“May nangyari ba?” tanong ni Miss Minchin sa akin pero hindi ako makasagot. Kaya hinawakan niya ako sa braso at marahang iginiya paupo sa swivel chair niya.
Marahil nagulat talaga ako sa natuklasan ko. Totoong-totoo ang mga nakita’t narinig ko. Ngayon ay nandito ako sa sitwasyon kung saan kailangan kong mamili: aalamin ko ba kung nasaan si Dax kahit posible akong masaktan o mas pipiliin ko na lang umuwi sa Batangas at kalimutan ang lahat?
Huminga ako nang malalim. Napapikit ako at hinimas ang sentido ko para kahit papaano’y maibsan ang sakit ng ulo ko.
“I guess you finally found out what it means to be a Savage.”
Napatingin ako kay Miss Minchin dahil sa sinabi niya. Ngayon ko nakita ang ibang emosyon sa mukha niya. Tila ba nakikiramay siya sa sugatan kong puso.
“Alam mo? Bakit hindi niyo sinabi sa akin kaagad? Bakit hinahayaan niyo lang masaktan si Dax?” Ito na naman ang mga luhang nagbabadya sa mga mata ko. Hindi ko lang talaga matanggap na may mga taong nakakaalam ng nangyayari pero wala silang ginagawa.
Tumango si Miss Minchin. “Sumusunod lang ako kay Mr. Savage. Ayaw niyang ipaalam sa ‘yo ang paghihigpit ng pamilya nila dahil ang gusto niya’y maging malaya ka kahit ikasal ka pa sa kanya. Hindi niya gustong ikulong ka sa mundo niya.”
Pinunasan ko ang basang pisngi ko. Ang hapdi na nito dahil sa walang tigil na pag-iyak ko. Pakiramdam ko ang dami nang ginawa ni Dax para sa akin pero ni isa yata wala akong nagawa pabalik.
“Anong balak mong gawin ngayon? Kaya mo bang mahalin si Mr. Savage sa kabila ng nalaman mo?”
Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam kung bakit alam niya ang tungkol sa nararamdaman ko pero hindi ko siya sinagot. Kahit ang dali kong mabasa, hindi siya ang dapat makaalam ng sagot sa tanong niya.
Nag-vibrate ang phone ko at dito ko nakitang nag-chat si Miguel.
MIGUEL: Is everything okay?
REIGN: I think I just lost someone... how can I find someone missing?
MIGUEL: Are you sure that person is really missing? Subukan mo munang hanapin sa mga lugar na pwede niyang puntahan.
Without a second thought, tumayo ako’t tumakbo papunta sa elevator. Nagmadali ako hanggang sa makalabas ng building kung saan mas nakahinga ako.
Sumakay na ako ng taxi imbes na maghintay pa kay Harold. Binigay ko sa driver ang address na nakita ko sa phone ni Dax at naghintay hanggang sa makarating kami rito.
Pinagpapawisan ako ng malamig. Nanginginig ‘yung mga kamay ko habang nakahawak sa phone ko. Pilit kong inihahanda ang sarili ko sa posibleng matuklasan. I’ve tried to imagine the worst scenario in my head kahit na panay din ang pagdadasal ko na sana tama ang desisyon kong magtiwala kay Dax.
Hindi ganuon kalayo mula sa Savage Enterprises ‘yung address na nakuha ko kay Dax. Kaya nakarating kami agad dito. Nasa loob ito ng village, Bloomfields ang tawag, kaya hinarang pa ng security guard ‘yung taxi na sinasakyan ko.
Syempre kinabahan ako dahil sa hindi ko ito inasahan. Lalo na nang katukin ako nung guard. Pero dahil magaling naman ako sa mga impromptu at biglaang pangyayari, nagawa ko pang ngumiti at kumaway sa kanya pagkababa ko ng bintana.
Kuya guard was already frowning when he saw me. Parang hindi maganda ang gising nito kaya tumikhim ako bago nagsalita.
“Good morning Kuya guard! Kay Mr. Savage lang. Asawa niya ‘ko,” ngumisi pa ako lalo at nakita kong ‘yung seryoso niyang mukha ay unti-unting lumambot. Hanggang sa parang nagliwanag ang mundo niya. Tinuro pa niya ako na para bang sabik na sabik siyang makita ako.
“Ah ikaw pala si Mrs. Savage! Tama si Ser! Ang ganda mo pala talaga sa personal!”
I don’t want to be called like that pero tiniis ko na lang.
“Akala ko Ma’am kasama mo si Ser sa pagpunta rito ngayon? Wala siya?”
Hindi ko alam ang tungkol sa sinasabi niya pero tumango lang ako at itinago sa pagtawa ang kaba. “Ahh oo e. Madalas ba ‘yung asawa ko rito?”
“Ay Ma’am oo naman! Dumadaan si Ser dito araw-araw!”
“Sigurado ka?” pinaningkitan ko siya ng mata. Pero hindi na siya nagisip pa.
“Oo! Sigurado Ma’am! Wala nang poging nagagawi rito sa Bloomfields bukod kay Ser!”
Parang binibiyak ang puso ko. Bakit kailangan niyang araw-arawin ang pagpunta rito?
“Ahh salamat Kuya guard.”
Kahit gustong-gusto ko nang bumitaw, paulit-ulit kong binubulong sa sarili ko na magpakatatag lang. Kailangan munang makita ng dalawang mata ko ang lahat.
Pinadaan na kami ni Kuya guard at ilang sandali lang ay huminto kami sa tapat ng isang puting bahay na may isang palapag lang.
Pagkabayad ay nagmamadali akong bumaba ng taxi. Dito ko mas nakita ang bahay na para bang binuo base sa panlasa ni Dax. Simple lang ito, minimalist pero modern ang estilo, kulay puti at grey ang kulay kaya ang linis tingnan. Ibang-iba ito kumpara sa mga naglalakihang bahay sa paligid. Kaya mas nagandahan ako dahil nag-stand out talaga ito.
Bukas ang gate ng bahay kaya naman madali akong nakapasok sa loob. Nakita kong bukod sa bench at pool ay may maliit na hardin dito kung saan may mga bulaklak na bagong tanim. Nakakamanghang tingnan ‘yung paligid ng bahay at siguro kung iba lang ang dahilan ng pagpunta ko rito ay mas na-appreciate ko pa ito.
Binalik ko ang atensyon ko sa ipinunta ko rito.
Habang papalapit ako nang papalapit sa pinto ng bahay ay mas kumikirot ang dibdib ko.
Paano kung binabahay nga talaga ni Dax si Richelle? Ang swerte naman ni Richelle dahil ang ganda ng bahay nila.
Umiling ako. Kailangan kong tigilan ang pagiisip ng kung anu-ano.
Pagdating ko sa front door ng bahay, nagbakasakali ako’t pinihit ang hawakan nito. Akala ko noong una ay sarado ito kaya nakahanda na sana akong mabigo. Kaya lang nabuksan ko ito at parang ako naman ang gustong umatras.
Huminga ako nang malalim. Alam kong wala nang atrasan ito. Pagpasok sa loob, nakayuko ako kaya sa puting tiles ako unang napatingin. Amoy bagong gawa ang bahay. Parang hindi pa natitirhan.
Dahan-dahan kong itinaas ang ulo ko.
Napaatras ako nang makita ang litratong nasa harapan ko. Mula sa kinatatayuan ko, sinuyod na rin ng mga mata ko ang loob ng bahay. Nabagsak ko ang bag na hawak ko. Nanghina ng sobra ang mga tuhod ko hanggang sa ako rin mismo ang bumagsak sa sahig.
Hindi ako makapaniwalang makikita ko sa bahay na ‘to ‘yung mga wedding pictures na hinahanap ko sa mansyon! Wedding pictures namin ni Dax!
Kaya pala walang kahit isang picture sa kwarto namin ni Dax. Nandito pala lahat sa bahay na ‘to.
Oo’t malaking picture namin ni Dax ang unang makikita pagpasok ng bahay na ‘to. Kuha ito ni Quinn sa amin habang nakatayo kami sa harap ng altar. Sa sala naman makikita ‘yung picture namin sa opisina niya noong prenup. Malaki rin ito at nakasabit sa pader, sa ibabaw ng flat screen TV.
Pero bakit nandito ang mga pictures namin? Para saan ba ang bahay na ‘to?
Nanghihina man ay pinilit kong tumayo. Nilibot ko ‘yung bahay kaya napansin kong kumpleto’t bago ang mga kagamitan dito. Fully furnished na ito at gaya sa labas, simple lang at neutral colors ang interior ng bahay. Hindi ito ganuon kalaki kumpara sa mansyon nila pero ang gaan ng pakiramdam ko rito dahil maaliwalas.
Mula sa sala, may tatlong pinto pa akong nakita kaya naman naglakas loob akong buksan ang isa.
Dito na bumuhos ng tuluyan ang luha ko.
Sa ulunan ng kama, nakasabit sa bandaang taas na pader ‘yung picture namin sa studio na naghahampasan ng unan. Naging sariwa sa akin ‘yung masayang alaalang ito kaya bapangiti ako habang umiiyak.
Kahit saan ko pa banda tingnan, this place looks like a married couple’s room - a married couple’s house!
“Ahh Ma’am sino sila?”
Napalingon agad ako sa narinig na boses. Pinunasan ko rin ‘yung luha ko bago pa niya mapansin. Matandang babae ito na siguro nasa late 50s na. Nagtatanong ang mga mata niya habang nakatingin sa akin at pansin kong may hawak siyang susi.
Nang mapatingin siya sa picture namin ni Dax, dito lang siya nalinawan at napatango.
“Mabuti naman nakapunta ka na rito Ma’am! Nasurpresa ka na ba ni Sir Savage? Kaka-text ko lang sa kanya kagabi ng complete address aba’t nandito ka na!” nanunuksong tingin ang pinukol niya sa akin
Napatakip ako ng bibig. Tinalikuran ko siya para itago ang pagbuhos ng emosyon ko.
“Nasaan na pala siya? Nagpapahakot na ba siya ng gamit niyo papunta rito? Ngayong araw ba kayo lilipat?”
Kaya pala! Ito ‘yung ayaw niyang malaman ko dahil balak niya akong surpresahin!
Nagbabalak si Dax lumipat. Gusto na niyang umalis sa poder ng nanay niya at gusto niyang ako ang makasama.
“Ma’am ayos ka lang ba? Nagustuhan mo naman ‘yung bahay? Si Sir Savage mismo ang nag-design nito. Araw-araw siyang nagpupunta para masiguradong ayos ang pagkakagawa sa lahat. Madalas kahit gabi na, dumadaan pa talaga siya rito. Nakakatulog na nga rin ‘yun dito minsan e sa sobrang pagod sa trabaho.”
Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang ingay ng paghikbi ko. Hinampas ko nang ilang beses ang dibdib ko dahil sa sobrang sakit.
I hate myself for doubting Dax’ sincerity. At mas kamumuhian ko ang sarili ko kung wala akong gagawin para sa kanya.
Kaya naman pinunasan ko ang mga luha ko. Ngayon ko napatunayan na tama ang desisyon kong magtiwala at kumapit sa mga salitang binitawan ni Dax sa akin.
Kaya kahit makarating pa ako sa dulo ng mundo ay balak ko siyang hanapin.
Pero sa ngayon ay kailangan ko munang makaalis sa bahay ng mga Savage. Hindi ko kakayaning tumira pa roon ng kahit isang gabi pa. Dahil paulit-ulit ko lang maiisip ‘yung p*******t ni Mrs. Savage kay Dax.
Humarap ako dun sa matanda at inilahad ang kamay ko. “Yes nagustuhan ko. Ngayon kami lilipat. Hingin ko na lang din ‘yung susi.”
***
Pagkarating ko sa mansyon ng mga Savage ay palubog na ang araw. Nilagpasan ko lahat ng tauhan nila at mabilis na tinungo ang kwarto namin ni Dax.
Nagsimula akong magempake ng gamit ko. At sinunod ko naman pagkatapos ang gamit ni Dax. Alam kong hindi pa ito ang lahat pero pwede naman akong bumalik sa susunod o ‘di kaya bumili na lang siya ng bago.
Dalawang malaking maleta ang bitbit ko palabas ng kwarto. Mabigat ito pero siguro dala ng adrenaline rush kaya kinaya kong makarating hanggang hagdanan. Nakailang hakbang na ako nang mabasag ang katahimikan ng bahay.
“At saan mo balak pumunta?”
Napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa istriktong boses ni Mrs. Savage. Takot ako sa kanya pero mas naguumapaw ang galit ko ngayon.
Binitawan ko sandali ‘yung mga maletang dala ko at pumanik ulit. Naglakad ako hanggang makarating ako sa harapan ni Mrs. Savage, sa harap ng kwarto niya. Nag-flash sa isip ko ‘yung nakita kong p*******t niya kay Dax kaya nag-init lalo ang dugo ko sa kanya.
“Sa bahay namin ni Dax,” taas noong sagot ko. Kumunot ang noo niya sa narinig pero kalaunan ay naglaho ito’t tumawa siya.
“Ahh ‘yung bahay na pinagawa ko para sa inyo?” she crossed her arms and raised an eyebrow.
“Ikaw ang nagpagawa nung bahay?” tanong ko kahit tanda ko ‘yung sinabi nung matanda.
“Bakit? Sa tingin mo mage-effort si Daxon magpagawa ng bahay para sa ‘yo? Nagiging ambisyosa ka na yata. Tumutulad ka ba kay Richelle?”
Nanginginig talaga ang kalamnan ko. Gusto ko siyang saktan pero pinigilan ko ang sarili ko. Irereserba ko ang sampal ko sa ibang araw.
At dahil wala na akong pakielam sa kahit anong kasinungalingang sasabihin niya, tinalikuran ko na siya.
“Akala mo ba mananatili sa tabi mo si Daxon kung hindi ko inutos?” Napayuko ako. Kinuyom ko ang mga palad ko.
“Dear, this is not a fairytale and my son isn’t -and will never be- your prince charming. He can’t save you from any despair because he can’t even save himself-”
Hinarap ko agad siya. “Then I will. I will save him! Sisiguraduhin kong hinding-hindi mo na siya masasaktan ulit! Tama ka, hindi ito fairytale, kaya tigilan mo ang pagiging kontrabida mo.”
Tumawa na naman siya pero bigla ring nagseryoso ang mukha nang hawakan niya ako sa baba. Ramdam ko ang mga kuko niyang bumabaon sa pisngi ko.
“The way I see it, you’re in love with my son,” para bang iniinspeksyon niya ang mukha ko pero agad kong hinampas ang kamay niya para bitawan ako.
“Ano man ang nararamdaman mo para sa anak ko ay kalimutan mo na hanggang maaga pa. Your relationship with Daxon isn’t bound to last. My son will follow me the moment I tell him to throw you away. At madali lang niyang magagawa ‘yon. Kung nagawa niya kay Richelle noon, mas kaya niyang gawin sa ‘yo ngayon.”
Umiling ako at ngumiti. Sinigurado kong litaw na litaw ang dimples sa gilid ng labi ko para mas maasar siya.
“Sorry Mrs. Savage, but I don’t know how to listen to anyone. Hindi ako pinalaking masunurin. Kaya gagawin ko ano man ang gusto ko.”
Naglakad na ako pababa ng hagdanan at narinig ko pa ang malakas na kalabog ng pinto ng kwarto ni Mrs. Savage.
Nag-vibrate naman ang phone ko at nakita ko ‘yung sunod-sunod na chat ni Miguel habang binababa ko ‘yung mga maleta.
MIGUEL: Nakita mo na ba ‘yung taong hinahanap mo? Wala ba siyang madalas puntahan?
Nasa baba na ako ng hagdan nang mabitawan ko ‘yung maleta ni Dax dahil napaisip ako sa chat ni Miguel. Kinailangan ko pa tuloy itong pulutin at dito ako natigilan.
Napatingin ako sa likod ng hagdanan. May iba akong kutob.
Kaya binitawan ko ang mga dala ko at naglakad papunta rito, papunta sa pintong ayaw pabuksan ni Dax sa akin noon
Alam kong nirespeto ko ang kagustuhan niyang hindi ako lumapit dito. But I’m desperate! Hindi ko na alam kung saan siya hahanapin. Kaya kahit magalit siya ay handa akong tanggapin ‘yon.
Siguro’y tatlong beses akong huminga nang malalim bago ko pinihit ang doorknob. Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang isang kamay nang magbukas ‘yung pinto. Ito na naman ‘yung patindi nang patinding kabog ng dibdib ko. Unti-unti kong binuksan ang pinto, I couldn’t even breathe right because of the anticipation.
Madilim sa loob kay wala akong makita. Kinailangan ko pang hanapin ‘yung switch sa pader na medyo nagpahirap sa akin. At nang mapindot ito... napapikit-bukas ako ng mga mata bago naging malinaw sa akin ang buong paligid.
Nanlaki ang mga mata ko. Agad kong isinarado ang pinto at tumakbo ako papalapit kay Dax!
“Dax!” mangiyak-ngiyak kong tinawag ang pangalan niya nang paulit-ulit.
Nakadapa siya sa maliit na couch at gaya nung huli kong kita sa kanya ay wala siyang suot na pangitaas. Kaya naka-expose ang sugat niya sa likuran. May mga nagkalat na gamot sa sahig.
Nanginginig ang mga kamay ko nang hawakan ko ang braso ni Dax para alugin siya. Hindi ko napigilang mapatingin sa apat na sulok ng kwarto habang ginagawa ito.
Parang nasa bodega ako dahil punong-puno ito ng mga gamit. May bola ng basketball, gitara, mga CDs, movie posters, at kung anu-ano pang gamit na hindi ko alam kung kanya ba.
“R-Reign?” Nang makita kong dumilat si Dax ay niyakap ko siya agad nang mahigpit.
Narinig ko ang pagdaing niya dahil nasaktan yata siya sa ginawa ko. Kaya lumayo agad ako sa kanya. Nabangga ko pa ‘yung malaking flatscreen tv sa likuran ko. Maliit lang ang kwarto dahil puno ito ng kung anu-anong gamit. Sa dami’y hindi ko na rin maisa-isa pa.
Nagtagpo sandali ang mga mata namin ni Dax pero agad din siyang nag-iwas ng tingin. “Anong ginagawa mo rito?” malamig na tanong niya. Para bang hindi niya nagustuhang makita ako.
“Hinanap kita dahil bigla ka na lang nawala! Bakit ba-”
“Hindi ko kailangan ng awa mo. Lumabas ka na. Isarado mo ‘yung pinto paglabas mo-”
“Anong awa bang pinagsasasabi mo? Asawa mo ako Dax! Hindi ako lalabas nang hindi ka kasama! Para saan ba ang kwartong ‘to? Ano ‘tong mga gamit na ‘to?”
Hindi siya nagsalita. Sawang-sawa na ako sa pagtahimik niya sa tuwing siya ang napaguusapan.
Lumapit akong muli sa harapan niya. Hindi siya tumitingin sa akin pero hinawakan ko ang mga kamay niya.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nahihirapan ako ng sobra dahil pilit niya akong tinutulak papalayo. Alam ko naman na kontrata lang ang relasyon namin, pero umaasa akong baka kahit papaano, iba na rin ang tingin niya sa akin hindi man kagaya ng pagtingin ko sa kanya.
Lumuhod ako sa harapan niya. Hinawakan niya ako sa braso para pigilan pero hindi ako nagpatinag.
Unang beses ko itong ginawa sa buong buhay ko dahil masyadong mataas ang tingin ko sa sarili. Pero para kay Dax, handa akong gawin ang lahat.
“Reign tumayo ka-”
“Please Dax... buksan mo ang sarili mo sa akin-”
“Hindi ko pwedeng gawin ang gusto mo. I am not free-“
“Kung kinakailangan kong isakripisyo ang kalayaan ko at ibigay sa ‘yo, gagawin ko ngayon din mismo basta maging malaya ka!” Yumuko ako at nagmakaawa sa kanya.
Dahil paano ko siya ipaglalaban, kung hindi pa man ay sumusuko na siya?
“Dax ano bang kailangan kong gawin para-”
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko. Dahil sa unang pagkakataon ay nakita kong bumuhos ang luha ni Dax.
I’m not prepared to see his tears. Palagi siyang matatag sa mga mata ko, kahit noong hinahagupit siya ng nanay niya ay hindi siya nagpakita ng kahinaan, pero ngayon ay umiiyak siya.
“Dax...”
I could feel my heart breaking. Hindi ko makayanan ang nakikita ko kaya tumayo ako’t niyakap na naman siya.
“Nandito ako Dax. Nandito ako para sa ‘yo. May kakampi ka na kaya walang dahilan para sarilihin mo ang lahat.”
Hinayaan kong umiyak si Dax habang nakayakap ako sa kanya. Humigpit ang yakap niya sa beywang ko habang pinadadausdos ko ang mga daliri ko sa buhok niya.
Nang maghiwalay kami ay hinilamos niya ang dalawang palad niya sa kanyang mukha bago tumayo.
Pinulot niya ‘yung bola ng basketball at ipinakita sa akin. Iniikot pa niya ito sa hintuturo niya at parang ekpertong-eksperto talaga sa paghawak nito.
“Highschool pa lang, hilig ko nang mag basketball,” binaba niya ‘yung bola at sunod na hinawakan ‘yung gitara. He started strumming it. “And I also love playing the guitar.”
Sinundan ko siya ng tingin nang hawakan niya ‘yung isang CD. Dito ko napansin na kung hindi movies ay OPM songs ang mga CDs na mayroon siya.
“I’m also a fan. These are my collections. And yes, I also love OPM songs. Ako ang pumili nung kanta sa reception natin. ‘Yung tumutugtog habang sumasayaw tayo.”
Inisa-isa pa niya ang ibang gamit sa kwarto niya pero isa lang ang naging tanong ko pagkatapos.
“Bakit nandito lahat ng gamit mo sa kwartong ‘to?”
“I am not allowed to be fond of anything that’s not related to my job as the CEO of Savage Enterprises.”
“Kahit mag basketball? Kahit makinig sa paborito mong tugtog?”
“Ginagawa ko lahat ng ‘yan ng pasikreto dahil hindi pwedeng malaman ng iba. Hindi papayag si Mama. Para sa kanya ay distraction ang mga bagay na ‘to. At dapat lang na sundin ko siya dahil dapat sumusunod ang anak sa magulang.”
“So lahat ng nandito ay mga bagay na gusto mo?” It felt like I just opened a Pandora’s Box!
“Lahat ng nakatago rito ay mahal ko at hindi ko kayang mawala sa buhay ko kahit isa pa akong Savage,” kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Kahit ako man ang malagay sa pusisyon niya ay malulungkot talaga ako. Simpleng pagbabawal nga lang sa akin kumain sa fast food kinaiinisan ko na, paano pa kaya si Dax na buong buhay ay hindi naging malayang gawin ang mga bagay na gusto niya?
Tiningnan ko ulit ang buong paligid at nahinto ako nang makita ‘yung picture ko sa lamesita. Kuha ito roon sa Palawan. Nakaharang ‘yung kamay ko sa harap ng mukha ko pero alam kong ako ito.
Magtatanong pa lang sana ako kung bakit nandito rin ang picture ko nang paglingon ko kay Dax ay sinalubong na niya ako ng mainit na halik. At buong puso rin akong tumugon dito. Nakalimutan ko na ang iba pang tanong sa isip ko dahil mas lumalim ang paghalik namin sa isa’t isa. It was as if we were both waiting for this moment to happen. Dinala niya ako sa couch at pumaibabaw siya sa akin. Pareho kaming nauubusan ng hininga pero patuloy lang sa paggalaw ang mga labi namin na para bang may sarili itong buhay.
Hahawakan ko sana ang likod ni Dax para mas maramdaman ko siya nang maalala ko ‘yung sugat niya. Naalala kong muli ‘yung nakita ko. Dito may tumakas na luha sa gilid ng mga mata ko. I couldn’t take knowing how hard it was for him to live as a Savage.
Tumigil ako sa paghalik sa kanya. Naramdaman niya ito kaya lumayo siya sa akin at naupo na lang sa couch. Na-guilty agad ako dahil sa ginawa kong paghinto pero tinabihan ko lang siya. Natahimik kami sandali bago siya nagsalita.
“Ayokong malaman mo ang lahat dahil alam kong ganyan ang magiging reaksyon mo. Are you giving up on me now?” the hoarseness of his voice enveloped me.
Umiling ako. “NO! I-I am not. I will not. I-“ Napairap ako nang makita kong nangingiti siya. “Bakit nandito rin ‘yung picture ko?” pagiiba ko ng usapan.
Hinawakan ni Dax ang kamay ko kaya napatitig ako sa mga mata niya.
“Dahil ayokong mawala ka sa akin,” Dumoble ang bilis ng t***k ng puso ko. “Oo, alam kong kasama na kita araw-araw pero pinilit kong hindi ka abutin dahil ayokong masaktan ka. Ayokong madamay ka. Pero hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang panuorin ka lang sa malayo.”
“You are so beautiful Reign. Nagniningning ka sa mga mata ko. Kahit saan ako tumingin, ikaw ang nakikita ko. Naririnig ko pati ‘yung pagtawa mo. Para akong nababaliw alam ko, pero tinanggap kong ganito talaga ang epekto mo sa akin.”
Hinalikan niya ang likod ng palad ko. At hindi ako makahinga dahil sa nagsusumigaw kong puso.
“Reign Valderrama, I’ve kept you in my heart longer than you think. I love you... Believe me or not, I don’t think I can live without you.”
Kung may isang bagay mang itinuro sa akin ang pagmamahal ko kay Dax, iyon ay ang magtiwala.
“Uwi na tayo sa bahay?” Pinakita ko ‘yung susing dala ko.