Pagdilat ko, wala na naman si Dax sa tabi ko. Napabangon agad ako’t nasilaw sa sikat ng araw na nanggagaling sa malaking bintana ng kwarto. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko at para akong binuhusan ng malamig na tubig. May nagbabadyang luha na naman sa mga mata ko at alam kong kulang ang balde kapag bumuhos na naman ang mga ‘to. Panaginip lang ba lahat ng nangyari kagabi? Mag-isa lang ba akong umuwi sa bahay namin ni Dax? Hindi ko siya makita sa kwarto! Inilibot ko pa ang mga mata ko sa paligid. Wala naman ako sa mansyon ng mga Savage. Hindi rin ito condo unit ko. Sigurado akong nandito kami sa bagong gawang bahay. Dahil may malaking salamin sa tapat ng kama, nakita kong suot-suot ko ‘yung T-shirt ni Dax kagabi. Maluwag at hanggang hita ko ito. Nahimasmasan ako kahit papaano dahil ibig

