Gabing-gabi na nang makauwi kami sa bahay.
Naghapunan na rin kasi kami sa mamahaling restaurant at dito mas pinadetalye ni Mrs. Savage ‘yung mga ginawa ni Richelle nitong nakakaraan. Kasama na rito ‘yung mga pagpunta-punta ni Dax sa kanya. Kulang na lang ay bigyan ko pa siya ng written report tungkol dito because she wanted everything in detail.
Wala namang problema sa akin dahil game na game naman akong magkwento. Kaya rin humaba ang usapan namin hanggang sa hindi na namin namalayan ang oras.
Panay naman ang text sa akin ni Dax. Nagtatanong siya kada minuto kung nasaan na ba ako at kung pauwi na kami. Nagbilin pa siya ng ilang beses na mag-text ako kapag nandito na ako sa bahay. At kahit hindi ko alam ang dahilan, sinakyan ko na lang ang trip niya’t nag-text ako pagtungtong ko pa lang sa pinto.
Pagka-send ko ng text ay tyaka lang ako naglakad papuntang hagdanan. Natatawa pa ako dahil sa paulit-ulit na paggamit ni Dax ng salitang “baby” bilang endearment na hindi ko alam kung napapansin ba niya.
Magaan ang pakiramdam ko matapos kong mailabas lahat ng sama ng loob ko kay Mrs. Savage. Pakiramdam ko tuloy may chance na magkasundo kami kahit papaano. It feels like we are on the same boat this time.
Thinking about how my day went positively, paliko na sana ako papunta sa kwarto, nang mapasinghap ako dahil sa malamig na kamay na humawak sa braso ko.
Nakita kong si Bobbie pala ito kaya nakahinga ako nang maluwag. Kaya lang pansin kong namumutla siya at para bang alalang-alala.
“Bobbie ayos ka lang-”
“Ginawa mo ba ‘yung pakiusap ko?” Her voice cracked. Namumula rin ang mga mata niya na para bang bagong iyak.
Natigilan ako. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso dahil alam kong nakwento ko lahat kay Mrs. Savage kanina. Kahit ‘yung kaliit-liitang detalye na paguusap ni Dax at Richelle sa phone noong nasa condo kami.
Alam kong ginawa ko ‘yung kabaliktaran ng bilin niya sa akin.
At mukhang nabasa agad ni Bobbie ang ibig sabihin ng ekspresyon sa mukha ko. Sumama agad ang timpla niya at nagulat ako nang sampalin niya ‘ko. Ito ang unang beses na ganito ang naging pagtrato niya sa akin. Ito rin ang unang beses na nakita ko siya sa ganitong estado.
Hinawakan ko ang pisnging hinampas niya. Ramdam ko ang sakit dulot nito pero pinilit kong hindi maging baluktot ang pagiisip ko. Mukhang may pinagdadaanan siya kaya ako ang dapat na umunawa.
“I’m sorry... Ang bait lang kausap ng mama mo-”
“But I told you not to tell her anything! Bakit hindi mo ginawa?! You’re so selfish!” mangiyak-ngiyak siyang tumakbo papalayo sa akin, papasok sa loob ng kwarto niya.
My jaw dropped and I was left dumbfounded.
Kinabahan ako bigla sa ikinilos ni Bobbie kahit hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang reaksyon niya. Kaninang umaga pa siya ganito.
I just did what I think is right. Mukhang matutulungan naman ako ni Mrs. Savage para mapalayo na ng tuluyan si Richelle kay Dax. Nangako naman kasi siya sa akin kanina. Sabi niya siya na ang bahala sa dalawa kaya rin ako nakahinga nang maluwag. Mukhang takot din si Richelle kay Mrs. Savage kaya tingin ko sila ang mas magandang magharap.
Napailing na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kwarto. Gusto kong magtapos ng maganda ang araw na ‘to kaya ayoko nang isipin pa masyado ‘yung nangyari. Baka nga may pinagdadaanan lang si Bobbie kaya ganito na lang siya ka-emosyonal.
Siguro’y ilang hakbang na lang ako mula sa pinto nang makarinig ako ng mahinang tugtog - a strumming of guitar perhaps. Para bang nanggagaling ito sa loob.
Kaya lang nakakapagtaka dahil madilim naman sa kwarto, kita kong walang liwanag sa siwang ng pinto sa ilalim.
Nandito na ba si Dax at nagpapatugtog?
Inilapit ko ang tainga ko sa pinto nang dahan-dahan at dapat ite-text ko na si Dax para tanungin nang marinig kong pamilyar sa akin ‘yung tinutugtog gamit ang gitara.
It’s Rainbow. Oo’t hindi ako pwedeng magkamali sa paborito kong kanta.
Maingat kong pinihit ‘yung doorknob, para bang ayaw makagawa ng kahit na anong tunog. Sumilip muna ako sa kakaunting awang pero medyo madilim pa rin. Mas lumakas lang ‘yung tunog ng gitara.
Kaya naman binuksan ko na nang tuluyan ‘yung pinto para magkaroon na ng kasagutan ang mga tanong sa isip ko.
Dito ako napatakip ng bibig. Ramdam ko ang pangingilid ng luha ko.
Napapalibutan ng string lights ‘yung buong kwarto. Ito lang ang nagbibigay liwanag sa buong paligid kaya pala madilim ang tingin ko mula sa labas ng pinto. May bouquet ng tulips din na nagaabang sa ibabaw ng kama na sobrang ganda’t iba-iba ang kulay.
At higit sa lahat, sa stool na nakapwesto sa harap ng pinto, nakaupo si Dax hawak ang itim na gitara. Tumutugtog siya’t kumakanta - tanging malamig na boses lang niya ang naririnig ko.
He’s wearing his white polo, a few buttons opened, his sleeves rolled up just below his elbows. Habang naggigitara, the veins in his arms stood out. Nakasuklay din pataas ang buhok niya at medyo makinang ito na para bang bagong paligo.
Nakatitig siya sa strings ng gitara niya habang tumutugtog pero sa tuwing may sasabihin siyang linya ng kanta ay nagaangat siya ng tingin sa akin. Nangungusap ang mga mata niya at para na naman akong matutunaw. Nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa malalim at parang humahagod niyang boses. ‘Yung puso ko bigay na bigay naman sa pagtibok, tila ba sinisigaw ang kanyang pangalan.
Akala ko ba wala siyang alam gawin bukod sa trabaho? Bakit parang hindi naman ‘yun totoo? Magaling nga siyang maggitara na hindi ko talaga inasahan. May bagay ba siyang hindi alam gawin?
“That no matter what happens, life goes on and on and so oh baby... please smile.”
Ngumisi siya at kumindat kaya naman hindi ko na napigilan ang pagtawa. Tuloy ay tumakas na ang luha sa gilid ng mga mata ko. I pressed my lips together.
“Cause I’m always around you and I’ll make you see how beautiful life is for you and me.”
Ayaw daw niyang kumanta noon e ngayon nga mukhang kayang-kaya naman niya.
Tumigil siya sa pagtugtog ng gitara nang tumayo siya’t lumapit sa akin. Nilapag niya sa kama ‘yung gitara and started humming the song for me.
Hinawakan niya ang mga kamay ko at marahan niya itong ipinatong sa mga balikat niya. Pagkatapos ay hinawakan naman niya ako sa beywang. Slow stepping to the right and left, sinabayan namin ng mabagal na sayaw ‘yung tunog na ginagawa niya. Para akong hinehele dahil sa boses niya.
Wala akong ideya kung bakit ginawa ito ni Dax ngayon. Pero masaya ako. At tingin ko iyon naman ang mahalaga.
Kaya lumapit ako sa kanya hanggang sa nakayakap na ako. Naramdaman kong humigpit din ang hawak ni Dax sa akin, mga braso na niya ang nakaikot sa beywang ko ngayon.
He smells so great. How can one man be this perfect?
We stayed in the same position for another few minutes before we decided to look at each other’s eyes. Hinarap namin ang isa’t isa at dito pinunasan ni Dax ang basang pisngi ko. Nakita ko ang pangamba sa mga mata niya nang dalhin niya ako sa couch. Dito’y pinaupo niya ako sa hita niya.
“Baby... why are you crying?” ito na naman ‘yung tingin niyang nagbibigay sa akin ng dahilan para dumepende sa kanya. Hinawakan pa niya ang kamay ko at marahan itong pinisil.
“You just hired me to be your wife. Alam kong matatapos din naman lahat ng mayroon tayo kaya bakit kailangan mo pa ‘tong gawin?”
Bakit mas binibigyan mo pa ako ng dahilan para mahalin ka?
Bago pa man ako sagutin ni Dax ay niyakap ko na siya nang mas mahigpit. Hindi pa pala ako handang marinig ang sagot niya. Natakot din akong baka tanungin niya ako tungkol sa nararamdaman ko sa kanya kaya ayoko na lang pagusapan pa namin ito. Baka kasi oras na malaman niyang mahal ko siya, agad niyang hilingin na lumayo ako sa kanya.
At sa ngayon, hindi ko alam kung kaya ko pang mabuhay ng wala siya. Pakiramdam ko kasi sa kanya na umiikot ang mundo ko.
Sabi nila mali ‘yung ganitong klase ng pagmamahal...
Pero may makakapagsabi ba kung ano ang tama at mali pagdating sa pag-ibig?
“Ako ang naghanda ng lahat ng ito para sa ‘yo. I realized that I haven’t done much for you in this house. And so I wanted to start by giving you a proper welcome... as my wife.”
Mas hinigpitan ko lang ang yakap ko sa kanya. Hindi na ako nagdalawang-isip pa sa maaari niyang isipin. Bahala na pero mahal ko siya. Gusto kong maiparamdam iyon kahit sa ganitong paraan man lang.
At mabuti wala naman na siyang sinabi. Dahil ayaw kong bumitaw, sa ganitong pusisyon niya ako binuhat papunta sa kama. I felt how strong he is while he was carrying me in his arms. Nahuhulog na naman ako nang paulit-ulit.
Inihiga niya ako nang dahan-dahan sa waterbed. Dito na ako bumitaw at tumalikod. Ang init ng pisngi ko kaya hindi muna ako nagsalita.
Ilang sandli lang ay naramdaman ko rin ang pagtabi niya sa akin. Muli, niyakap niya ako mula sa likod. Hinalikan niya ang balikat ko at narinig ko ang bulong niya.
“Then let’s not end this. Let’s stay like this forever.”
Parang tumigil ang mundo ko dahil sa narinig ko mula sa kanya. Especially when he gave me little kisses on my neck. Gustong kumawala ng puso ko at magpunta sa kanya.
Tonight is perfect. And I wanted it to stay as it is. Thinking about what he just said, mas gusto kong ito muna ang isipin sa ngayon kaya wala akong sinabi pabalik. Baka kasi kapag nabigyang linaw ito, lumabas na iba pala ang ibig niyang sabihin sa bagay na iniisip ko.
Siguro dala ng pagod kaya nakatulog ako na ganito ang pusisyon namin. Nakarinig lang ako ng tunog ng text message kaya ako nagising. Inabot ko mula sa cabinet ‘yung phone na may liwanag at nang itapat ko ito sa mukha ko, dito ko nakitang kay Dax pala ito.
Nakita kong may unknown number na nagsend sa kanya ng address ng bahay. Hindi ako pamilyar dito pero naisip ko agad si Richelle. Kinabahan ako dahil dito kaya inabot ko ‘yung phone ko at ni-picture ‘yung text sa kanya. Balak kong puntahan ito para magkalinaw na sa akin ang tungkol dito.
Binalik ko ‘yung phone niya at pumikit akong muli. Inalis ko sa isip ko ang pagdududa dahil hangga’t wala naman akong napapatunayan, alam kong dapat akong magtiwala.
Mas hinigpitan ko lang ang hawak sa kamay ni Dax sa beywang ko.
At akala ko sapat na ‘yung higpit ng hawak ko para hindi siya mawala sa tabi ko. Pero nang muli akong maalimpungatan, nadismaya ako nang makitang wala si Dax sa tabi ko and it’s just four in the morning.
Gusto ko mang bumalik sa pagtulog, I’ve had enough of Dax’ disappearances. Palagi na lang ba siyang mawawala nang walang pasabi?
Tumayo na ako at saktong lalabas na ng pinto para hanapin si Dax nang makarinig ako ng pagkatok sa pinto.
Hindi naman kakatok si Dax kaya natakot pa ako dahil baka sino ito. Ilang minuto din ang lumipas bago ko na-realize na may security naman ang mga Savage sa loob at labas ng bahay. Siguro naman hindi kami basta-basta malolooban.
Dahil kailangan ko nang lumabas, naglakas loob akong buksan ‘yung pinto.
Dito ko nakita si Bobbie. Ngayon ay basang-basa ang pisngi niya dahil sa pag-iyak. Humihikbi pa siya at parang hirap na hirap huminga.
Ibubuka ko pa lang ang bibig ko para sana magtanong nang hilahin na niya ako papalabas.
“Bobbie-” she shushed me on an instant. Kaya itinikom ko ang bibig ko at sumunod na lang sa kanya. Naisip ko ngang baka nag-sleep walk lang ako kaya kung anu-anong naiisip ko.
Medyo mahaba ang nilakad namin dahil sa laki ng bahay nila. Lumukot naman ang noo ko nang mapagtanto kung saan niya ako balak dalhin. At nakumpira ko ngang tama ako nang huminto kami sa tapat ng kwarto ni Mrs. Savage.
Lumingon ako kay Bobbie at magaaya na sanang umalis pero hinawakan niya ang ulo ko at iniharap akong muli sa pinto.
I immediately heard the sound of whipping. Bumilis ang kabog ng dibdib ko dahil dito. Lalo na nang makita kong nakabukas ng bahagya ang pintuan ng kwarto. I have no idea kung ano ang gustong mangyari ni Bobbie sa pagdala niya sa akin dito pero iba ang kutob ko rito.
May kaba man sa loob ay bahagya pa kaming lumapit dito. Ilang maliliit na hakbang pa hanggang sa ako na mismo ang naestatwa dahil sa nakita ko.
Napatakip agad ako ng bibig sa pagkagulat. Nanginig ang buong katawan ko nang makita ko ang duguang likod ni Dax. Nakaupo siya ng patalikod sa upuan. At sa likuran niya nakatayo si Mrs. Savage, pulang-pula ang mukha habang may hawak na sinturon.
Napapikit ako nang hampasin niya ng sinturon si Dax!
“Anong sinabi ko sa ‘yo tungkol sa pakikipagkita mo kay Richelle?!” mahina ngunit may diin ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Mrs. Savage.
Hindi na niya inintay pa ang sagot ni Dax at patuloy pa rin sa paghampas sa likod nito. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa! Wala rin akong naririnig na kahit ano mula kay Dax. Iniinda lang niya ng tahimik ang bawat paglatay ng sinturon sa balat niya. Ang sakit-sakit sa dibdib ng nakikita ko. Hindi ako makahinga!
“Ang sabi sa akin ni Reign ay may ugnayan pa rin kayong dalawa! Naguusap pa rin kayo at pinupuntahan mo pa siya! Hindi ba’t sinabi ko na sa ‘yo na hindi ka pwedeng mahumaling sa kahit na sinong babae? Hindi ba malinaw ang sinabi ko sa ‘yo?!”
Bumagsak ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Lalo na nang makita kong hinataw pa niya ng sinturon si Dax hanggang sa umabot ito sa braso at ulo nito! Nakita kong napaliyad ito sa sakit pero walang ingay na ginawa.
Kasalanan ko. Kasalanan ko dahil hindi ako nakinig kay Bobbie. Nagtiwala ako kay Mrs. Savage kahit na dapat mas nagtiwala ako kay Dax. Tuloy ay nasasaktan siya dahil sa akin!
Tatalikod na sana ako dahil hindi ko makaya ang nakikita pero hinawakan ako ni Bobbie sa magkabilang braso para mapirmi sa kinatatayuan ko. Talagang gusto niyang ipagdukdukan sa akin ang nangyayari!
Kinagat ko ang labi ko at pinalis ang mga luhang bumabagsak sa pisngi ko. Pilit kong pinipigilan ang paghikbi ko.
Hindi ko alam kung anong nangyayari - kung bangungot man ‘to. Pero isa lang ang alam ko, nakikita kong nasasaktan si Dax at mas nasasaktan lang ako dahil dito!
Nanlilisik ang mga mata ni Mrs. Savage. Malayong-malayo ang itsura niya sa kalmadong nanay ni Dax na nakilala ko. Kung hindi ko siya kilala, iisipin kong nababaliw na siya.
Pero bakit hinahayaan lang ni Dax na saktan siya ng ganito?!
“You are a Savage! Ikaw ang CEO ng kumpanya! You have rules to follow at alam mong ang pinakauna na rito ay ang pagsunod mo sa magulang!”
Tumama ang buckle ng sinturon sa likod ni Dax at mas nagdugo ito. Naririnig ko na ang paghagulgol ko pero kinagat ko ang labi ko para pigilan ito.
“I am doing this is for your own sake. You should always listen to me!”
Akmang hahampasin ulit ni Mrs. Savage si Dax nang humakbang ako papalapit sa pinto para pigilan sana ito. Pero hinawakan ako ng mabilis ni Bobbie sa braso at hinila papalayo. Nakita kong napatingin sa direksyon ko si Dax. Umigting ang panga niya nang magtagpo ang mga mata namin at siya rin ang agad pumutol dito.
Huli kong narinig na mga dalawang beses pa siyang hinampas ni Mrs. Savage at para bang pinagpipira-piraso ang puso ko dahil dito.
Sa tuwing may pagkakamali ba siyang ginagawa, ay ito ang parusang natatanggap niya? Normal naman paluin ang bata paminsan-minsan para matuto, pero hindi ko akalaing makikita ko ang kagaya ni Dax na masaktan ng ganito.
Hindi ko akalaing ganito kabaluktot mag-isip ang mga Savage.
***
Tulala ako nang iwan ni Bobbie.
Hindi pa rin mag-sink in sa akin ang mga sinabi niya pagbalik namin sa kwarto.
“Bata pa lang, ganito na kami disiplinahin ng mga magulang namin. Si Papa ang gumagawa nito noon at mas mas matindi pa nga kung tutuusin dahil mas malakas siyang mamalo. Pero hindi ko ito naranasan dahil sa tuwing may pagkakamali ako, si Kuya ang tumatanggap ng parusa para sa akin. Triple pa ang pagpapahirap sa kanya lalo na’t mataas ang expectations sa kanya bilang susunod na CEO.”
“Akala ko natigil na ‘to noong mawala si Papa pero nito ko lang nalaman na isinikreto pala ni Kuya na patuloy pa rin siyang sinasaktan ni Mama sa tuwing may pagkakamali siyang ginagawa. Ayaw niyang malaman ko. At mas lalong ayaw niyang malaman mo.”
Panay pa rin ang pagbagsak ng luha ko. Hindi ako makahinga dahil sa sobrang sikip ng dibdib ko. I can’t imagine how painful it was for Dax while growing up as a Savage.
Tinanong ko si Bobbie kung bakit hindi lumalaban si Dax. Bakit hinahayaan niyang saktan siya ng ganito?
“Palagay ko sa pananaw ni Kuya, tama ang ginagawa nila Mama at Papa para sa amin. Iyon ang pinaniwalaan niya dahil ganuon siya pinalaki.”
Kung pwede lang na kasama na niya ako bata pa lang siya ay ginawa ko na. Para maturo ko sa kanya kung ano ang tama sa hindi. Kung alin lang ang dapat niyang sundin at kung kailan niya dapat protektahan ang sarili niya.
Oo dapat nirerespeto at sinusunod ang mga magulang. Pero hindi sa lahat ng oras ay tama sila. Hindi sa lahat ng oras nakakabuti ang mga desisyong ginagawa nila.
“Kilala ko si mama kaya nakiusap ako sa ‘yo na ‘wag magkwento ng kahit na ano tungkol kay kuya. She could have asked me to come with you to the mall pero dahil siya ang nagkusang sumama sa ‘yo, alam ko nang may iba siyang habol dito. She just placed Kuya to an evaluation through you...”
Kinuha ko ang unan namin at sumigaw ng malakas dito. Para lang mailabas ang frustration ko.
“Ginamit ka ni Mama para malaman kung nasusunod ba siya ni Kuya. At dahil sa mga sinabi mo, hindi siya titigil ngayon hangga’t hindi niya nasisiguradong hindi na uulit si Kuya sa paggawa ng mali.”
Malakas na sampal ang natanggap ko kay Bobbie. Tinanggap ko iyon ng buong-buo. Parang kulang pa nga. Hindi ako gumanti pabalik at pinakinggan lang ang kakambal na mga salita nito.
“Hindi mo alam Reign kung ano ‘yung pamilyang pinasok mo. Kaya sana mas maging maingat ka. You don’t know how much pain my brother had to endure when he hired you to be his wife.”
“Alam mo, nagkamali ako noong inakala kong ikaw ang magpapasaya kay Kuya. That’s the only reason why I accepted you into this family. Ngayon kung wala ka rin namang maitutulong, sana umalis ka na lang. Layuan mo na ang kuya ko dahil baka ikaw pa ang ikamatay niya.”
Sising-sisi ako sa nagawa ko kay Dax. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin pero gusto ko pa rin siyang makasama. Gusto kong gamutin ‘yung mga sugat niya. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit.
Panay lang ang pag-iyak ko hanggang sa magliwanag na. Naalarma ako nang hindi na naman bumalik si Dax sa kwarto. Dito ko naisip na baka noong mga umagang nagigising akong wala siya sa tabi ko, nakakatanggap siya ng parusa kay Mrs. Savage.
Pero para saan? Ano pa ba ‘yung mga bagay na pwedeng maging dahilan para parusahan siya ng nanay niya?
Nagbihis na lang ako at mabilis na hinanap si Dax sa buong bahay. Hinanap ko pa siya sa mga katulong pero walang nakakita sa kanya.
Sa pagiisip na baka pumasok na ito sa opisina ay dito na ako dumiretso. Nilapitan ko agad si Miss Minchin pero hindi pa rin daw pumapasok si Dax.
So I waited inside his office. Kaya lang sa bawat oras na lumilipas ay para akong unti-unting pinapatay. Hanggang sa magtanghalian na pero wala pa ring Dax na nagpapakita.
“Dumaan na ba siya rito? Alam mo ba kung saan siya nagpunta?” tanong ko ulit kay Miss Minchin na halatang iritang-irita na sa prisensya ko.
“Hindi ko pa siya nakikita. Parang hindi siya nakapasok ngayong araw. And need I remind you that I am not a lost and found.”
Nanlamig na naman ang buong katawan ko. Hindi ko nakita si Dax sa bahay. At pagkatapos wala rin siya rito sa opisina.
Saan siya pwedeng magpunta? Posible kayang pinuntahan niya ulit si Richelle? Magkasama kaya silang dalawa?
Napatingin ako sa address na nakunan ko kagabi mula sa phone ni Dax.
Ang sabi ni Richelle ay siya lang ang nakakaintindi kay Dax. Nasabi ba niya ito dahil alam niya ang tungkol sa p*******t ni Mrs. Savage? Posible bang siya ang takbuhan ni Dax sa tuwing pinaparusahan siya?