako sa sitwasyon kung saan hinuhulaan ko kung nasaan ako sa buhay ni Dax? Paulit-ulit na lang ba kaming babalik dito? Ayoko na ng ganito! Oo alam kong mahal ko si Dax pero siya? Sino ba talaga ang laman ng puso niya? May espasyo man lang ba para sa akin? Bahala na! Tutal naman ay magaling akong kumilos nang hindi nagiisip ay taas noo kong pinasok ang kwarto. “We’ll talk later.” Binaba na niya ang tawag nang makita ako at dapat sana’y yayakapin niya ako pero mabilis akong lumayo. “Sino si Richelle? Sino talaga si Richelle?!” Nagkaroon ng guhit sa noo niya. “May problema ba? Akala ko ba tapos na tayo rito?” “Hindi matatapos kasi hindi mo naman yata gustong matapos! Sige nga, sabihin mo sa akin ngayon kung sino si Richelle!” Ayokong magtunog na para bang obsess akong babae pero hindi na talaga ko makapagtimpi. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at pilit pinagtagpo ang mga mata namin. “Parte lang siya ng nakaraan ko na ayoko nang balikan. Sa lahat ng tao sa buong mundo, ikaw lang ang gusto kong hindi makaalam-“ “Are you even listening to yourself Dax?! Asawa mo ako!”  “Gusto kong buksan ang sarili ko pero hindi ko magawa. Hindi madali sa akin ang hinihiling mo.” “At mas lalo na sa akin! Hindi ko magagawang intindihin ang bagay na hindi ko naman talaga alam!” Ayoko nang magpatuloy pa ang pagaaway na ‘to kaya tinalikuran ko na siya bago pa ‘to humantong kung saan. Wala na rin akong lakas para i-open pa ang tungkol sa narinig ko. Nakita kong dumaan si Bobbie sa harap ng kwarto namin pero tumakbo agad ito sa takot na makaabala. Sana lang makahanap si Bobbie ng lalaking madali niyang maiintindihan. Hindi ‘yung gaya ng kapatid niya. Nakakapagod umunawa! Maglalakad na sana ako palabas, kaya lang bigla akong hinawakan ni Dax sa beywang para pigilan sa paglalakad at dumikit ang likod ko sa dibdib niya kaya napangiwi ako sa sakit.  Mabilis niya akong iniharap sa kanya. Nakita ko ang nangungusap niyang mga mata pero hindi ko hinayaang tumulo ang luha ko. “May masakit ba sa ‘yo? Sinong nanakit sa ‘yo?” hindi niya malaman ang hahawakan sa akin. “Maniniwala ka ba kung sasabihin kong tinulak ako ni Richelle kanina?” Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya. Natigilan siya at pagkatapos ay umigting ang panga niya.  Hindi siya sumagot pero dahan-dahan niya akong iginiya papunta sa kama. Pinaupo muna niya ako at kinuha niya ‘yung first aid kit.  Then he sat down beside me and tapped his legs. Para bang inaaya niya akong humiga rito.  Umiling ako pero wala ring silbi dahil hinila na niya ako at pinadapa.  “I will always believe you Reign. Buong-buo ang tiwala ko sa ‘yo. At wala na akong mahihiling pa kung magagawa mo ring magtiwala sa akin kahit ano pa ang sabihin ng iba.” Bumuntong-hininga ako. Ramdam ko ang pagbagsak ng luha sa gilid ng mga mata ko habang pinipiga ang puso ko. Walang nagsasalita sa amin kaya nakakabingi ‘yung katahimikan. Ginamot lang niya ‘yung likod ko at tahimik kong pinakiramdaman ang ginagawa niya.  Hanggang sa nakatulugan ko na ito at napunta na ako sa panaginip ko. *** MJ: Babe! Hingi naman kami ng tulong. Nag-send si Kuya MJ ng picture ni Kuya PJ. Kuha ito sa conference room. Nakaharang sa mukha niya ‘yung folder at mukhang nakikinig sa meeting pero ang totoo’y nakapikit at tulog na tulog pala. Natawa tuloy ako kahit bagong gising. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko. REIGN: Ano ‘yun? Mukhang seryoso ah. MJ: Luh haha ako nagseryoso? Kahit sa kabilang buhay yata malabong mangyari ‘yan! PJ: Pucha dami mo pang satsat! Delete mo ‘yang picture ko! MJ: Woy! Mas matanda ako sa ‘yo ah baka nakakalimutan mo? Tyaka hindi pwede! Papa-frame ko pa ‘to at papa-post sa bulletin board natin! TJ: Papalabasin ko kayo sa meeting room ngayon kung hindi pa kayo titigil. REIGN: So? Kakausapin niyo na ba ‘ko? Nag-ring ang phone ko at nang makitang si Kuya TJ ang tumatawag, kahit ayoko pa sanang bumangon ay napilitan na ako. “Yes Kuya TJ?” naghikab ako. “Sorry babe nagising ka namin. Hihingi lang sana kami ng tulong. May lupa kasing gustong bilhin sila Mama at Papa. Kaya lang nalaman namin na binibili rin ‘yun ng Savage Enterprises.” “Bakit hindi na lang tayo bumili ng ibang lupa? Naubusan na ba ng lupa sa Batangas?” “Sa pamilya talaga natin ‘yung lupang ‘yon. Pinagbili lang ni lolo nung mga panahong naghihikahos tayo. At ngayon, gustong mabili ulit nila Mama at Papa.” Nasa States sila Lolo at Lola. At kahit matagal na nung huli kaming nagkita, malapit ako sa kanila noong bata pa ako. Alam iyon nila kuya kaya siguro malakas ang loob nilang pakiusapan ako tungkol dito. “I’ll try kuya...” sabi ko na lang dahil hindi rin ako sigurado kung magagawa kong tulungan sila. Lalo pa ngayong may problema rin akong kinakaharap. Nagkaroon pa kami ng kaunting kamustahan bago nagbaba ng tawag. Dito ako napatingin sa buong kwarto namin ni Dax. Natulala ako sa mga alaalang lumukob sa akin. Bumalik sa akin ‘yung panaginip ko kagabi. Sa panaginip ko, may binulong si Dax... “Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal, hindi mo hahayaang masaktan ka ng ganito.” Panaginip nga lang ba iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD