Kabanata 51

3662 Words

“Isama mo na kasi ako sa airport!” humalakhak si Dax. “‘Wag mo akong tawanan, Philip Daxon Savage!” ginaya ko ‘yung tono ng nanay niya pero wala pa ring epekto. Tinawanan lang niya ‘ko lalo. Hindi ito ang inasahan ko mula sa kanya. Akala ko magiiyakan pa kami sa araw na ‘to pero parang tuwang-tuwa pa siyang makakalayo na siya sa wakas mula sa akin! Nakasakay ako sa likod ni Dax habang papalabas ng bahay. Nakayakap ako sa leeg niya at ang mga binti’y nakapulupot sa kanyang beywang. Tinalon ko kasi siya kanina habang nagsusuot siya ng sapatos. Kahit kagabi ko pa siya binubwisit ay himalang hindi siya naiinis sa akin.  “Bubuksan ko ‘yung butones ng mga polong isusuot ko papasok sa office,” banta ko. “Magsusuot din ako ng maiigsi— ahah! ‘Yung crop top na ayaw mo? Isusuot ko ‘yon at ipapanga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD