Pagdating namin sa Bloomfields, tumakbo ako’t inikot ang buong paligid. Pinulot ko agad ‘yung mga damit naming nagkalat sa sahig. Hindi ko alam bakit nasabit sa flatscreen TV ‘yung bra ko! “Be careful. Baka madulas ka na naman,” narinig ko si Dax sa likuran ko na panay ang sunod sa bawat puntahan ko. Nakikipulot din siya at nakikiayos. Pagkatapos ko sa sala, sa dining area, at sa comfort room, ni-lock ko agad ang master’s bedroom. “Don’t give them the key, don’t open this door kahit anong mangyari, maliwanag ba?” humarap ako kay Dax bigla kaya bumangga ang mukha ko sa batak niyang dibdib. Umatras agad si Dax para magkaharap kami nang maayos. “Why did you lock our room?” “It’s our privacy. Ayokong pasukin nila ito mamaya. For sure Kuya MJ or whoever would try to sneak in so we should

