What is love? Love is blind. Love conquers all boundaries. Love is complex. Love is a strong emotion. Love is... Actually, I'm not sure. Wala sa bokabularyo ko ang pag-ibig. Kaya maging ang kahulugan nito noon ay hindi ko pa lubos na naiintindihan. At para sa pamilya ko, lalo na sa mga kuya ko, mas maganda nang wala akong alam tungkol dito. Kaya lang biglang dumating sa buhay ko si Joaquin. Siya ang nagbigay kahulugan sa salitang pag-ibig na pinaniwalaan ko naman. Oo’t para sa iba ay hindi normal ang paraan kung paano kami nagkakilala, nagligawan, at nagkaroon ng relasyon. Hindi nila sineseryoso kapag nababanggit kong sa online lang nangyari ang lahat. Pero para sa akin noon ay ang tinuro ni Joaquin lang ang alam kong pagmamahal. Gaano man ito kababaw o kalalim, dito umikot ang

